13 ~ Plan >:D

37.8K 559 9
                                    

vote and comment..


comment din yung gusto ng dedication kung meron man..XD

***

-Yna’s POV-

May narealize din ako ngayon..

I think I'm starting to love him..

Siguro for now..

“I like him”

Pero ba---

“Ynaaaa!!!”

....

Napabukas ako ng mata.

Panaginip lang pala.

Napatingin ako kay Yanna na alalang-alala yung itsura.

“Bessy ano bang nangyayari sa iyo at umiiyak ka ng tulog? At may pa-i like him ka pang nalalaman?”

“Ay wala toh bessy”

Medyo nakaramdam ako ng hilo kaya humiga ako ulit.

“Ano ba bessy malelate na kaya tayo!”

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero nagtaka ako nung hindi nya ako hinila at hinipo nya yung noo ko.

“Oh my bessy nilalagnat ka!!”

Bigla syang nataranta at halos di maipinta yung mukha nya.

Tumawa ako ng malakas. Grabe wa-poise.

Sumimangot naman sya. Minsan kasi may pagka-OA talaga tong bestfriend ko para namang nag-aagaw buhay ako kung maka-react.

“Psh dyan ka na nga”

Ngayon ko lang napansin na naka-uniform na pala sya. Bait hindi man lang ako hinintay. -__-

Pupunta na sana ako sa cr para maligo pero pinigilan nya ako.

“Hep hep saan ka pupunta?” sabi nya sabay harang nung kamay nya sa may pinto.

“Sa may cr. Obvious ba?” sabi ko at inirapan nya ako.

“May sakit ka kaya shoo balik dun sa kama. Ako na bahalang magsabi sa school na may sakit ka kaya hindi ka makakapasok” sabi nya habang tinataboy ako papunta dun sa kama ko.

I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon