Chapter 8: The Confrontation

536 12 1
                                    

Kaira's POV

Naiwan akong nakatulala doon sa may garden. Napapaisip pa rin ako dun sa sinabi ni Mark saakin eh. Infairness sakanya, ang bilis niyang makilala yung long lost bestfriend niyang yun kung sino man yun. Hahaha. May lahi bang manghuhula yun si Mark at bigla niyang nakilala yung bestfriend niya? TELL ME! Ha? Nanay niya ba si Madam Auring? Okay. Corny na. 

Napapangiti ako sa mga kalokohan ko. Anobayan. 

Teka, parang may tao ata dito?

Tingin Tingin. Hmm. Wala naman.

Tsk. Mga naiisip ko oh. Makaalis na nga.

James' POV

Hala! Posible kayang si Mark yung Bestfriend kong umalis na bumalik na? Tsk.

"Anong binubulong mo dyan?" Tanong saakin ni Elise. Kasalukuyan pa po kaming nagtatago dito sa may puno. Nandito pa kasi si Kaira eh, nakatulala. Ano kaya iniisip nun?

"Ha? Meron ba? Wa-Wala!" Malakas kong sabi

"Shh. Wag kang maingay. Hinaan mo nga yang boses mo. Mukha kang nakalunok ng microphone eh. Tignan mo napapatingin dito si Kaira. Mahuli pa tayo nun eh, lagot tayo pag nagkataon." Pagsasaway saakin ni Elise. Mukha talaga tong nanay ko. 

Tinignan ko si Kaira, paalis na siya.

"Oh, halika na Eli, tapos na ang palabas. Umuwi ka na." Pagpapauwi ko kay Elise

"Tsk. Tapos na? Wala ka bang balak kausapin si Mark or what?" Pagrereklamo naman niya

"Wala. Okay? Kaya wag ka ng makulit. Uwi uwi din." Pagtutulak ko sakanya

"Ewan ko sayo." At umalis na siya.

At ngayon, to end this story, dejoke, to end this problem may kailangan akong kausapin at walang iba yun kung hindi si Mark.

Hinanap ko siya kung saang sulok ng school at nakita ko siya malapit sa Faculty.

"Mark" Ako

"JZ" Matagal ng walang tumatawag saakin niyan. Tsk.

"Pwede ka bang makausap?" Seryoso kong tanong sakanya

"Sige, dun tayo." Tinuro niya yung bakanteng classroom. 

Pumunta kami doon at umupo ako sa isang bookshelf.

"Magsimula ka na. Ano bang sasabihin mo?" Ngitian niya ko. Tsk. 

"Narinig ko yung pinaguusapan niyo ni Kaira kanina." Pag'amin ko

"Oh? Hindi ko alam na eavesdropper ka pala JZ. HAHAHAHA." Tumatawa niyang sabi saakin

"I'm serious." Sabi ko sakanya na nagpatigil sa kanya sa pagtawa.

"Okay, ano naman ang tungkol dun?" Tanong niya saakin.

"Siguro naman alam mo na ako yung nawawala mong bestfriend noh?" Sabi ko

"Yeah. Pre, tell me the truth. Ano bang kailangan mo? Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa." Sabi niya saakin.

"Alam ko ang pinaplano mo. Kaya please lang wag mo ng ituloy." Sabi ko

"Bakit natatakot ka bang maagaw ko siya sayo? Hanggang ngayon pala duwag ka pa rin JZ." Sabi naman niya na may halong mapangasar na tono.

"Hindi ako duwag. Natatakot lang ako sa kung ano ang pwedeng mangyari pag tinuloy mo ang plano mong yan." Ako

"Don't worry, walang mangyayaring masama pag napunta saakin si Kaira." Siya

Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin.

"Tigilan mo na ang laro mo Samonte." Ako

"It's not a game JZ." Sabi niya

"Eh anong tawag mo dito ha Mark?" Napalakas na ang boses ko. Nakakapikon na kasi tong lalaking to

"Binabawi ko lang naman ang pagmamay'ari ko eh." Siya

"Kahit kailan hindi naging sayo si Kaira." Seryoso kong sabi sakanya

"Bakit? Hindi ba? Hindi ba't inagaw mo siya saakin?" Siya

Natahimik ako. Tss.

"Oh ano? Bakit hindi ka makasagot ha? Guilty ka na ba?" Siya

Nanatili pa rin akong tahimik.

"Kung wala ka ng sasabihin aalis na ko." Tumayo na siya at naglakad palabas ng classroom

Bago siya tuluyang makalabas may pahabol pa siya "Tandaan mo 'to, babawiin ko siya sayo."

Sigh. Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman ng una palang talo na ako. Una palang sila na talaga ang para sa isa't isa. Extra lang ako sa buhay nila. 

--------------------------------

A/N: Hello, super short update lang to dahil gagawa pa ko ng Minor Paper eh. Pesteng SONA yan. Epal eh. -____- Hahaha. Sensya na din kung ngayon lang update.

At kung naguguluhan kayo sa conversation ni James at Mark. Sa Next update niyo na po malalaman yung totoo. ^_____^ Mark's POV po yun. To be exact. So ayun, don't forget to vote, comment or be a fan man yan. 

Tsaka please do read my OneShot "Dear Leilah" is the title. :)))

Mark on the side. -------------->

His Secret Love(Short Story)Where stories live. Discover now