Chapter Fourteen

6.7K 104 2
                                    

Julius

     “Julius! Ayoko na! Pwedeng next time na lang?!” Hinihila ni Sam yung braso niya palayo kayo mahigpit yung hawak ko para hindi siya makatakas.

     Right now nasa harapan kami ng bahay namin. Ate ko, ok siya sa kahit sinong babaeng matipuhan ko basta’t mabait. Parents ko? Mas gusto pa nila si Dana na stalker ko din for two years. Mas gusto nila si Dana dahil nga meron na siyang background sa business. Masyadong business-minded kasi ang parents ko eh. Iniisip nila na kapag sineryoso ko yung pagdodoctor ko, kailangan yung mapapangasawa ko ay may alam sa business para siya ang magpapatakbo ng kompanya namin.

     Pwede naman si Ate kaso, ayaw naman niya. Lagi siyang nagtatravel at nagliliwaliw para lang hindi ibigay sa kanya yung kompanya. That means the pressure is on me.

     “Tara na!! Wag nang maarte!” Malambing kong saway kay Sam at hinila na siya papasok sa bahay namin.

     Pagpasok namin, dumeretso na kami sa living room namin at nandun naman sila mommy at dad. Sinalubong naman kami bigla ni Ate na tuwang-tuwa kay Sam.

     “OMG! OMG! Ang ganda-ganda mo naman! J, I like her already! She’s a keeper!” tuwang-tuwa na ang baliw kong ate.

     “Hoy! Ate K manahimik ka at nakakahiya ka!” Saway ko sa kanya.

     She scowled at me and pulled Sam over to the couch to take a seat. She was facing my parents.

     I took a seat beside Sam at si Ate naman nasa kabilang side niya nakaupo.

     “So Hija, I heard isa ka ring doctor?” Panimula ni Dad.

     “Ah! Opo.” Sam answered nervously but still with a smile.

     “Doctor… What do you know about business?” Tanong agad ni Mommy.

     “Uhm… Onti lang po. I took up business management for a year lang po eh, tapos nagtransfer na po ako sa medicine.” She informed. Sinundan pala niya talaga ako! Business management pala siya dati, at dahil sa akin nagshift siya ng course na walang kinalaman sa business at nag medicine siya!

     “Ohhh… Hija, if you were to choose, running a family business or pagiging isang Doctor?” Iniinterrogate siya ni Mommy ah!

     “Uhm… Pagiging isang Doctor po. Narealize ko po kasi na this is where I’m good at.” Tipid na sagot ni Sam.

     “Well, hija, sad to say… Pero we need a girl who would be kind, caring, gorgeous, and talented as you but kailangan din namin ng isang magmamana ng family business namin.” Mommy broke the ice. Straight to the point magsalita ang mom ko at minsan nakakasakit pa siya.

     Hindi na nakapagsalita pa si Sam sa gulat. Her face went blank and fierce just like when she was still avoiding me nung unang mga araw na nagkasama kami sa ospital.

     “Katherine, pwedeng ihatid mo na ang bisita sa labas.” Utos ni Mommy. Ang harsh talaga ni Mommy.

     “Ma!” Saway ko.

     “What?!” She questioned.

     “Pati ba naman sa babaeng pipiliin ko kailangan niyong pagdesisyunan?” I protested.

     “I’m just looking out for you, that’s all!” She defended her side.

     “Looking out for me? Or looking out for your company?” Pambabara ko sa kanya. I’ve had enough of them controlling my WHOLE LIFE!!!

     Para akong robot. Buong buhay ko, sila ang nagpatakbo. Isang beses lang ako nasunod at yun ay ang pagpili ko ng career, at ngayon gusto ko ako ang magdedesisyon sa taong mamahalin ko at pipiliin ko.

The Doctor Is InWhere stories live. Discover now