46 ~ News

29.9K 434 51
                                    

Waaaahhh nahihirapan ako sa chapter na to. :((

Enjoy :))

***

-Yanna’s POV-

1 year had passed so quickly.

Isang taon lang ang lumipas pero sobrang dami ang nagbago.

Summer na at kakatapos lang ng first school year namin sa college.

Magkekwento muna ako sa mga nangyari.

Hmm, wala na kami ni Renz. We broke up months after Yna left. Nasa Cebu sya ngayon at dun na nag-aaral, sikat na din pala sya. Si Ma’am Janna and Sir Nico ay engaged na. Hindi ko pa alam kung kelan yung kasal. Biro mo parang aso at pusa lang yung dalawa tapos sila din pala yung magkakatuluyan. Then yung ibang barkada gaya nila Kean, Marvin, Martin, Sophie, Gwen at Rhianne ay nawala na lang din. Iba-ibang school ang pinasukan nila.

So ang natira nalang ay ako at si Lynd. Medyo ka-close na din namin si Quen. Meron din naman kaming bagong mga kaibigan. Si Zade, Keiji at si Chelle.

So gusto nyo din malaman kung ano ang nangyari kay Lynd?

“Oy girl! Tulala ka na naman. Ayan na sila Lynd oh magpe-perform na”

Nagulat ako ng bigla akong paluin ni Chelle ng mahina.

Oo nga pala nandito kami ngayon sa gig ng banda nila Lynd. Apat sila dun, si Lynd, Keiji, Quen at Zade. Kaso tatlo lang sila ngayon kasi laging wala si Quen. Hindi man lang nagsasabi kung saan pupunta. Si Lynd pala yung pinaka-vocalist nila pero bassist din sya.

I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon