08. Sino?

9.8K 269 22
                                    

"Sino?" ani Bullet na gulat na gulat sa sagot ko,na akala mo ay sobrang bigdeal ng sinabi ko.

"Si Prijie! Hindi naman sadya yon,nagkita lang kami." ang sagot ko naman at umayos ng pagkaka upo.

"Sumasama ka sa mga taong hindi mo kilala?"

"Does it matter? Wala namang ginagawang masama yung tao. Mas masama pa nga ang ginawa ng kaibigan mo!" inis kong sabi. Naalala ko na naman kung paanong sabihin ni Krew na chaperone ako. The nerve of him to say that!

"He's just concerned. Like me,concerned ako sayo." ang malumanay na sabi ni Bullet. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone nya,tiningnan nya ito. "Nagtext na si Kopi,may lakad ang tropa ngayon,if you want pupunta kami dito after para hindi ka mainggit." nakangisi pa nyang dagdag.

"Inggit your face! Sige na! Layas na!" ang sabi ko at umalis na nga sya.

Nakakainis naman eh! Ang hirap ng grounded,kasalanan ito nung lalaking naglagay ng drugs sa inumin ko,pag nakita ko sya,I will definetly kill him.

Dahil walang magawa ay pumunta na lang ako sa theatre room,makapag movie marathon na lang baka sakaling mawala ang inis ko.

Tiningnan ko ang mga CD at laking tuwa ko ng may 'Starting over again' na bala. Kaya dali dali ko itong sinalpak at naupo na para manood.

"Hayup talaga tong si Piolo Pascual." ang komento ko pa dahil dun sa eksena nila ni Toni na I need an explanation. Nadadala na ako sa eksena ng tumunog ang phone ko,when I looked at it,may text from anonymous person:

"Huwag na huwag ka ng didikit kay Prijie." ang sabi sa text kaya na concious ako at nireplyan ko kung sino sya,si Krew pala,kaya kumulo agad ang dugo ko.

Ako:

Why do you even care? Mas okay syang kaibigan kesa sayo.

Siya:

I dont really care. Im just giving you a warning. And to tell you the truth,hindi kita itinuring na kaibigan.

Halos ibato ko sa screen ang cellphone ko dahil sa reply nya. Why is he like that? Sana hindi ko na lang sya nakilala sa parola. Looks can be really decieving.

Kaya ang nangyari,natapos na lang ang pinapanood ko ng wala akong naintindihan. Ang lakas talaga magdala ng badtrip ng Krew na yon!

"Nandyan na sina Maam and Sir,maghahanda na kami ng dinner." ani ng katulong,tumango lang ako at tinungo ang kwarto ko para magpalit ng damit. How I wish na wala na ang pagka badtrip ko pag nasa hapag kainan na.

"You don't look okay Laxmi." ani Papa na sinegundahan agad ni Mama.

"Ganyan talaga pag hindi nakakagala."

"Ma,Pa. Tanggalin nyo na ang pagka grounded ko. Wala namang mangyayaring masama sa akin eh!" ang agad kong pagmamaka awa.

"Hanggang last day ng month na ito ang pagka grounded mo." matigas na sabi ni Papa na ikinabagsak ng mga balikat ko. This is really unfair! Nagsasaya sa paglalakwatsa ang mga kaibigan ko,at ako nakakulong dito sa bahay? Nasan ang katarungan dito sa pilipinas?

"Tumawag si Majo,nagpaalam sya kung pwede daw kayo mag inuman dito,pumayag ako pero hanggang 12 midnight lang dahil may mga pasok kayo bukas." ani Papa.

"Magpapaluto ako kay Manang ng kakainin at pulutan nyo." dagdag naman ni Mama. Hindi na ako sumagot,wala naman akong magagawa,buti nga pumayag sila na uminom mamaya dito ang tropa.

I hate this feeling,para lang akong may sakit na naka quarantine,sana matapos na ang month na ito.

Matapos mag dinner ay dumiretso ulit ako sa kwarto at hinarap ang laptop ko. Makapag youtube na lang muna habang hinihintay ko ang tropa.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon