32 ~ Nico and Janna

30.5K 397 8
                                    

Pangatlong update ngayong araw.

Madaming update ngayon kasi baka matagalan ang next update ^___^

Enjoy. :)

***

-Janna’s POV-

“Kayong dalawa , sigurado ba kayong kaya nyo nang gampanan yung mga responsibilidad nyo sa school namin? Puro nalang kayo away, para kayong bata. Sawang sawa na kami sa bawat araw na dumaan na lagi kayong nagbabangayan. Tapos nagdesisyon kayo ng padalos-dalos, tinaggap nyo yang pestend battle  na yan tapos ano? Isusubo nyo kami dito tapos hindi nyo naman pala kayang gawin yung mga responsibilidad nyo. Anong akala nyo sa battle na to? Laro? Pwes kung gusto nyong mag-away please lang wag dito at wag ngayon. Isipin nyo naman yung paghihirap nang mga magulang nyo para mapangalagaan yung pangalan ng school namin. Please lang Ma’am, Sir”

 

 

“Please be mature enough para sa amin. Sorry for being rude but sa tingin ko hindi kayo karapat-dapat para sa school namin”

 

 

Paulit-ulit yang nagp-play sa utak ko. Tama sila at sobrang sakit isipin na dadating pa kami sa ganitong punto.

Kung hindi ko sana sya minahal eh di sana hindi ako ganito.

 

 

Oo, mahal ko sya. Mahal na mahal.

Lumaki ako na kasama ko sya at nandyan sya palagi para sa akin. Nung mga bata pa kami lagi kong sinasabi na papakasalan ko sya. Hanggang sa lumaki kami at marealize ko sa sarili ko na mahal ko na sya. Lagi ko sa kanya sinasabi yun pero sa tingin nya nagbibiro ako. Pero hindi ko na talaga kinaya kaya nung debut ko umamin na ako sa kanya. Akala ko sasaya ako pero hindi pala. Sinabi ko sa kanya na mahal ko sya pero kahit pala hindi tanong yun, masakit pala pag wala kang nakuhang sagot at iniwan ka lang sa ere.

Matagal syang hindi nagparamdam. Two weeks akong walang balita sa kanya kaya nagulat ako ng malaman kong may girlfriend na sya. Sobrang sakit na halos ginawa ko nang hobby ang umiyak.

I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon