Panglima

87.4K 1.2K 175
                                    

A/N: Dito magtatapos ang 1st person POV, dahil mula sa kabanata na ito hanggang sa dulo, 3rd person POV na po ang gagamitin. Maraming Salamat!

*Jaja* 

*Sa Daan*

"Antagal tagal mo kasi Jiji. Ayan ginabi na tuloy tayo" Reklamo niya sa Kapatid.

"Sorry na nga Jaja. Di ko naman kasi akalain na late na pala matatapos yung meeting ng Math Club. Sorry talaga"

"Aynako! May magagawa pa ba yan? Sana nagpasundo na lang tayo kay Papa" Ng hindi ito sumagot ay nilingon niya ito. Nakita niyang napahinto ito.

"Jiji" Tinawag niya ang kapatid.

"Jaja, diba yan yung bahay ni Maria?"

 

Paglingon niya andito nga sila sa tapat ng bahay ni Maria. Bigla siyang nakaramdam ng kilabot ng mapagmasdan ang bahay nito. Wala man lang kailaw ilaw, nakakakilabot. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti ang bahay nito. Ang laki at ang pangit pala sa malapitan. Nakakatakot.

Nilapitan niya ang kapatid at hinila, "Tara na nga Jiji"

"Teka lang Jaja, tignan mo oh." Tinuro nito ang dalawang pulang rosas na tumutubo malapit sa bahay nito. "Akala ko ba walang tumutubong halaman sa bahay ni Maria? Bakit may bulaklak? anong ibig sabihin niyan Jaja?"

"Ibig sabihin niyan, may magandang babaeng papasok sa bahay ni Maria" Napalingon sila sa nagsalita.

Si Rosenda.

Umaliwalas ang mukha ni Jiji. "Rosenda andito ka pala. Anong ginagawa mo dito?"

Hindi sumagot si Rosenda pero napansin niya ang seryosong mukha nito. Bigla siyang kinabahan at bumilis ang tibok ng puso niya.

Bakit ganito ang aura ni Rosenda. Laging maaliwalas ang mukha niya huh. Pero ngayon, para siyang nababalutan ito ng itim na enerhiya.

Bigla niyang napansin ang hawak nitong DosporDos na kahoy.

"Ibig sabihin niyan, may magandang babaeng papasok sa bahay ni Maria" 

BAHAY ni MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon