Chapter 5: Table

20.5K 241 7
                                    

Ang daming tao sa lib grabe... tapos halos ng nandito natutulog lang. Humanap ako ng seats baka meron pa naman. Inikot ko yung 2nd floor pero puno yung mga tables. Umaakyat ako sa 3rd floor para maghanap ulit. At may nakita ako sa dulo na umaalis na. Sakto ako! Nagmadali akong naglakad para makaupo ako agad.  Buti naman sakto ako kung hindi di ko alam san ako magsstay for 3 hours.

Nilabas ko lahat ng kailangan kong gamit para magreview. Book, notebook, lapis, ballpen, yellow pad, and calculator syempre... after 1 hour di ko pa din magets yung problem na to!! Nakakainis!!! Di ko pa din makuha. May naaninag ako sa side ko kaya tiningnan ko kung sino.

"Ikaw na naman?!" Iritang sabi ko.

"Pwdeng makishare ng table?" Ayoko nga. Umalis nga ako kanina kasi ayaw kitang nakikita eh.

"May kasama ako." Palusot ko.

"Nasan sila?" Daming tanong!!

"Padating palang sila." Umalis ka nalang kasi!

"Pwdeng for the nth time dito muna ko? Puno kasi lahat ng tables. Dito lang may available seats." Sabay tingin niya sa mga tao. Daming palusot. May choice pa ba ako?

Umupo na siya sa harap ko. Ayan na naman tayo. Pinagtitinginan na naman kami. Oo na! Alam ko!!!! Huwag niyo namang ipamukha sakin! Tao din ako, may feelings!! Nasasaktan din ako no!!! I HATE YOU ALL!!!!

Tinuloy ko nalang ang pagsasagot ng problems sa book. After 30 minutes may nagbubulungan na naman. Mag-i-earphones na nga lang ako. Kukunin ko sana yung earphones ko sa bag ng malaman ko kung bakit nagbubulungan ang mga tao dito.


















SANDRA POV

Hi guys!!!! I'm Sandra Vasquez. One of the bestfriend of Kate! Magkasanggang dikit kami niyan!!! Yes! Tama iniisip niyo. Ako yung tinutukoy niyang "yam". I'm 17 years old. Matanda ako ng dalawang taon sa kanya.Tahimik and mabait ako. kung di lang ako tatanungin di ako magsasalita. But it's different pag mga friends ko kasama ko. Hahaha. Madaldal ako ng konti. 😅

Late nako sa meeting namin ni yam. Magrereview kasi kami for midterms, sobrang traffic kaya natagalan ako. For sure, naiinip nayun! Sa sobrang bait non di makuhang magalit sa lahat. Ewan ko ba?! Ang hirap kasi sa kanya ang bait bait niya kahit na madalas ibang tao ang may kasalanan. Siya pa yung magiinitiate na magsorry kasi daw di siya mapakali pag may galit sa kanya. Oh dba?!! Ganyan siya kabait! Kaya frenny ko yan eh😊. Kaya minsan kami ang nagsasalita para sa kanya. Di niya kasi matanggihan lahat ng nagpapatulong sa kanya.

Vibrate**

Tiningnan ko kung sino nagtxt sakin.

"Nasa 3rd floor ako ng lib. Sa bandag dulo. Bilisan mo." Excited??? Late lang akong 5 minutes ah. Ng makalabas ako ng elevator nagpunch muna ako ng ID para makapasok. Then, hinanap ko agad siya. Narealized ko kung bakit minamadali niya ko. Hahaha. Kasama niya pala ang Varsity player ng school namin. Yes, si Dhen nga. Napansin ko nakayuko si yam and naka-earphones. Then nung makalapit ako narinig ko ang bulungan malapit sa table kaya alam ko na ang dahilan kung bakit nakaearphones si yam.

"Sorry late ako yam." Sabay tanggal ko ng isang earphone plug niya. Walang nagbago sa reaksyon niya. Nakakainis kasi tong mga to eh. May ittsismis na naman sila sa campus neto.

"Hayaan mo na sila. Inggit lang mga yan bal." Naaawa ako sa frenny ko. Alam ko pangiti ngiti lang to pero nasasaktan din siya. Kung pwde lang talagang sumigaw sa library sumigaw nako ea.

"Tara lipat tayo." Nakita kong paalis yung mga nasa couch. Kaya agad kong nilagay yung bag ko dun para wala ng makakuha.

"Sige." Sumunod siya sakin. Kaya naupo na kami sa couch. Pero nabigla nalang kami ng sumunod din si cj.

"Bat ka nandito?" Nakakairita din to minsan ea. Alam na nga niyang pinagttsismisan ang frenny ko lalapit pa lalo. Iba to mangtrip grabe.

"Sabi mo lipat tayo ea." Ang kapal din ng bungo nito ea.

"Di ikaw kausap ko FYI. And di tayo close para kausapin kita no." Wala kang masagot no?! Tinapik ako ni bal, tiningnan ko siya.

"Tama na bal. Hayaan mo na siya." Pinapairal na naman ang pagiging samaritana niya.

"Kaya nga kita dinala dito kasi pinagttsismisan ka ng mga yan ea!" Turo ko sa mga tsismosa! Hmp!!!! Gusto kong sumigaw totoo man!

"Review nalang tayo please...." naawa talaga ako kay frenny. Bat laging api yung mga mababait?

"Okiedokiee. Lets not waste our time and saliva to those people who can do nothing to their lives." Parinig ko sa kanila. Lagi ako yung nakikipagaway pag pinagbubulungan si frenny. May ganyang side ako so wag na kayong magtaka. Hahaha.

Nagreview nakami sa mga major namin. Ganyan kami, magkikita lang kami para magreview. Di kami maguusap kung walang itatanong. We just want to see each other while reviewing our lessons. Di kami mga bad students no. Hahahah. Nagaaral kami ng mabuti. Struggle is real ika nga. Di kami umaasa sa sagot ng isa. Kahit frenny namin ang isa't isa di kami nagkokopyahan. Kasi pag mali ka sa sagot mo then kumopya siya sayo ending non magaaway kayo. Am i right? Kaya di namin ginagawa yun. Then may policy din kami sa squad. No discussion after quizzes, seatworks, and exam. Para walang gulo syempre😂.






Nung nainip nako kakareview tiningnan ko siya kung tapos na siya. Gutom nako. Di pa ata siya tapos magreview. Kaya naupo muna ko ng indian sit sa couch then nagcellphone na muna ko habang hinhintay siyang matapos. After mga 25 minutes siguro nakita kong inikot niya yung ulo niya. Tapos na ata siya. Tumingin siya sakin kaya sinenyasan ko siyang kumain kami. Nagagree naman siya kaya inayos na namin yung gamit namin.

"San tayo bal?" Gusto kong bumiling kikiam. Namiss ko yung favorite food namin, streetfoods. Nakita namin ung nagtitinda ng fishball. Kaya tinignan namin yung isa't isa and sabay kaming tumawa.

"Lets go bal!!!" Yaya niya. Super favorite namin talaga yung streetfoods. Mula pagkabata yan na kinakain namin pag gutom kami. Nakuha na nga namin nahospital dahil diyan ea. Honestly, bawal na kami sa streetfoods kasi nga nahospital na kami dahil diyan. Pero diba sabi nga nila mas masarap ang bawal. Hahah. Tsaka wala namang makakaalam pag walang nagsumbong diba? Hihihihi.

You left, Remember?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora