Noelle part 1

158 10 3
                                    

Noelle

by Mario Paolo Domingo Macariola

(disclaimer: ang kathang ito ay nailathala sa Lumad 13 Literary folio nuong taong 2010 ng may akda)

"Kelangan engrande, kailangan papansin, kailangan sikat, ako ang bida"

iyon ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Noelle habang sabay rin niyang iniisip kung bagay ba ang suot  niyang hikaw sa kanyang blouse, pero wala na siyang panahon para magsalamin at isa pa'y wala na din naman siyang dalang salamin.

nasa ibabaw siya ng billboard at maya maya'y tatalon na siya.

di ganun kataas ang billboard na kinakaupuan niya, mga sampung palapag lang siguro, kaya naman nakikita pa rin niya ang mga taong nag-aabang ng bus sa highway, mga barker na nagtatawag ng traffic, mga pulubing naghihintay ng awa at pati na rin ang mga tambay na naghahanap ng makukuwento o pagkaka abalahan.

Napangiti si Noelle, dahil naisip niyang di man siya natangap sa audition kanina eh siguradong madidiyaryo naman siya bukas.

lasug-lasog man o hindi eh siguradong siya ngayon ang mapipiling magbida mula sa dinami-daming tao sa ibaba niya ngayon, matatalo niya ang mga nag aabang ng bus dahil siya ang unang makakarating sa huling hantungan, di rin uubra ang mga sigaw ng barker sa magiging malakas na pagtama ng kanyang bungo sa aspalto, at mas bibigyang awa din siya at pagkaka abalahan kaysa sa mga tambay o pulubing naroon, kaya nama'y kahit malakas ang hangin ay pinilit ni Noelle na suklayin ang kanyang buhok at plantsahin ang kanyang blouse gamit ang kanyang kamay.

tumingin-tingin siya sa paligid.

Ngumiti.

Lights, Camera, Action!

Tatalon na siya.

Pang ngalanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora