Level 12: Yanskie loves Maku..

270 7 2
                                    

“Happy monthsary!”- bungad ni Maku kay Yanskie. Sunday nun, niyaya kasi ni Yanskie si Maku magsimba. First time nila magsimba ng magkasama kaya excited sila pareho.. One month na sila pero parang ngayon palang sila nagkakaron ng panahon na magdate at maabsorb na sila na nga.

“Ayyy! Sweet naman po ng pambansang boyfriend..Thank you dito sa flowers..Happy Monthsary din.” – Uy, Si yanskie, bat parang kinikilig..Kay Maku.. tsk..mahirap yan.. wag mong sabihing nahulog kana talaga ah.. eh pano na si Nathan?

“Let’s go? Ready kana?”

“Naman. Tara.”

Yun nga. Magkasabay silang lumabas ng apartment ni Yanskie at sumakay sa kotse ni Maku nang makahawak kamay. Pero bago sila makapasok sa loob, nasalubong nila ang mag asawang zarren at Anghel. Dinadalaw ata yung tropa nya.

“Oh, napadalaw kayo? Anong meron?”

“Ahhh, eh kasi nga mag iinvite kami.. Wag kayo mawawala sa birthday nitong Anghel ko ah.. minsan lang sila mag birthday ni Nathan ng magkasama eh.. Sa bahay lang naman.  “ Zarren, halatang walang kupas ang pagmamahalan nila ni Anghel.. Holding hands din eh oh..

“Oo nga Yanskie, pre. Ayos na naman kayo ni Utol diba? Pagpasensyahan nyo na yun, kahit mas matanda sakin ng ilang minute yun, mas isip bata. “

“Ok lang pare. Ok na naman kami. Sige. Sure. Kelan ba yan?” Maku, bagong ligo look. Basa pa yung hair eh.. bango lang tignan.

Yanskie’s pov- hala.. alam kong ok na kayo ni Nathan ungas. Pero kami hindi pa. ndi pa ko handang makita sya.. tsk. Ayokong pumunta jan.

“Sa Wednesday na. Basta ha, wag kayong mawawala. Parang despedida narin to ni Utol kasi nga tuloy na rin sya sa  wakas sa states.. Baka for good na rin yun, kaya ikaw Yanskie, baka eto na ang last time na makikita mo sya. Kaya magbati na kayo.”

Yanskie’s pov- Hala.. last na pagkikita na namin? Hayyy pupunta ba ko? tsk.

“Hoy, Yanskie, wag ka nan umarte. Balita ko nag status na nga sa FB si Nathan, sorry daw sa mga nasabi nya.”

“Kelan sinabi aber? Hindi ako pupunta no.. “-Yanskie, cross arms pa oh..

“Mine.., “-Maku maka mine lang oh.. tsk.. alang pakielaman eh yun yung tawagan nila eh..Pbb teens nga diba.. hayaan nyo na..

“Hmm?” baling ni Yanskie na may kahalong lambing. Tsk.. Yanskie ikaw ba y an??

“Sungit? Hehe. Don’t worry kung ayaw mo talaga, ok lang naman siguro diba pare?”- Waaaah, ang bait namang boyfriend ni Maku.. concern na concern lang sa feelings ni girlfriend. Tsk.

Sukatan ng tingin. Maku vs. Anghel.. Waaaah. Si Anghel oh sub ata kay utol.. “ahhh. Walang problema pare. Hindi naman kami namimilit eh.” –Anghel, parang timpi mode. mejo dumiin kasi ang pagkakahawak nya sa kamay ng asawa.

Hanggang sa makadama na ng tensyon yung dalawang girls..”Sige, mauna na kami Zarren, Anghel.”

“San punta?” –Zarren, echusera.

“Monthsary kasi namin today nitong mhine ko. Simba, then.. alam mo na.. hehe”- Maku so naughty oh.

“Ahhh. Kayo na.. tsk. Sige enjoy nalang. Kelan ang kasal?”-Zarren ulit. Di na nagsalita si Anghel. Tameme na..

“Kasal na kaya kami. Secret lang. haha. Kala nyo kayo lang may karapatan ng secret wedding. ”- Yanskie pinatulan..

“Weh?? “

“Sige bye na. Malelate na kami.. “ Si Yanskie pa issue pa. gustong gustong napag uusapan eh.. feeling artista.. tsk.

Sabay sakay lang sa kotse.

“Oh bat ganyan ka makatingin? “- Yanskie to Maku. Nakasmile kasi si Maku nun, sabay hawak lang sa kamay niya.

“Wala. Masama ba? Bawal ba tignan girlfriend ko?” yiiiih, epal tong si Maku, masyadong pakilig. Halata kay yanskie oh.. halatang kinikilig sa boyfriend nya.. tsk.. teka bat parang naiiiba ata ang simoy ng hangin ah.. Tuluyan na bang nakalimutan ng bida natin si Nathan??tsk..

“hehe.. pwede naman. Masyado ka kasing cute! Start mo na nga po.” Napatingin sila pareho sa mga kamay nilang magkahawak pa rin..

“I love you mine. Thanks ha.” Habang inaalis ni Maku yung mga hibla ng buhok ni Yanskie na kumalat sa mukha nya.

“Thanks saan?” waaaah, bat ba ang sweet nitong si Maku?? Wag ka ngang ganyan, lalo akong naiinlove sayo eh.. pasalamat ka busog pa ko.. mamaya na kita papapakin.. hihihi.   Hala, landi lang.. tsk.. ibang iba na talaga si Yanskie ah.. mula nung magkahiwalay kasi sila ni Nathan, parang binaling nya na lahat ng pagtingin nya kay Maku.. Si Maku na yung tumayong bespren nya nun.. hatid sundo sya sa work, kahit traffic, at pinupuntahan sya kahit magtaxi lang kasi coding.. sino ba naman ang hindi maiinlove kay Maku..aaminin nya, nung una, sinagot nya si Maku kasi sobrang hirap na sya sa sitwasyon nila ni Nathan..Pero, sinong mag aakala na magigising nalang siya isang araw na si Maku na pala ang hinahanap nya at hindi si Nathan..

“Kala ko kasi pupunta ka sa birthday ni Nathan.. Pero mine, ok lang naman talaga kung pupunt ka. Basta ba kasama ako.. “

‘Mine, ano ka ba…bat naman ako pupunta dun. Maaasar lang ako lalo.. Kaw lang naman gusto kong kasama eh. “ Maku naman eh..wag mo na ngang banggitin pangalan nya.

Yiiiiih, bat parang kinikilig si Karu sa dalawang to ah? Si Maku na bat alaga ang forever ni Yanskie?? Tsk..

“Hay naku naman po..yung isa jan masyadong pakilig. Hehe” –Sabay smack lang.

“Waaaaah! Magnanakaw! Ninakawan mo nanaman ako ng halik ah. Makikita mo! “- tsk. AngarteniYanskie.sobra..

“Makikita ang alin? Hehe. Isa pa nga! Ummmwaahh! 2 points kay mine.. haha!”  waaaah, badtrip, inggitsikaru.

“Isa pa sige. Hehe.. ano kaba Maku, istart mo na nga yung kotse.. Pano tayo makakarating sa simbahan nyan ah?” nakangiti parin habang  bumaling yung tingin sa kalsada oh.. pero tong si Maku nakatitig pa rin sa knya.. parang walang balak magdrive.. trip lang mangulit.

“Sige na nga.. pasalamat ka mine malalate tayo sa mass. Tsk..ay sorry kamay mo pala kala ko kambyo eh.. “

“Luko luko ka talaga. PSP kita jan eh..” OOOpppss!! PSP ba nasabi ko? Bat prang bigla kong naalala si Nathan? Waaah. Di pwede. Ayoko..

“Huh?

“Wala mine.. “

“Teka, bago ko mag drive, wala ka po bang sasabihin? May utang ka po saking isang iloveyou too ah. Daya.. hmp! Di na ko love ni mine.” Pacute pa tong si Maku, nakanguso pa talaga. Parang bata.

“Ayyy! Sorry naman po. Ilove you too.” Yanskie, di maikakaila. Inlove ka nga. Tsk.. wawang Nathan..

“I love you three.”

“hayyy..I love you four”

Titigan ng nakasmile.

“I love you five”-Maku

“hay, mr. MAKUlet.. I love you 6 x 100.” Sabay kurot lang sa magkabilang pisngi ni Maku.

“Araaayyyy!Mine, pasalamat ka love kita.. sakeeet! Kiss mo nga… I love you 7 x 1M.”

Smack sa cheek. “I love you walang katapusan… talo ka!! Haha”

“Talaga? Promise?”

“Promise.” Yun oh. Nagnose to nose pa ang mga putek… subrang naiingit at nabibisaya na tuloy si karu..

Karu’s pov Oh hindeeeee…… Bakit ba nagiging ganto ang takbo?? Nagmamahalan na si yanskie at Maku ng totoo?? Daniel at katherina kayo ba yan?? Haha.. tsk.. eh walang magagawa si Karu, kung ganon.. tsk.. sa tadhana nalang nakasalalay ang takbo ng kwentong ito..

Level UpWhere stories live. Discover now