CHAPTER 8:

66 1 2
                                    

Ashley's POV: 

Pauwi na kami ngayon at naglalakad lang kami. Di ko dala kotse ko eh. Gusto raw kasi ni bestie maglakadlakad. 

"Bestie, may tanong ako." Lumingon naman ako sa kanya at *gulp* ahhh. Why so serious?

"Ah a-ano yun?" I stuttered. As I look at her, her face changed from serious to wicked look. Ayah. Di maganda kutob ko nito ah. 

"Paano mo ba nakilala si Nigel? Kwento mo dali!!" like what? I thought it was something so serious tas to lang pala tanong niya?! Augh. Kalokang bestie kong to oo. I agreed to her request and told her everything with a sweet smile on my pretty face. 

"Kyaahh!! Ang cute naman ng love story niyo bestie!!" love story? How come? Wala naman akong sinabing lovestory ah?

"Teka nga. Anong love story ba yang pinagsasabi mo ha? Eh di niya naman ako gusto and he calls me NERD and not by name" sabay pout 

"Oh biruin mo yun ginawan ka niya ng nickname. At isa pa naalala mo pa ba yung mga sinabi nung mga classmates natin na IKAW pa lang ang nginitian at kinausap ni Nigel ng ganun. In short your special to him unlike the other girls out there.Lastly." pabitin niya at yingnan niya ko with a furrowed brows. 

"Nerd talaga tawag niya sayo kasi naman oo! Tingnan mo nga naman yang itsura mo bestie oh! Ang baduy para kang manang!" Ai wow. Kaibigan ko ba tong babaeng to oh ano?! Sakit magsalita eh. Tagos!! 

"Ba't ba kasi ayaw mong ilantad yang kagandahan mo? Ano bang meron ha? Ang ganda-ganda mo pa naman. Talo mo pa nga yung ibang mga artista eh." 

"Ahm. Ano kasi eh." natatakot akong aminin yun sa kanya baka kasi matawa lang siya sa reason ko eh.

"Ano nga?" okay. Sasabihin ko na lang. Hooh. 

"Di ko kasi kaya beauty ko bestie masyadong maaappeal." sabi ko ng diretso. 

"Pft. HAHAHA. Seryoso ka bestie yun lang?" LOL na uto ko HAHAHA

"Gaga ka bestie naniwala ka talaga dun?" tawang tawa kong sabi sa kanya. 

"Ikaw!" hiyaw niya 

"Aray ko naman bestie para yun lang eh!" batukan ba naman ako?!

 "Anong yun lang?! Nagmukha akong baliw loko ka!" sino ba naman kasing nagsabing maniwala siya diba? 

"Sorry naman. Oh siya siya sasabihin ko na yung totoo baka batukan mo pa ako eh. Mabobo pa ko."

"Edi kasalan mo babae ka!" sabi niya pa sabay roll eyes. 

"Okay. So ganito kasi yun. Nung nasa states ka pa, may naging kaibigan ako . Eh yung kaibgan kong yun may gustong guy eh kaso si guy sa'kin may gusto kaya nagalit si friend kong yun. Kasalanan ko daw. Sabi pa niya "You fiend! How could you seduce him?!" ganun. Edi ako na walang alam na speechless. Ba't ko naman iseseduce yun e di ko type yung lalaki. Kaya anyari naging enemy niya na ako. At ako naman na ayaw ng maulit ang nangyari eh di naging ganito. I'd rather be called as nerd than a goddess that they would curse." At tong suot kong glasses? Pang anti-radiation lang to. Hehe. Ganun talaga yung buhay naming mga magaganda masyadong mahirap. 

"Seryoso ka bestie? Dahil lang dun? Wala nang iba? O baka naman niloloko mo nanaman ako ha?" kunot noong tanong niya. Tumango naman ako ng mailang ulit dami kasi ng tanong eh. Tinamad ako magsalita. 

"Alam mo kasi bestie. Wala kang kasalanan dun. At isa pa inggit lang yung loka loka sayo mas maganda ka kasi sa kanya eh. Your innocent bestie so don't be guilty." alam ko naman yun eh. Isa pa nasanay na ako ng ganito.

"At bestie wag kang tanga. Lagpas kana sa gate ng bahay niyo oh!" sabay turo niya sa likod ko. Eh? Nakarating na pala kami? Di ko na pansin yun ah. 

"Ahehe." I laughed awkwardly.

"Geh. Besti mauna na'ko sayo ah." sabay tapik sa balikat ko. Well di ko oa nababanggit but sa subdivision kasi namin bahay nila eh. Kaso nga lang nasa dulo kanila sa'min kasi sa bandang gitna. 

"Hmm. Ingat ka bestie ah. Annyeong!!(bye)" sabay wave ko sa kanya. 

"Annyeong!" sabay wave at tumalikod na siya. Pumasok na rin ako sa loob at pagbukas ng pinto. 

"We're home!!" yan ang sumalubong sa'kin pagkabukas ko pa lang. Bigla tuloy akong napaatras dahil sa bigla. Kaloka to sila mommy talagang ginugulat ako eh. 

"Waaah!! Mommy! Daddy! you're back!" They both nodded.

Mangiyak ngiyak ko silang niyakap dalawa. Niyakap naman nila ako pabalik at naghiwalay rin kami pagkaraan. 

"Kailan pa po kayo nakabalik? Ba't di niyo naman po sinabi sakin? Edi sana nasundo ko pa kayo." *pout* bigla naman silang tumawa. 

"Kani-kanina lang din." -mommy 

"Ano ka ba naman anak. Pagsinabi namin sa'yo eh di ka na masusurprise diba hon?" -daddy 

"Oo nga."-mommy 

"Well. Tama naman po kayo diyan but waahhh I really missed you mommy! Daddy!!" Sabay hug ulit sa kanilang dalawa. Tumawa naman sila mommy at hinug na rin ako. 

"Me too anak" -daddy 

"Me too baby" -mommy Sabay nilang sagot. Napafrown naman ako sa sinabi ni mommy. Hayh. Masyado talagang matigas ulo ni mommy eh. Hanggang ngayon baby pa rin ang tawag niya sa'kin. Huhu. Di na ba to matatapos. 

"Mommy naman. Napag-usapan na natin to ah." my lips twitching "Eh sa yun nga ang gusto ko itawag sa'yo eh." augghh. 

"Mommy! I'm old enough, i'm not a baby." diin ko 

"Ahh basta yun ang gusto ko dahil for me baby ka pa rin." napabuntong hininga nalang ako. Ayaw talaga paawat nitong si mommy. 

"Then tell me mom. When would you stop calling me that?" I asked feeling desperate. 

"Kapag kasal ka na!" she said wearing her wicked smile. Like what?! Ako? Pagkasal na?! 

"Mom naman! Ang layo pa nun eh!" protesta ko 

"Anong malayo ang la-" biglang naputol yung sasabihin sana ni mommy nung tinulak siya ni dad ng konti. Eh? anyare? Ba't biglang nanulak si dad? Nagpapapansin? ahehe. 

"Hon kanina pa yang anak natin nakatayo paupuin muna natin." -daddy said to mom with wide eyes. Hindi pa naman ako pagod eh. 

"Ai oo nga pala! Baby girl magpahinga kana muna sa kwarto mo." sabi ni mommy. 

"Okay po. Akyat na po ako." pumunta naman ako sa kwarto ko kaagad. 

Bash's POV: 

"Hayh. Muntik na talaga. Ang daldal mo talaga hon." sabay iling ko pa.

"Eh sa nakalimutan ko eh." she said while pouting. I was tempted thus I kissed her. Just a smack kiss though. 

"Hoy ano yun?!" ang cute talaga ng asawa ko. 

"Nothing." I denied and she glared at me. I just smile at her. 

"Hon kailan natin sasabihin sa kanya? We need to tell her the truth. Baka pag pinatagal pa natin baka di ma take ni baby." she asked worriedly. Haist. Pano ba to? Maybe next week? Yeah next week na. 

"Next week hon we'll settle this next week." I said as I caressed her beautiful face to ease her worries.

"Okay" she replied and smile a little bit. 





To be continued....  

He's My Fiance?!Where stories live. Discover now