Chapter 5: Close sila?

581 14 1
                                    

James' POV

Kabadtrip talaga yung Mark na yun. Laging epal. Sarap ipakain kay Mojo Jojo yung sa powerpuff. Hay. Nakakaines. Moment na namin yun ni Kaira tas dumating pa sya. Epal talaga!  Makaalis na nga dito sa library.

Habang naglalakad ako nakita ko si Elise. Nilapitan ko sya. Kung nagtataka kayo kung bakit close na kami nitong si Elise, eh simula yun nung incident last time. Yung pinaghintay ko si Kaira sa may gate. Kasama ko po nun si Elise. At kung gusto niyo po malaman kung ano yung napagusapan namin ni Elise nun eh sa mga next chapter na. Hindi pa po kasi niyo dapat malaman yon. Secret eh. Haha.

"Hoy Elise!" Pagbati ko kay Elise

"Maka-Hoy, sapak you want?" Pinakita niya saakin yung kamao niya na aambang sapakin ako.

"Psh, chill. Badtrip ka? PMS? Haha." Pangaasar ko sakanya.

"Kung nangiinis ka lang. Pwedeng lumayas ka na sa harap ko." Galit na pagkakasabi nya saakin. Aw. Badtrip nga sya.

"PMS nga! Haha. Bakit anong problema mo?" Pagtatanong ko sakanya.

"Eh kasi pano si Daddy, may ipapakilala daw saakin. For sure anak ng mga ka' Business Associates nya nanaman yun. Hay, parang ibinebenta ako ng Daddy ko sa mga pinaggagawa niya. -___-" Sabi nya saakin. Well, nakwento na nya saakin yung problem niyang to tungkol sa Family nya. Di ko lang mapaniwalaang kayang gawin ng Daddy nya yun. 

"Tss. Halika nga dito." Sinenyasan ko syang lumapit saakin.

Lumapit sya saakin at tinanong "Bakit?" 

Inakbayan ko sya at yung isang kamay ko nilagay ko sa ulo nya at ginulo yung buhok nya. Parang nakababatang kapatid na ang turing ko sakanya. Simula nga yun nung nakapagusap at nakapaglinawan na kami. Haha, nakakatawang isipin nung nakaraan lang ayaw ko sakanya pero ngayon close ko na at nakikipagbiruan pa. 

"Waah, nagugulo buhok ko." Pagrereklamo nya. 

"Haha, okay lang yan. Maganda ka pa din." Sagot ko sakanya.

"Sus, bola! Wag ka nga. Mainlove ako ulit sayo eh." Pabiro nyang sabi saakin.

"Psh. Ewan ko sayo. Haha, wag na nga nating pagusapan yan." Sabi ko sakanya.

"Sorry Boss! Teka, lapit ng magtime. Punta na tayong classroom?" Pagaaya nya saakin

"Sige." Tinanggal ko na ang pagkakaakbay sakanya. At naglakad na kami.

Madami pa kaming napagusapan at di namin namalayang nakarating na pala kami sa classroom.

Natigil ang paguusap namin nang biglang may sumigaw.

"Wala daw si Maam! FREETIMEEEEEEEEEEEEEE!" Aish si Jet lang pala, kaklase namin.

"Oh talaga Pare? YOHOOOOOO! Pasigaw na sagot ni Lorenzo, isa sa mga kaklase din namin.

"Tsk. Tsk. Ang ingay talaga nila. Haha." Sabi naman ni Elise saakin.

"Oonga eh. Nga pala, anong balak mo. Wala daw si Maam." Pagtatanong ko sakanya. 

"Siguro magcacanteen na lang ako. Di pa ko nagbebreakfast eh. Nabadtrip ako kay Daddy." Pagsagot nya naman saakin.

"Ah ganun ba, sige sama ako sayo." Ako yan

"Sigesige." Naglakad na kami ni Elise papuntang canteen. At kwentuhan nanaman kami. Kinwento nya saakin yung namatay nyang puppy at kung ano ano pa. Haha. Ang daldal talaga nitong babaeng to. 

Enjoy na enjoy kami sa pagkwekentuhan ni Elise nang biglang lumapit saamin si Kaira at Mark.

"James, Elise san kayo pupunta?" Pagtatanong ni Kaira

"Ah, pupunta sana kami ng canteen. Wala daw si Maam eh. Eh kayo?" Pagsagot naman ni Elise. Ako tahimik lang. Tas tong si Mark nakatingin lang kay Elise. Psh. Napaghahalataan.

"Ah ganun ba pwedeng makisabay. Nagugutom na rin kasi kami ni Mark eh. Diba?" Tumingin si Kaira kay Mark at nagtatanong

"O-oo" Sagot naman ni Mark na nakatingin pa rin kay Elise.

Tinignan ko si Kaira at nakita ko syang nakatingin lang kay Mark at Elise. 

Aish. Naaawa ako sa Bestfriend ko. 

"Ah ganun ba tara na. Sabay na kayo saamin. Okay lang ba sayo James?" Pagtatanong saakin ni Elise.

 Nagnod lang ako at naglakad na ulit kaming 4. 

*Canteen

Naghanap kami ng mauupuan ang luckily may nahanap kaming bakante yung pangapatan talaga.

Umupo na kami. Bale ang katabi ko si Kaira at ang katapat nya naman si Mark na katabi si Elise kaya ang ibig sabihin nyan katapat ko si Elise.

"Uhm ano kami nalang ni James ang bibili." Pagpresenta ni Kaira. Psh. Mga plano talaga nito oh!

"Okay lang ba sayo Kaira?" Pagtatanong ni Mark

"Ano ka ba okay lang, anong gusto niyo?" Pagtatanong ni Kaira sakanila

"Sandwich nalang tsaka juice. Ikaw ano ang sayo Mark?" si Elise habang nakatingin kay Mark

"Yun nalang din" Pagsagot ni Mark kay Elise

"Sige, pipila na kami. Tara na James." Pagaaya ni Kaira saakin kaya sumunod nalang ako sakanya

Habang nakapila kami para bumili binulungan ko si Kaira "Ano bang plano mo ha?" Pagtatanong ko sakanya

"Ha anong plano?" Nakangiti nyang tanong saakin. Nagmamaangmaangan pa tong isang to. 

"Etong ginagawa mo. Alam mo Kaira kung nahihirapan ka na, wag mo nang ituloy. Sabihin mo kay Mark sya na lang ang bahalang manligaw kay Elise. Wag ka ng idamay pa." Sabi ko kay Kaira, naaawa na rin kasi ako sakanya.

Nawala ang ngiti sa labi nya "Ano bang sinasabi mo dyan? Okay ako! At kung naaawa ka saakin, hayaan mo na lang ako. Ayokong kaawaan mo ko. At desisyon ko to. Kailangan ko tong panindigan." Sagot nya naman saakin.

"Hindi mo kasi naiintindihan  eh. Ayaw lang kitang nasasaktan kasi-------." Natigil ako sa sasabihin ko sakanya. Ayaw kong ituloy. Siguro dahil natatakot ako? 

"Kasi?" Pagtatanong saakin ni Kaira.

"Wala, nevermind. Kung buo na yang desisyon mo, susuportahan kita. Pero kung saktan ka nyan ni Mark, sabihin mo lang saakin ha!" Pagpapaalala ko sakanya.

"Opo Kuya" Sagot nya naman saakin.

Di na ko sumagot dahil turn na namin umorder.

Nang makaorder na kami bumalik na kami dun sa table namin at nakita kong nagtatawanan si Elise at Mark. Mukhang ang saya saya nila ha. Teka, bakit parang close naman sila? Bakit pa nagpapatulong tong si Mark kay Kaira? Ano ba talagang balak niya?

-------------------------------

A/N: So alam kong bitin to. Mag12AM na po kasi. At may klase pa kasi bukas. Maaga pa ko gigising. Hahaha. So, kung papansinin nyo bakit nga po close si Elise at Mark? At bakit po nagpapatulong pa si Mark kay Kaira kung close naman na sila ni Elise? HAHAHA. Ako din po di ko alam. :D

At anong napagusapan ni Elise at James kaya naging close sila? Kasama ba sa plano ni James at Kaira ang makipagclose kay Elise? 

Daming tanong kaloka. Anyway please keep on supporting this story. Vote, Comment and Be a Fan kung nagustuhan niyo. Thankyou.

At nga pala Elise on the side -----------------------------------------> 

Ganda. Ganda. 

His Secret Love(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon