21. Chapel

7.7K 246 17
                                    

KREW ---

UGH! Fuck! Ang sakit ng ulo ko! Pag mulat ko ng mata ay nakita ko sa tabi ko si Goddess,nakayuko sa manibela,mabuti na lamang at may balloon. Nagtayuan ang balahibo ko. Tumingin ako sa backseat,wala si Laxmi! At dun ko lang napansin na basag ang salamin.

Natakot ako. Kahit masakit ang ulo at katawan ay lumabas ako ng kotse,umikot ako at binuksan ang driver's seat,dahan dahan kong inilabas si Goddess. Humihinga pa sya. Salamat po Diyos ko!

Lumingon ako sa paligid,madami ng tao,may mga dumating ng ambulansya at pulis. Buhat buhat ko pa din si Goddess.

"Laxmi!! Laxmi!!" sigaw ko,sobrang natatakot na ako,malakas ang impact ng pagkakahagis nya dahil nasa likuran sya. Shit!

May lumapit na mga medics galing sa ambulansya. "Kami na po ang bahala."

"Kuya,pakidala na sya sa ambulansya." pagtingin ko kay Goddess ay gising na sya,tulad ko ay duguan din sya.

"H-hon,si Laxmi." ani Goddess. Tumango ako at nilagay na sya sa stretcher saka pinasok sa ambulansya.

Napatingin ako sa kumpulan ng mga tao. May mga lumapit ding medics dito,nanlambot ako lalo ng makita kung sino ang inilagay sa stretcher.

"Shit! Laxmi!" parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Duguan ang mukha nya at parang hindi na sya gumagalaw.

"Excuse po! Delikado ang isang ito. Excuse!" nagmamadali nilang isinakay sa ambulansya si Laxmi.

Nanlambot ang mga tuhod ko. Bago maisara ang pinto ng ambulansya ay sumakay ako.

Ang dami nilang ginagawa kay Laxmi habang umaandar ang ambulansya.

"Gawin nyo ang lahat mabuhay lang sya! Pakibilisan po ang pagdadrive!" ang nanginginig kong sabi.

Napailing ang mga medics. Pagdating sa ospital ay kita ko pang ipinasok si Goddess sa ER,tapos ay si Laxmi.

"Dyan lang po kayo. Excuse me." ani ng nurse.

Tang ina! Kasalanan ko 'to. Fuck!

Nanginginig na kinapa ko ang bulsa ko. Kinuha ko ang phone ko,basag ang screen pero nagpafunction pa naman. Agad akong nagdial.

"Hello Dude? Bakit hindi kayo sumunod?" sagot ni Bullet,maingay ang background. Nasa bar pa din sila.

"Na aksidente kami. Nandito kami sa ospital."

"What? Nasan si Goddess? Is she fine?" ang gulat na reaksyon ni Bullet.

"Nasa ER sya,I think okay naman sya. P-pero si Laxmi,agaw buhay."

"Tang ina mo dude! Saang ospital yan?! Tatawagan ko din sina Tito at Tita." napapikit ako sa lakas ng mura nya. Pero sinabi ko pa din kung saang ospital.

Matapos ang tawag ay napa upo ako. Ayaw tumigil ng panginginig ng katawan ko. Halos mabunot na ang mga buhok ko sa kakasabunot sa sarili ko.

"Where's our son,Krew?" ilang saglit pa ay nadinig ko iyon. Ang papa ni Laxmi.

"What happened?" ani Tita na umiiyak.

"Nasa ER po sila ni Goddess." bigla kong naalalang itext ang mga magulang ni Goddess,kaya iyon ang ginawa ko.

"Sino mga magulang nina Laxmi Buenviaje at Goddess Silva?" ani ng duktor na lumabas sa ER.

"Kami po." ani Tito at Tita.

"Padating na po ang parents ni Goddess." ang sagot ko naman.

"Safe na si Miss Silva. Pero critical si Mr.Buenviaje,may mga bubog na tumama sa mga mata nya,nabugbog ang katawan nya at may mga nadislocate syang buto,and worst,may internal hemorage sya,so I recommend na dalhin sya sa OR bago ilipat sa ICU." mahabang sabi ng duktor. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo dahil sa narinig.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon