Ending: The Confession

531 11 7
                                    

Kaira's POV 

"Anak may mahalaga kaming sasabihin sayo." Sabi ng Mama ko

"Ano po yun Ma?" Pagtatanong ko

"Ah anak, medyo nahihirapan na kasi ako sa problema natin ngayon kaya napagdesisyunan naming..." Sagot ng Papa ko.

"Ano po?" Sagot ko.

"Papuntahin kang ibang bansa para dun na mag'aral." Sagot ni Papa.

What? Ibang bansa. Ayoko. Tss.

"Pero Ma, Pa, Kuya! Ayoko magpunta ng ibang bansa" Pagtutol ko.

"Kaira, ayaw din naman namin papuntahin dun eh. Pero wala kaming magagawa. Nalulugi na ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Papa. Si Uncle Sonny nalang ang makakatulong saatin. Kaya nga dun ka na nya pinagaaral eh." Sagot ng Kuya ko.

"Wala na po bang ibang paraan?" Tanong ko.

"Wala na Iha eh." Naluluhang sabi ng Mama ko.

"Pero diba pwede naman akong tumigil sa pagaaral muna para naman makabawas ako sa problema?" Sabi ko.

"Yan ang wag na wag mong gawin Iha. Magaaral ka kahit na maghirap tayo!" -Papa

"Papa" Naiiyak kong sabi kaya yumakap na ko sakanya.

"Kailan na po ba ang alis ko?" Muli kong tanong pero nakayakap pa din ako kay Papa.

"Bukas ng gabi Iha" Sagot nya na may lungkot sa kanyang tinig. :(

"Ang daya niyo naman! Bat ngayon nyo lang sinabi? Edi dapat nagpadespedida ako diba?" Pabiro kong sabi.

Hindi na sila umimik. Mas lalo akong nalulungkot eh.

"Pero diba, babalik pa ko dito sa Pilipinas? Magkikita pa naman tayo diba?" Kumalas ako sa yakap kay Papa at tinignan sila.

Tumango nalang sila. Si Mama, na kanina'y napapaluha, umiiyak na ngayon. Si Kuya naman, umiiyak din. Si Papa, nakatungo pero halatang naluluha na rin.

"Wag na kayong umiyak dyan! Sabi nyo magkikita pa tayo. Hindi pa End of the World kaya wag tayong magdrama!" Pinupunasan ko yung mga luha ko.

Niyakap ko silang tatlo at sinabing "Mamimiss ko kayo. Wag nyo kong kalimutan ha!"

Matapos ang sobrang haba naming pagdadrama. Napagpasiyahan naming magpahinga na. Masyado ng occupied ang isip ko. :|

Umakyat ako papuntang kwarto. At nahiga ako sa kama. Hayy. Mamimiss ko ang lahat ng bagay sa bahay naming ito. :(

Bukas ng gabi, iiwan ko na ang Pilipinas pati ang mga tao dito. Nakakalungkot isipin pero kailangan kong tanggapin. :((

Ipinikit ko na ang aking mata at nagsimula ng matulog.

*Kinabukasan

Nagising ako na mugto ang aking mga mata at may mabigat na damdamin. Mamaya na ang flight ko papuntang ibang bansa. Hayy.

Napabuntong hininga na lang ako at inayos ko yung kama ko. Bye Kama, last day ko na dito sa kwarto ko.

Pagkatapos kong dramahan yung kama ko. Pumasok na ko sa banyo para maligo.

After ilang minutes. Bumaba na ko para magbreakfast.

Nadatnan ko si Mama, na naghahanda sa pagkain. Si Papa, na umiinom ng Kape at si Kuya, na nakaupo lang at nanunuod ng t.v. pero pansin sakanyang di nakapokus ang atensyon nya sa pinapanuod.

Masasabi kong normal na araw ito para sa karaniwang tao pero sa pamilya namin, hindi. Ito na kasi ang araw na aalis ako at iiwan sila.

Nakatunganga lang ako dun sa may hagdan namin at napapaisip nang bigla akong tinawag ni Mama.

His Secret Love(Short Story)Where stories live. Discover now