Level 11: Goodbye bespren..

262 8 3
                                    

Dedicated sa lahat ng epal sa mundo.. pakaepal kayo hanggang gusto nyo tutal jan naman kayo magaling eh.. tsk.. badtrip si karu.. buti nalang anjan ang mga baliw na tropa kong kampi sakin.. haha..

kung ayaw mong makipagsapalaran, di wag.. humayo ka kaibigang tom sawyer..

-bertang badtrip..

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Game..

“Sila na?? Si Yanskie at Maku na?”-Nathan,saktong 1 week matapos nilang mag harap ni Yanskie, mababalitaan nya kay Clark na mag on na daw yung dalawa. One week din syang naghanap ng space,  at one week din nyang binigyan ng pagkakataon si Yanskie para mag isip at humingi ng tawad sa kanya.. Pero natapos ang one week na yun, eto pa yung maririnig nya?.. Nasa bahay sya nun ng lolo nya,  nung tumawag sa kanya si Clark.

“Oo tol. Yun ang sabi ni Joy at Tina. Gabi gabi nga daw si Maku dun sa apartment nila. Lagi nga daw may dalang bulaklak kahit sila na eh..Tapos si Yanskie daw ang saya saya lagi.. lam mo yun.. nakakaasar diba? kaya kung ako sayo tol, wag kana magpaka emo jan. Move on ka na.”- Clark concern lang ang drama. Pero syempre hula ni karu may dagdag bawas yang balita nyang yan.. tsk.

Tahimik lang si Nathan.

“Pre, kalimutan mo na si Yanskie, siguro nga tropa lang ang tingin nya sayo.. “

Sabay pasok lang ng mga makukulit nyang pamangkin..”Tito panget, si tita baliw, tumawag kagabi.”-Raffy, isa sa mga pasaway na pamangkin nya. 6 yrs old pero parang 10 na kung magsalita.

“Sige tol, salamat sa balita..kita nalang sa bar mo. Baka dumalaw ako bukas.”-sabay baba lang

“Si Yanskie? Bakit daw?”- Mejo na excite sya dun pero  biglang bawi din nung maalala nya ang mga kwento ng tropa nya.

“Sabi nga po ni kuya Raffy kay tita baliw pasalubong daw po donut.”-Mica

Nathan’s pov- buti kung magdala yun? Puro Maku lang nasa isip nun. Baka Maku-nut ang dalhin nun. Wag na kayong umasa kids.

“Anong sabi nya? Bat daw sya tumawag?”-focus lang sa sasabihin ng mga bata oh.

“Sabi po nya pupunta daw po sya bukas dito, kasi naiwan daw po nya yung usb nya sa room mo.”

Weh? Bakit naman? Baka para paraan lang yan ni Yanskie ah.. tsk.. at ano to, isa nanaman sa mga behind the scenes nilang dalawa.. bago kasi sila mag away ay naisipan ni Yanskie na matulog sa kanila.. Gusto raw kasi nya mafeel tumira sa ganong klase ng bahay.. ancestral house nila Nathan.. Siguro dahil na rin sa isang syang writer diba, kaya nacurious sya sa pakiramdam ng isang nakatira sa ganoong uri ng bahay..

Nathan’s pov-tanga tanga talaga,  nag iwan pa ng remembrance. Hay.. tong Raffy na to, sana hindi nalang nya sinabi. Sana kinuha nalang nya agad. Tapos umalis na.. Yoko syang makita

“Edi kunin nya. Pagdumating sya sabihin mo wala si tito Nathan ah. “

“Bakit po, eh nandito naman po kayo. Eh sabi nga po ni tito Anghel at tita Zarren bait, kayo daw po ang magkakatuluyan eh. Totoo po ba?”-Raffy, makulit talaga. Parang lahat gusto alam nya

“Hindi. Galit ako sa kanya. Basta pag dumating sya, wala ako. Ok? Tsaka diba ayaw nyo naman yun maging tita kasi binubully kayo nun.”

Waaaah, mambubully pala ng mga bata tong si Yanskie eh..pareho pala sila ni Nathan.. Tsk,, mahilig magpaiyak ng mga bata.

“Parehas lang po kayo.”

“Oo nga po. Bad si tita baliw. Buti pa si Tita Sam, binigyan ako ng Barbie.”-Georgie

Level UpWhere stories live. Discover now