CHAPTER 7

79 2 0
                                    

  Zaylan's POV:  

  Hi! I am Zaylan Evans. 18 years old. 2nd year college and same school with Ashley. And my characteristics? Hmm. Well di ko na sasabihin lahat at ito nalang and tandaan niyo. Isa akong mabait at gwapong nilalang..hahaha 

[A/N: Zaylan wag masyadong mahangin ah? Bumabagyo na dito sa'min eh.]

 Author naman eh. Totoo kaya yung sinabi ko 

[A/N: Tama na nga yang satsat at mag-umpisa kana.]

 Eto na nga eh 

  "Ang saya-saya mo yata ngayon anak? Anong meron hmm??" Tuwang tuwang sabi ni mommy.  Ngumisi naman ako habang tumatango sakanya at umakyat na sa kwarto. 

Kung Alam niyo lang mom (sigh) ang saya-saya ko ngayon dahil sa wakas nakalipat na yung Nigel na yun. Malalapitan ko na rin si Ashley ng walang kahit anong alinlangan at pwedeng pwede ko pa siyang tabihan. Hehe.. Pero nakakalungkot kasi hindi masaya si Ash. Kung ngumiti siya paminsan minsan lang minsan pa pilit. Kaya naman gagawin ko ang lahat mapasaya lang ang taong gusto ko. 

Unang pagkikita palang namin ay nagustuhan ko na siya. Even though isa siyang nerd alam kong maganda siya at kakaiba siya sa mga nerd na nakilala ko. Hindi kasi siya yung tipo ng nerd na hindi lumalaban at hinahayaan lang na may umaapi sa kanila dahil siya young tipo ng nerd na hindi papayag na may umapak sa pagkatao niya.

 Hayh. Ano kayang pwedeng gawin ngayong weekends. Siguro magbabasa nalang ako tapos magbabasketball na din. Okay pwede na yun. At magfifacebook na din ako para maichat si Ash. Hehe.

Ashley's POV: 

Wala ngayon sina mommy at mag-isa lang ako. May inaasikaso kasi sila eh. Business matter. Kaya heto ako kung ano-ano na ang mga naiisip like am I pretty enough to be able to seduce my crush? Bwahaha. Dejoke lang di yan iniisip ko pero, pwede na rin naman. Hehe. Hayh. Kamusta na kaya si Nigel ano? Okay lang kaya siya? Wala ba siyang sakit? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagbabasa ba? O nagd-dayream? Lumalapit pa kaya yung Trinity sa kanya? Sana naman hindi wala pa naman ako dun. Namiss niya kaya ako? Kasi ako? Well di ko siya namiss. Bakit ko naman siya mamimiss eh halos mamatay na ko dtio sa bahay sa sobrang pagkamiss at pag-aalala ko sa kanya ano. Kaloka. Ang O.A. ko ba? Oo na ako na. Tch. Oo Alam kong isang araw palang ang nakalipas simula ng makalipat siya sa section zero. Masyado ba kong matanong? Ganon talaga madaldal ako eh at miss ko yung tao. TCH.

Ano kayang pwedeng gawin ngayon? Hmm. Aha! Alam ko na pupunta nalang ako sa ice cream parlor nang sa gano'y makabili na ako ng ice crema. Lol gaga ko talaga ice cream parlor nga so talagang makakabili ako. Haha. Matapos kong makabili ng ice cream, dumiretso na agad ako sa bahay at pumuwesto sa sala para manood ng 'Train to Busan' kasi di ko pa napapanood yun eh.

"Kyaaah! Dalian niyo baka maabutan kayo ng mga zombies!!!" waaa!! Kawawa naman yung mga hindi naka survive.. Uwaahh!! Sana di to mangyari sa totoong buhay..huhu..masyadong nakakatakot ehhh!

"Waah!! Yung tatay nung bata!!! Waaagg!! Wag mo siyang kagatin!! Pano na yung anak niya?! Kawawa masyado. Pagkinagat mo yan ipapatokhang talaga kita!!" sigaw ko pero wala eh kinagat pa rin buwisit talaga! Aughh.. 

Ang ending yung bata nalang at yung babaeng buntis yung natira. Lol alangan namang lalaking buntis diba? Dejoke lang. Pero totoo yun sila lang natira. 

At dahil tapos nakong manood magbabasa nalang ako ulit, tapos. 

***** 

Dalawang linggo na ang nakalipas at marami na ding nangyari sa buhay ko. Masaya na rin naman ako kahit papaano kasi lagi kong nakikita si Nigel sa library sa tuwing pumupunta ko. Naisip ko tuloy na baka tinuring na niya itong natatangi niyang bahay, laging andun eh. Ang kaso nga lang ang cold niya pa rin akala mo di ngumiti at kumausap sa'kin nung lilipat na siya. Kulang nalang gawin ko siyang ice sa tubig ko e, kainis! Paasa lang eh. 

Buti nalang nandito na bestie ko. Kung wala yung bestie ko dito baka umiyak nalang ako bigla dahil sa frustration na nadarama ko. And yes kararating lang niya dito sa Philippines kaya wala kayong alam kung sino siya. 

*FLASHBACK* 

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong magring. 

"Sino ba tong tumatawag?! Panira ng moment eh! Inaalala ko pa nga yung ngiti nung crush kong yun!" satsat ko at naglakad padabog. Char. 

Pumunta na ako sa side table ng kwarto ko at kinuha ang cellphone kong walang kupas kung maka ring. Tiningnan ko ang caller ID at. 

"Eh? Unknown? Saan nakakuha ng number ko to??" Tsk. Ang famous ko talaga. Psh. Masagot na nga lang. 

"He-" Aba't bastos to ah!! Ni di man lang ako pinatapos?!

[Yeobeoseyo (hello) bestie!!] ai wow ang FC niya infairness. May pa bestie-bestie pa siyang nalalaman eh di ko nga siya kilala eh. 

"Sino po ba to? At bakit bestie tawag mo sa'kin ha? Kailan pa tayo naging close aber?? At paano mo nakuha number ko? Na wrongsend ka lang ba? O stalker kita huh?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. 

Narinig ko naman siyang tumawa. And it agitated me. Grr. Loko to ah. Pagtawanan ba naman ako eh kinakausap ko naman siya ng maayos?! Tsk. Naloko na biktima pa ko ng baliw. Pano na ba to? Tawag na lang kaya ako ng mental ano? Di ko kaya maghandle ng mga may sira sa utak eh. Nakakastress. Aishh. Napakunot nalang yung noo ko kasi hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa niya. 

"Alam mo miss? Kung wala kang sasabihing matino at kung may problema yang utak mo wag ako kausapin mo. Oh ano tapusin natin ang usapang to." Agad naman siyang tumigil sa kakatawa niya at nag-umpisa ng magsalita. 

[Mianhae (sorry) bestie. Di mo ba talaga naalala ang bestie mo? Si Madelyn Montemayor to! Ang bestie mo!] napatanga naman ako saglit sa sinabi niya. Waah! Siya pala yung bestie ko! Kaya naman pala laging may korean words yung mga sagot niya sa'kin. Aisshh.. Ba't di ko ba napansin yon?! Yan kasi eh puro laman ng utak ko NIGEL. Augh. Kainis natarayan ko pa tuloy si bestie. 

"Waah! Mian bestie! Akala ko kasi kung sinong nantitrip natarayan pa tuloy kita." *pout* 

[Aiishh. Jinja. Gwaenchanhayo bestie. Kasalanan ko rin naman kasi di kaagad ako nagpakilala.]

"Hmm. Ai! Nga pala kumusta ka na? Dito ka na ba ulit mag-aaral? Nakabalik ka na ba sa Pinas? Ha? bestie?" 

[Bestie. Kalma lang andami mong tanong eh di ko carry, isa-isa na muna okay.] sabay chuckle pa.

"Hehe. Mianhae bestie. I'm just too excited" 

[I understand. Pareha lang naman tayong excited eh. At yeah I'm fine. At you guessed it! Dito na ulit ako mag-aaral at guess what we are schoolmates na yippeee!!] tuwang tuwa niyang sabi. 

"Wooohh! So you mean enrolled na you sa school na pinapasukan ko?! Kyaaah!! Excited na akong makita ka bestie!!" 

[Ako nga din eh! Kaso may gagawin pa ko eh kaya kitakits nalang dun ah?] 

"Of course! Bye bestie" 

[Sayo rin bye bestie] 

*END OF FLASHBACK* 

Nga pala di ko kayo nainform na mahilig kami ng bestfriend ko magkorean. At were not fluent yet. 

"Bestie. Punta tayong canteen nagugutom ako eh." *sigh* wala pa rin talagang pinagbago ang bestie ko still PG. 

"O..kaayy" yun lang sinagot ko at kinaladkad niya na ako papuntang canteen. 




To be continued....  

He's My Fiance?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon