Pang-sampu

67.4K 895 52
                                    

"Isang linggo nang comatose ang anak ko pero wala pa ring kayong lead kung nasaan ang Rosendang iyan?!" pagalit na sabi ng papa ni Jiji sa mga pulis.

*Jiji*

Tahimik lang siyang nakaupo sa labas ng kwarto sa ospital na iyon kung saan comatose ang katawan ni Jaja. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin nahahanap ang kriminal na si Rosenda. Ni hindi niya magawang sabihin sa mga magulang nila ang tungkol kay Maria, sino ba kasi ang maniniwalang lahat ng iyon ay pakana lang ng multo nito. Ang tangi na lamang niyang nasabi sa mga magulang ay kasalanan lahat iyon ni Rosenda. Naaawa talaga siya sa kapatid. Dalawang beses nitong niligtas ang buhay niya. Samantalang siya, walang magawa habang nakahiga ang kapatid at hindi alam kung magigising pa ba o hindi na. 

Wala akong kwentang kapatid pinabayaan ko siya!

 


Umiiyak na usal niya sa sarili habang makayuko siya. Naramdaman na lamang niyang may tumabi sa kanyang isang babae. Nung una'y hindi niya ito pinansin pero napatingin siya sa paanan nito. May tumutulong dugo. Kinilabutan siya, hindi siya makatingin sa kung sino man ang tumabi sa kanya, basta lang tumutulo ang dugo nito. Lalo siyang napaiyak sa nakita lalo na nung bigla itong bumulong sa kanya.

"Tulungan mo ako"

Bigla siyang napatingin dito pero paglingon niya'y wala siyang nakita. Naglumikot ang mga mata niya sa iba't-ibang sulok ng hallway na yon pero wala talaga siyang katabi. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Imposible! Sino yun?

 


"Jiji!" napalingon siya sa kanyang mama. Halata sa mukha niya ang sobrang pagkagulat at takot.

 

"Kanina pa kita tinatawag iha, ano bang nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ng kanilang mama.

"Wala po" Nagtataka man kung sino ang babaeng iyon ay hindi na lamang niya pinagtuunan ng pansin. Baka namamalikmata lang siya.

"Uuwi muna kami ng Papa mo para kumuha ng gamit ng kapatid mo. Gusto mo bang sumama sa amin iha?" Tanong ng kanyang mama habang nag-aayos ng gamit sa bag.

"Hindi na po, babantayan ko na lang po si Jaja"

Hinalikan siya ng kanyang mama. "O sige. Kukuha na lang kami ng gamit para sa iyo. Babalik kami ng papa mo bukas. Maraming pulis ang magbabantay sa inyo para safe kayo ng kapatid mo. Magiging maayos din ang lahat" Malungkot nitong sabi saka sila iniwan ng mga ito. Mukha mang mahinahon ang kanilang mama sa panlabas ay alam niya ang bawat gabing umiiyak ito dahil sa sinapit ng kapatid.

BAHAY ni MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon