Pang-pito

73.9K 971 74
                                    

Alam ko mahihirapan siyang akayin ako palabas lalo pa at nakaabang ang wala sa katinuan na si Rosenda. Wala na rin akong lakas pa para protektahan ang kapatid ko. Nanghihina na ako. Maraming dugo na ang nawala sa akin. Magiging pabigat ako kay Jiji kung sabay kaming lalabas. Kaya naghintay ako ng pagkakataon. Kinuha ko ang titulo ng bahay ni Maria saka ko inipon ang natitira kong lakas para maitulak palabas ng pintuan ang kapatid kong si Jiji.

*Jaja*

"Di ko akalaing ganyan ka katanga Jaja" nakangiting sabi ni Rosenda.

Patawad Jiji. Hindi man ako mabuhay sapat na sa akin ang kaalamang buhay ka. Hindi ko mapapatawad ang sinuman kung may mangyari sayong masama.

 

"Wag kang matuwa Rosenda. Dahil titiyakin kong isasama kita sa hukay" matalim niyang sabi rito.

 

"Sa kalagayan mo?" pasaring nito.

Hindi ako dapat panghinaan ng loob kahit ramdam ko ang pagkahilo. Ilang sandali na lang ay baka bumagsak na ako ng tuluyan.

 

"JAJAAA!" Narinig niyang kinalampag ni Jiji ang pintuan mula sa labas.

"Maria, Gusto mo bang makuha ang titulo mo? Palabasin mo si Jiji"

 

 

"Sino ka para utusan ako?" sabi nitong tila galing sa ilalim ng lupa ang boses.

 

"Ako lang naman ang may hawak ng titulo mo" pinakita niya ang titulo ng lupa nito. Hinawakan niya sa magkabilang gilid saka aakuhing pupunitin. Puno na ng dugo niya ang papel na iyon. Hindi nya alam kung gaano kahalaga kay Maria ang titulong iyon pero alam niyang magagamit niya ito laban dito.

Nakita niyang wala ng nagawa pa si Maria kung hindi sundin ang sinabi niya. Narinig na lamang niya ang malakas na pagihip ng hangin at ang malakas na tili ng kapatid hanggang sa unti unti'y nawala itong parang bula. Malamang ay malayo na ang kinaroroonan nito.

"IBIGAY MO SA AKIN ANG TITULO KO!"

 

Ngumiti siya ng mapakla at tumingin ng nakakaloko kay Maria. "Sa tingin mo ibibigay ko to ng basta-basta sayo?"

"Graaaarrrrrwww" mabilis pa sa isang sigundong sinugod siya nito Nakita niya ang sobrang galit sa mga mata ni Maria pero bago pa siya nito mahawakan ay iniharangniya dito ang titulo ng lupa. Napatitig ito sa titulo. Nakita niya ang takot sa mga mata nito. Ngayon siya naghihinala kung gaano iyon kahalaga.

BAHAY ni MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon