Chapter 7: BestFriend

15.7K 179 0
                                    







"Para po!!!!!" Bumaba nako at naglakad na papuntang school. Actually, pwde namang sumakay ng jeep kaso sayang pamasahe eh ang lapit lang naman ng school mula sa kantong binababaan ko.

Kasama ko lagi ang bestfriend ko sa paglalakad. Walang iba kundi yung earphones ko. Siya lang kasi lagi ang nakakaintindi sakin.


"That should be me holding your hand
That should be me making you laugh
That should be me, that should be me."🎵



Gumawa saglit ako ng assignment dito sa student center, kasi dito peaceful, tahimik. Until such time na may umupo sa harap ko pero di ako nag abalang tingnan kasi busy ako sa assignment ko.






Nung natapos ko na yung assignment ko, umidlip muna ko, maaga pa naman.


















DHEN'S POV

I'm Dhen Castro.Varsity player ng school.

Maaga ako ngayon sa school kasi nagppractice ako ngayon. Ng may mapansin akong naglalakad papuntang student center kaya tiningnan ko kung sino.

Ang cute talaga niya. Hahaha. Gusto ko siyang asarin kaso mukhang serious sa ginagawa niya kaya tinitigan ko nalang siya.

Di niya siguro ako napansin na umupo kasi yukung yuko yung ulo niya. Ng matapos niyang gawin iyon, umidlip siya gamit ang kanang kamay niya na nasa cheeks niya.


Bat ba pagod na pagod to???
Ooooooppppsssss!!! Muntik na siyang mauntog sa mesa kasi nakatulog siya ng tuluyan at naalis yung kamay niya. Buti nalang di siya nagising.


















KATE'S POV

Nagvibrate yung phone ko kaya minulat ko yung mata ko. 😱😱😱

Totoo ba tong nakikita ko?
Di agad ako nakapagreact kasi natulala ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tiningnan ko yung time, 5mins before the time.

"Sinapo ko yung ulo mo kasi muntikan ka ng maumpog kanina sa mesa." Oo nga no... nahiya naman ang panget.

At di ko din napansin na madami na palang studyante dito. Bat di man niya lang ako ginising!!! Nakakahiya!

"Ba't di mo nalang ako ginising?!"

"Wow ah, siya pa talaga galit sa ginawa ni Dhen!!!" Eto na naman po ang mga author.

"Oo nga. Choosy pa siya!" Wow ah!!! Ako pa talaga ang choosy?!!! Kahit NBSB ako may worth naman every inch of my body no.

Umalis nalang ako at baka umiyak pa ko dito. Nakasunod ata siya sakin. Wala akong pake sa kanya!

"Hintayin mo naman ako"

"Sino ka ba para hintayin ko!"

"Classmate mo" bat di kaya siya mauna. Diba malalaki hakbang ng mga kapre? Bat di niya ko nauunahan? 😤

"Edi tumakbo ka" naiiyak nako kasi naririnig ko pa din sila.


"Wag mo nalang kasi pansinin yang mga yan." Kasi hindi naman ikaw ang ginagawan ng kwento.

"Please..." huminto muna ako.

"Stay away with me." Then i walked out and went to our room.

"Yam..."

"Kate, can you give example please." Anong example?? Wala na ata ako sa wisyo

"Yam..."

"Yam!!!!" Naiiyak nako. Di naman niya ko kailangan sigawan eh.🥺

"Magbigay ka daw ng example."

"Sorry Ma'am but may i go out?"

"Yeah sure." Nahalata siguro niya na malapit ng tumulo yung luha ko kaya pinayagan na kong umalis.

Saan naman ako pupunta ngayon? Tanga lang Kates?

Pumunta nalang akong student center para dun nalang makinig ng music. Nakatulala ako habang ninanamnam yung mga bawat liriko na sinasambit nito. Wow ang lalim ng tagalog. Hahaha

"Ba't ka umiiyak?" Don't tell me siya na naman!!!!

"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis nako sa kanya.

"Sinundan ka"

"Ano bang pake mo."

"Di mo sinasagot yung tanong ko"

"Wala ka na don!" Gusto kong magbasag ng mga plato!!! Biglang sumakit yung dibdib ko, nahihirapan akong huminga. At worst di ko na macontrol.

"You ok?"

"Na...hi... nahihira....pan akong hu...huminga" namamanhid na ang ulo ko. Lord, help me. Huhuhu

"Tara pumunta tayo ng clinic"
Pero di ko kayang tumayo. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang dibdib ko. Pero...

Unti unti akong nawawalan ng hangin sa katawan.


"Yam..."

You left, Remember?Where stories live. Discover now