20. Ulan!

7.8K 243 19
                                    

Its been one month nung ginawa ko yun kay Krew. At hanggang ngayon,patago pa din ang aming relasyon. Kung relasyon nga ba iyong matatawag. Hindi ko makalimutan kung paano manginig ang kamay ko habang hawak ang kanya,at kung paano din sya manginig. It was a plain handjob at hindi na ulit iyon naulit.

"Gimik tonight?" ani Goddess. Sa totoo lang,hindi ko na sya matingnan ng diretso,sobrang nagiguilty na ako. Nasasaktan ako pag sila ni Krew ang magkasama,sya naman walang alam pag kami ni Krew ang magkasama.

"Im on." ani Yeobo na sinang ayunan ng lahat.

"Try kong sumunod. Magrereview pa ako eh,alam nyo na." ang palusot ko naman.

"One month ka ng tinuturuan ni hon,wala pa ding nagbago?" takang tanong ni Goddess,tiningnan ako ng tropa,tumingin naman ako kay Krew na walang reaksyon.

"Eh,ganon talaga. Pero don't worry,mawawalan ka na ng kahati." ang sagot ko na wala sa sarili. Nilingon ako ni Krew na gulat,at dun ko lang narealize kung anong nasabi ko.

Habang tumatagal lalong bumibigat. Hindi na kinakaya ng konsensya ko. Sobrang mahal na mahal ko si Krew,pero ngayon,at this very moment,naisip ko na kailangan na naming tumigil bago pa magkasakitan at maging huli ang lahat.

"Hahaha! That was just a joke." ani Goddess pero hindi na ako sumagot. Napalingon ako sa Main building at nakita ko si Prijie na naglakad palabas sa registrar.

"Sige! Itext nyo na lang ako kung saan ang gimik,baka sumunod ako." ani ko at tumayo na.

"San ka pupunta?" biglang tanong ni Krew kaya sya naman ang nilingon ng tropa.

"Kausapin ko lang si Prijie." at tumakbo na ako papunta kay Prijie.

"Oy,nandito ka pa din?" ang bati sa akin ni Prijie.

"Oo,tambay saglit. Ikaw?"

"Ngayon lang ako nakapag enroll eh. Buti tinanggap pa."

"Im glad okay ka na at maayos."

"Binobola mo ba ako? Ililibre kita!" nakangisi nyang sabi.

"Sige nga! Gusto ko yung mabubusog ako." ang sabi ko na din.

"Tara na." at lumabas kami ng campus. Panay vibrate ng phone ko. Alam ko si Krew iyon. Pero kailangan ko ng umiwas muna,kinakain na talaga ako ng guilt.

Sa Pizza Hut kami kumain ni Prijie,ang sarap lang sa pakiramdam na tuluyan na naming kinalimutan ang mga pangit na pangyayari noon.

Kaunting kwentuhan lang din at naghiwalay na kami,ako umuwi na at sya naman ay may pupuntahan pa daw.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko agad sa bakuran si Krew.

Anong ginagawa niya dito? Hindi nya kasama ang tropa?

"Hindi ka sumama sa tropa?" kinakabahan kong tanong dahil sobrang sama na ng tingin nya sa akin.

"San kayo nagpunta ni Prijie?" aniya,humakbang palapit sa akin. Napalunok ako at nagsimulang tumalbog talbog ang puso ko.

"Kumain. Nilibre nya ako eh. Ikaw? Baka hanapin ka nila." ani ko at nag iwas ng tingin,yumuko na sya. At aaminin ko sa inyo,hindi pa kami naghahalikan,puro kulitan lang talaga.

"Sobrang nagseselos ako." hinawakan nya ang baba ko. At sa unang pagkakataon,naglapat ang aming mga labi. Parang biglang naging jelly ace ang mga tuhod ko,napakapit ako kay Krew para hindi ako mapaupo. Nakakapanghina,nakakayanig,nakakalasing. Ganito pala pag ang mahal mo ang kahalikan mo.

"A-ako din naman ah." sabi ko ng maghiwalay ang aming mga labi.

"Just give me time."

"Itigil na natin ito. Kinakain na ako ng konsensya ko. Tama na,Krew."

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon