CHAPTER 4: TRINITY GROUP

232 13 3
                                    

[After 1 week]

Ashley's POV:

Ang snobber niya talaga halos buong araw ko na nga siyang kinakausap pero wa epek pa rin..hayh..ang hirap naman kausapin ang isang snobber na kagaya niya..para na nga akong baliw sa kakausap ko sa kanya kahit hindi niya ako kinakausap..

"Ash,tara na kumain na tayo."napakurap nalang ako ng biglang magsalita si Zayl..

"Ano ulit yung sinabi mo?"pagpapaulit ko sa sinabi niya..hindi ko kasi siya narinig eh..bumuntong hininga naman siya tsaka nagsalita..

"Ang sabi ko kumain na tayo."sabay hila niya sakin patayo..sinagot ko naman siya.."Ahh ganon ba..tara na."sabay lakad namin papuntang cafeteria..

Buti pa tong si Zayl namamansin kahit di mo naman pinapansin pero itong si Nigel kahit isang beses WALA..huhuhu..

***FAST FORWARD LANG NG KONTI***

Pagkatapos namin kumain ni Zayl naisipan kung magtungo sa library may ipinapa research kasi yung teacher namin eh kaya kaylangan magpunta ng library..

Pagkapasok ko biglang bumilis yungf tibok ng puso ko ng makita ko si Nigel na nagbabasa ng libro...waaah!hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito sa library!!kung sa bagay mahilig nga naman siyang magbasa kaya malamang nandito sa library..alangan naman sa cafeteria diba?eh hindi ko pa nga siya nakikita doon eh..

Waah!!gustong-gusto ko siyang lapitan at tabihan kaya lang baka umalis siya kaya wag nalang siguro..sa kabila nalang ako uupo tas habang nagre-research ako titingnan ko siya..hehehe..nice plan Ashley..

After 5 minutes of researching natapos na rin ako sa wakas at sakto namang papaalis na si Nigel kaya naman sumunod na ako sa kanya pero hindi ako masyadong malapit sa kanya baka mabuko niya kasi ako na sinusundan ko siya..

Napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya.'lagot mukhang napansin niya yata ako!! anong gagawin ko wala akong mataguan!patay!' sabi ko sa utak ko..kinabahan ako ng bigla siyang lumingon..*gulp*waah!anong gagawin ko nakita na niya ako!!napalunok ulit ako ng palihim ng makita ko yung  seryoso niyang mukha na nakatitig sakin..huhuhu..patay ka ngayon Ashley..kailangan kong gumawa ng paraan!!

"Ha-hi?"pautal-utal kong bati sa kanya kunwari..

"Sinusundan mo ba ako?"deretsong tanong niya ni hindi man lang pinansin yung sinabi ko..(-_-')mabilis naman akong umiling-iling sa kanya sabay sabing.."Hindi ahh"pagtatanggi ko sabay tawa ng konti pero fake lang..

"Kung ganon bakit kanina ko pa napapansin na sunod ka ng sunod sakin?"tanong niya ulit..ito na nga bang sinasabi ko eh..kainis..ang talino niya kasi eh..

"Ano ka ba hindi kita sinusundan okay..nagkataon lang talaga na papunta ako sa classroom natin kaya magka pareho tayo ng dinadaanan."pagpapalusot ko.."Ahh talaga?"mukhang hindi siya na convince sa sinabi ko.."Oo talaga"sabay smile ng konti..

"Sigurado ka ba talaga huh?"ang dami niyang tanong.."Oo naman no bakit ano bang meron?"sagot ko at..

"Talaga lang ah..kasi sa pagkakaalam ko dun(sabay turo sa likuran ni Ashley) yung papuntang classroom natin at hindi dito."(o.o)waah..nakakahiya!

"Ah.ganon ba?sorry hindi ko lang siguro nakita ng maayos yung dinadaanan ko kung saan-saan kasi ako nakatingin eh..hehehe..sige alis nako."sabay talikod ko sa kanya ng mabilis..at naglakad na palayo sa kanya..nang makalayo na ako ng konti lumingon ako ulit doon..hooh..nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala na siya..

Maglalakad na sana ako ulit ng may biglang huminto sa harap ko..tatlo sila puro mga babae..ano kayang nangyari sa mga to?narinig ko naman yung mga babae na nag-uusap..

"Siya ba yung girl?"tanong nung nasa gitna habang naka tingin sakin.."Oo siya na nga yun wala nang iba pa."sabay ngise nung nasa kaliwa..Ewan ko ba kung anong nagawa ko sa kanila.."So whats the plan?"yung nasa kanan naman yun..teka tama ba yung narinig ko? may balak silang gawin sakin?

He's My Fiance?!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz