Haydn

97 4 2
                                    

Haydn

By Mario Paolo Domingo Macariola

Dahan dahan kong nilakihan and mga hakbang ng paa ko papunta kung nasan naka confine si Lola Regine. Mataas ang sikat ng araw at matagal pa bago nito hayaang takpan ng mga anino ang mga gusaling animo’y mga multong nakahilera dito sa kahabaan ng maduming kalye papunta sa ospital ng maynila, napakainit, pero sanay na ako tulad ng karamihang pilipino, totoo ngang luma na ang salitang global warming ngayon. Kasing outdated na ito ng mga poste ng kuryenteng tinutulak ng bawat dumadaang bagyo patungo sa kamatayan o ng mga pader na sa sobrang luma ay wala ng magaabalang maglinis sakaling gumuho ang isa na marahil nama’y hindi magtagal  bago tuluyang maging alikabok. Minsan nakuwento sakin ni lola na dati pa raw ay ganito na sa Pilipinas, naluluma lang ng naluluma ang mga gusali. Habang nananatili ang mga tao sa pagpipilit ng pagbabago kahit pa alam naman nila sa mga sarili nila na lumang tugtugin na rin ang kanilang kinakanta, na kahit mapaos pa sila  kakasigaw e paglubog ng araw ay hindi man lang nila mabibigyang pagbabago kahit ang lumang swelas ng mga mas luma pa nilang sapatos.

“walang katuturan at walang kadala dalang kabataan” ika nga ni lola, isa sa mga maraming “ika” niya tuwing nagkukuwento siya tungkol sa kapanahunan niya, pati na rin yung abnoy na presidente nila nuon, at ang pagsisisi niya sa pagboto sa tao na yun. Matalinong babae si lola. Nakapagtapos siya sa UST sa kursong arkitektura nuong taong 2010 at naging isa sa mga sikat na arkitektong lagi kinukuha para magdisenyo ng mga subdivision, apartment at iba pang mga gusali na napapakinabangan parin hangang sa kasalukuyan, sa totoo nga eh nakatira kami sa isa sa mga yun ngayon. Pitongpu’t-isang taon na si lola at isa na rin s amga pinaka matandang pilipinong nabubuhay ngayong 2059. si lola rin ang pinakamalapit sakin magmula ng mamatay ang mga magulang ko nuong huling epidemya ng cholera sa makati at ang nagpaaral sakin hangang makapagtapos ako ng hayskul. Hindi na uso ang kolehiyo ngayon, at hindi ko rin naman masyadong napakinabangan ang diploma ko, hindi ko rin naman kasi nagustuhan ang pag aaral. Ano pang saysay ng edukasyon kung wala namang trabahong naghihintay diba?

Nakarating ako sa ospital at tahimik na nagpunta patungo sa ward ni lola, ayoko sa amoy ng ospital. Malungkot, hindi ko maipaliwanag, parang pag biglang umuulan, kung paanong kinakain ng ingay nito ang mundong nakapalibot at makakapagparamdam sakin ng pag-iisa. Walang lohika pero mararamdaman ko na para bang pinpuputol ng ulan yung mga tulay na nagdudugtong sakin at sa mga iba pang tao. At nakakalungkot nga, basta... parang walang tigil na ulan ang amoy ng ospital.

Narating ko ang ward ni lola at napatigil sandali, nagkamot ng tenga atsaka binuksan ang pintuan. Mas mabigat pa ang amoy dito, parang pinaghalo halong amoy ng maasim na kumot, bago at expired na gamot, ihi, tae at kamatayan.

Nasa dulong kama si lola at hindi ko siya tanaw mula sa kinkatayuan ko. Binuksan ko ang nakapatay kong cellphone para tingnan ang oras at hayaang pumasok ang mga mensahe kung meron mang nagtext. Maya-maya kailangan ko na tong patayin. Hindi naman laging may kuryente at bawal naman makicharge dito. Mahirap na.

2:59 PM. Halos eksaktong tatlong oras bago pakainin ng hapunan si lola, naglakad ako at iningatang hindi mapatingin sa mga ibang pasyente, dinatnan ko si lolang nakaupo’t nakasandal sa unan habang nagbabasa ng lumang librong “time traveler’s wife”. Tumingala si lola mula sa libro, ngumiti at tinawag ako:

“Hayden” tumigil siya saglit, ngumiti at nagpatuloy

“halika dito, dito ka umupo sa kama”  nakangiti parin si lola ng umupo ako sa tabi niya, kumpleto parin ang ipin niya dahil kahit pa nagmahal ang toothpaste isang dekada na ang nakaraan e hindi si lola yung tipo ng taong sinasakripisyo ang kalinisan sa ngalan ng pagtitipid, minsan ko ngang nakuwento sakanya yung sa nabasa kong libro tungkol sa World War II kung san sinabi na may mga lugar daw sa Japan na sa sobrang krisis e wala man lang perang panligo ang mga tao dun, sabi naman ni lola e tamad at dugyot lang daw talaga ang mga hapon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pang ngalanWhere stories live. Discover now