Wakas!

11.1K 394 114
                                    

NOTE: Again,nasa isang pagtatapos na tayo. Ngayong pa lang nag so-sorry na ako sa mga pagkukulang sa kwento,hindi pa po ganun kalawak ang imahinasyon ko at sorry kung madaming nadissapoint. Ayun,magkikita pa naman tayo sa iba ko pang mga stories,again,maraming salamat po! =)

==========================

Ang gaan ng pakiramdam ko tuwing nandito ako sa parola. Araw araw tuwing hapon ay nagpapahatid ako dito. Dito kasi nagsimula ang lahat at ang sarap balik-balikan.

Ang sarap sa pakiramdam pag tumatama sa akin ang hanging dagat,ang sarap pakinggan ng mga alon na humahampas sa mga bato at dalampasigan. Dito sa lugar na ito,panatag ako.

Nang magising si Laxmi,isinakatuparan ko na ang desisyon ko. Kaya namumuhay ako mag isa dito sa karatig baranggay ng Lolo't lola niya na malapit din sa Parola. Hindi ko na tinapos ang pag aaral,ano pang sense? Nagawa ko na naman ang gusto kong gawin.

Una,ang lumayo kay Laxmi para hindi ko na sya masaktan at para tuluyan na syang sumaya. Alam kong puro sama ng loob ang naibigay ko sa kanya. Totoo ngang mas masakit pag ikaw ang nang iwan sa taong mahal na mahal mo,walang kasing sakit pero yon ang kinailangan kong gawin. Pero mas masaya ako na may nagawa ako na mas magpapatuloy ng buhay ng mahal ko.

Ako ang nag donor sa kanya,I sacrificed my eyesight for him. Nung una sobrang tinutulan ito ng mga magulang nya. But I begged,wala silang nagawa ng lumuhod ako sa harapan nila. Ipinapangako ko din sila na huwag sasabihin kay Laxmi na ako ang nag donor ng cornea para sa kanya. Ginawa ko iyon hindi dahil yun ang dapat,kungdi ginawa ko iyon dahil mahal ko siya.

Hindi ko din ito ipinaalam sa tropa,pagkatapos ng operasyon ay lumayo ako. Nagalit sina Mama at Papa sa ginawa ko pero wala na silang magagawa. Natanggap din nila ang ginawa ko,na ginawa ko iyon dahil sa pagmamahal,sinabi ko na huwag silang magalit at huwag sisihin si Laxmi sa kinahitnatnan ko. Naintindihan naman nila,nanghinayang lang sila na hindi na ako makakapagtapos ng pag aaral.

Pero wala akong pinanghihinayangan. Kinulit nila ako na magpa opera ng mga mata,pero sinabi kong papayag lang ako kung ihahatid nila ako sa Batangas at huwag ng gambalain at hintayin na lamang kung kailan ko gustong magpa opera. Pero the truth is,wala na akong balak.

"Kuya Krew,gabi na po! Ihahatid na kita sa inyo." boses ng isang bata. Napangiti ako,siya si Lemon,nasa grade six na ata at isang binabae. Naaalala ko sa kanya si Laxmi. Naging routine na namin iyon,ihatid ako sa parola at sunduin pag gabi.

"Oo nga,naramdaman ko na ang lamig. Maganda ba buwan,Lemon?" ani ko. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayang maglakad.

"Napaka ganda po! Ang laki at bilog na bilog,parang mata ko!" sagot nito at humagikgik kaya napangiti ako.

I remember,bilog din ang buwan noon,pero madilim sa parola ng una kaming magkita at magkakilala ni Laxmi. Hindi ako magsasawang balik-balikan ang ala-alang iyon.

Inalalayan nya akong bumaba sa hagdan ng parola at agad na din nya akong inihatid sa bahay.

Mula ng mawalan ako ng paningin ay lumakas ang pakiramdam ko,pang amoy at pang dinig. Kaya kahit hindi ko nakikita ang paligid ay kabisado ko ang maliit kong bahay. Dumiretso ako sa kwarto,tinatamad akong kumain,ang gusto ko na lamang ay matulog at bukas ay babalik ulit sa Parola.

Humiga na ako sa papag. Sa loob ng isang taon ay nasanay na ako sa payak na pamumuhay at madilim na paligid. Walang kahit anong technology maliban sa radyo,walang cellphone o kahit ano pa man. Ayaw kong malaman nilang lahat kung nasaan ako. Ayaw kong makita nila ako na ganito.

Ang tanging dahilan para magpatuloy ako ay ang mga masasaya naming ala ala ni Laxmi dito sa Lian Batangas. Lagi ko din binabalik balikan ang unang nangyari sa amin. Tandang tanda ko pa iyon.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon