Level 8: Halik magbespren (walang malisya!)

322 9 6
                                    

“Gwapo ng bespren ko ah,, halatang pinaghandaan mo ang pagdating ni Sam ah..So ikaw lang ba susundo sa kanya?”

Hindi talaga maintindihan tong si Yanskie kung bakit ba gustong gusto nyang saktan ang sarili nya.. Lumipas na rin ang isang dalawang linggo, eto pa rin sya, acting supportive kay Nathan/Sam love team.. Bigat man daw sa pakiramdam ay parang di nya alam kung pano hindi tatawa eh, nakikita nyang masaya si Nathan eh..Tinulungan pa nga nyang magpapogi..at sya pa mismo pumili ng susuotin ni Nathan..Sa totoo lang, pinili nya yung hindi bagay kay Nathan, para hindi  magmukhang gwapo sa ito sa paningin ni Sam. Kaso nga lang, wala eh, natural na gwapo si Nathan eh, kaya ayun, hirap daw papangitin..

“Gwapong gwapo ba? Oh bespren, laway mo tumutulo.. hehe”

“Che! Pakipunas nalang nga..hehe..”

“Yanskie…”

"Yes?”

“Paakap naman..”

Ngiti lang si Yanskie pero di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan..Kaya si Nathan na mismo ang lumapit..Dahan dahan..Habang nakapako mga mata nila sa isa’t isa..

“Hmmmm..Yanskie…Thank you..”

“Thank you san?”

“Sa lahat..Kung alam mo lang..Kung gano ko kasaya…”

“Alam ko naman eh.” Masaya ka kasi dadating na sya..sakit..sana manhid nalang ako..

“Ayaw mo ba talagang sumama sa pagsundo kay Sam?”

AYOKOOOHHH!!!!

“Di na lang.. Kaw nalang.. Baka maging isa pa kong napakalaking hadlang..Hmp! tsaka may lakad din naman kami ni Maku eh..”

“Lakad??San nanaman yan? Tsk, bat ba napapadalas ang labas nyo ni Gluta ah?Kayo na ba?”

“Hindi pa..”

“Hindi pa? So May balak kang sagutin sya ha?” hindi pwede Yanskie..Hindi pwede!!!!

”Ewan..Naguguluhan pa rin ako eh..Tingin mo, magiging mabuting boyfriend kaya sya?”

Taena.. ako pa talaga tinanong mo..”Hindi.”

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon