11 ~ Worried

38.6K 547 4
                                    

Waah sorry po kung maikli. Busy po kasi ako at siningit ko lang toh nung gumagawa ako ng project namin sa computer.

Vote and comment.

Enjoy

Papindot pala yung external link :) ------>

***

*ting* *ting*

Hmmm ang aga-aga naman may nagte-text. Peste istorbo.

Hindi ko na lang pinansin kaso..

*ting* *ting*

Tiningnan ko ang oras at 3am palang. Sino bang matinong tao ang magtetext ng ganitong kaaga?

Tiningnan ko kung sino yun.

Si master pala. Kaya naman pala nang-iistorbo ito ng ganitong kaaga eh hindi naman to matinong tao at ang malupet pa eh blank message ang sinend. Tino talaga -__-

Dahil di na ako makatulog naligo nalang ako at nagluto ng breakfast namin ni Yanna.

Nauna na din akong pumasok at nag-iwan nalang ng note sa kanya.

Wala pang tao sa school. Malamang at 6am palang.

Umupo muna ako sa may bench at nagmuni-muni.

Isang linggo na din simula nung ayaw nila nung gangster at simula nun napapadalas na syang umutos kaya din siguro sya nagtext kanina para mang-utos na naman.

Marami na din ang pumapasok na at maya-maya nag-bell na.

Ang pinagtagtataka ko lang, hindi ko pa nakikita si Lynd. Kahit playboyat gangster yun lagi syang pumapasok at hindi nale-late.

“Yanna nakita mo na ba si Lynd?”

Nginitian nya ako ng nakakaloko.

“H-hoy ano yang ngiti na yan”

“Nami-miss mo sya no?”

Inirapan ko lang sya.

“Duh? As in nami-miss?  Yung gangster na yun? No way!”

“Eh bakit di ka mapakali dyan?”

Tss. -_-

Bakit ka ba ganyan bessy?

“Ahm oh sige na nga pero hindi ko sya nami-miss nag-aalala lang ako sa kanya kasi kaibigan ko naman sya.”

“Kaibigan ba o ka-ibigan?” sabi nya at tumawa.

“Che!” sabi ko at umalis na.

***

I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon