Pang-walo

76.9K 1K 118
                                    

Dalawang araw ng comatose ang katawan ni Jaja. Dalawang araw na rin siyang nagtatago sa mga pulis. Tinakbuhan niya si Jiji ng gabing iyon dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kahit kasi anong paliwanag at pagsasabing niyang siya ang kapatid nito'y hindi man lang siya nito magawang paniwalaan. She even called her crazy. Sino ba naman ang maniniwala sa kanya?Kasalukuyan siyang nasa katawan ni Rosenda. Kailangan niyang alamin kung ano ba itong nangyayari iyon sa kanya kaya ngayo'y malapit siya bahay ni Maria at nagmamasid masid.

*Jaja*

Siguradong nasa loob ng bahay ang solusyon sa problema. Pero paano ako makakapasok kung madaming pulis ang nagbabantay sa paligid ng bahay. Kailangan kong makahanap ng daan papasok sa bahay na iyon.

Napansin niya ang isang batang babaeng nakasuot ng puting uniform sa gilid ng bahay kung saan walang nagbabantay na pulis dahil madilim at walang ilaw ang paligid. Napatingin ito sa kanya saka kumaway at sumenyas na lumapit siya.

Sobrang pamilyar sakin ang batang ito. Hind ko alam kung saan ko siya nakita pero alam kong nakita ko na siya. 

Humakbang siya papalapit sa bata. "Anong ginawa mo dito bata?"

"Gusto kong pumasok sa bahay" sabay turo sa bahay ni Maria.

 

"Bakit?"

 

Hindi sinagot ng bata ang tanong niya bagkus ay hinila siya sa bandang likuran. Pumasok sila sa madlim na lagusang iyon. Napatingin siya sa paligid at namangha nang marealize na ang lagusang iyon ay ang lagusan papunta sa likod bahay kung saan walang nakatanim na kahit anong halaman.

Ito marahil ang sinasabi nilang bakurang walang tanim. Dito marahil nilibing yung Instik at yung kabit.

 

 

"Ate" napalingon siya sa tumawag na iyon pero wala siyang nakita. Pati ang bata nawala na rin.

Asan na yon?

 


"Psst!"

 

lumingon ulit siya pero wala na naman.

"Psst!"

 

Isa pang lingon ang ginawa niya pero wala pa ring tao.

Sino ba yun? Nanloloko. Nakakairita. Dinadagdagan yung problema ko eh.

BAHAY ni MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon