Chapter 24

182 5 5
                                    

'HALA KA!!' Si Andrew. Bigla kong pagtayo sa kama. Hinanap ko agad Cellphone ko,

'AGOOOOY ! 11:11 am na?' tumayo ako bigla sa kama at nagmadaling lumabas ng bahay.

'Oh, Nichiel anak, gising ka na pala, halina't kumaen na ng Tanghalian.'

habang nilalabas nila ung pagkaen. At ako parang tulala pa din sa nangyayari. Kala ko panaginip lang ung kahapon.

'Gising ka na pala eh.' sabay hawak niya sa kamay ko at hinila ako palabas. 'Tinulugan mo ko kagabe tapos di pa kita magising kanina, nasobrahan ka ata sa pagod'

Hala ka? Nakatulog pala ako nung gabeng un kaya pala kala ko panaginip lang lahat.

'Wooow' pagkaamaze kong sabi. Ang sarap 'Inihaw na isda' Ang laki pa , at nasa dahon pa ng saging .

hmp, di naman nakaen ng isda si An-- GAAAH! Bwisit.

'Oh tara na kaen na tayo, para na din makauwe na tayo Nichiel.'

'Ay oo nga pala.' Ang sarap naman nito. >.<

Pagkatapos ng Masarap at nakakabusog na tanghalian, nagpaalam na kame at umalis na. Nakatulog ulit ako sa Kotse kaya di ko namalayang nasa bahay na kame. Ginising niya ko.

Pinulat ko unti unti ung mata ko 'nandito na tayo'

Eh! napakalapit ng mukha niya saken at tinulak ko mukha niya 'Ang lapit ng mukha mo saken'

he smiled sarcastically, 'Bumaba ka na at maligo, ang baho mo na.'

'Ehh?' ininamoy ko sarili ko, amoy isda. binuksan ko ng ung pinto 'Sige na alis na ko, uy salamat ng madame huh. sobrang saya'

'Salamat naman at naging masaya ka kasama ako.'

'oo naman no' Kahit si Andrew lage naiisip ko. 'Sige na, byebye. Ingat sa byahe.'

at nagdrive na siya. Pumasok na ko sa bahay.

'Oh bakit ngaun ka lang?' tambad saken ni mama.

'sorry po ma, nalate lang ako ng gising.'

'Kala ko ba si Andrew kasama mo?'

'Ma hindi po. ligo muna ko'

'Oo nga, eh pumunta siya dito kanina. hinahanap ka, may usapan daw kayo?'

'Hala ka! sige ma ligo muna ko, punta lang ako sakanila.'

nagmadali akong maligo at nagbihis, tinatry kong tawagan si Andrew di naman niya sinagot. Nagpromise ako sakanya ngaun eh.  

nagdecide na lang akong pumunta sakanila.

nagdoorbell ako. Nakita kong lumabas girlfriend niya, oh great Whatta Gay, i mean si Gail, binuksan niya ung gate.

'Oh Nichiel, Ikaw pala. Bat ngaun ka lang?'

'Si Andrew?'

'Wala pa eh, may pinuntahan lang saglit sa Agency na pinagmomodelan niya. pasok ka.' mabaet ka din palang babae ka tama nga sabe saken ni Andrew. pero duh! karibal kita.

'Nanjan na ba ung Lola ni Andrew?'

'Oo, natutulog ulit siya, napagod daw siya' napangiti siya. umupo ko sa sofa, at siya din 'Alam mo ba yang si Andrew ay graabe, kung di ko lang talaga mahal yan di ko matitiis pagiging nagger niya' Di wag mo ng mahalin at ibigay mo na lang siya saken, Eh wait 'Nagger? bakit?'

'Eh kasi nga ikaw daw sumama dun sa lalaking nung isang araw mo lang daw nakita, mas pinili mo daw un.. basta ang dame niyang reklamo sa buhay'

Kita mo nga naman ano, effective. haha. <3 pero wag ganon, mabait saken si Jake kaya wag mong pagiisipan ng masama Nichiel.

'Talaga?' yan na lang ang nasabi ko sakanya.

mayamaya ng onte, ay may nagbusina na.

'Si Andrew na yan.'

Ahh taray lang Housewife lang ang drama.

Lumabas ng Bahay si Gail , pag balik niya nasa likod niya na si Andrew. nung nakita niya ko inirapan niya lang ako. Aba tong bruhiltang to.

'Oh bat ka nandito?' pagsusungit niya saken.

'Bakit ayaw mo?'

di niya na lang ako pinansin, punta sila ni Gail sa may dinning 'Gail, kumaen ka na?'

'Hindi pa nga e.' rinig kong sabi niya.

'Oh eto oh, binili ko sayo fries'

'Woow, thanks my Favorite.'

huh! talagang di niya ko pinansin, tengene, nakakaiyak lang alam mo ung nageffort kang pumunta dito tapos susungitan ka lang. Alam ko kasalanan ko pero di ko naman sinasadya eh. French Fries pa T.T alam niyang super duper mega Favorite ko yan!

tumayo ako. at papaalis na sana

'Oh Nichiel, san ka pupunta? tanong ni Gail.

'Oh anong meron?' sambit ng isang matandang babae nasa taas na halatang bagong gising. 'Ay ikaw na ba yan Nichiel?' habang papababa ng hagdan, tumakbo ako papunta sa matanda na siguro ito ang lola ni Andrew na around 60 to 65 ang tanda.

'Oho, ako po si Nichiel, Oh dahan dahan ho.' Pagalalay ko sakanya pababa at pinaupo sa sofa.

'Such a beautiful girl, welcome to the family my dear.' sabay ng matamis ng ngiti ni Lola.

'ahy Lola, grabe naman po.' npatingin ako kay Gail na parang ibang aura, at kay Andrew na walang emosyon. 'Ay la, pero kailangan ko na din ho umalis. may kailangan lang ho akong gawen'

'Dito ka muna  at magkwentuhan'

Lumapit saken samen si Andrew 'La, hayaan niyo na ho siya, busy talaga yan lage' tumingin saken ng masama si Andrew

'Sige la Alis na po ako, bukas po balik ako' Napatingin ako kay Gail 'Sige.' at nagngitian lang.

Seriously? anong problema niya sa buhay? Kakaiyamot! Di naman siya nagagalit ng simpleng ganun lang. Oo nga at nagsusungit siya saken, pero grabe na to. Kung wala lang siyang Girlfriend iisipin kong nagseselos lang to ih . pero impossible. 

My Sweetest Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon