-55-

24.6K 637 41
                                    

Napakurap-kurap si Marshan while staring at my kids na nakatitig din sa kanya. Napangiti na lang ako while serving their breakfast on the table.


"Mommy she copied your face!" Hansel said.


"No, she's your Tita Marshan, she's my twin sister..." I told him bago lagyan ng gatas ang bottle nila.


"I, I can't still process everything." Muling napahagulgol ng iyak si Marshan. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya while brushing her hair. Nakwento ko na sa kanya lahat ng nangyari kagabi at alam kong mahirap pa sa kanyang iabsorb ang lahat. 


Nakainom siya kagabi kaya medyo malakas ang loob niya, ngayon parang tuluyan ng nagsink in sa kanya ang mga nangyayari na sinamahan pa ng iba't ibang emosyon.


"Mommy Marshan, it's okay. Please don't cry..." Napangiti ako ng lumapit samin si Gretel as her little hand is brushing Marshan's hair.


"Oh baby!" Marshan sobbed as she hugged Gretel. "You know? I look like you when I was young." Marshan sniffed as she held my daughter's face. "Ang ganda-ganda mo..." She sobbed ang hugged Gretel tighter.


After breakfast, hinayaan muna namin sina Hansel at Gretel na maglaro sa garden para makapag-usap kami ni Marshan.


"You said you lost some of your memories. It may be bad for me to say this but it's better that you forgot about them. They already turned their backs at us. Kung pwede sana makalimutan ko na ring nakilala ko sila." Namumula ang mga mata nito. I held my sister's hand at bahagyang hinaplos ang kamay niya.


"I'm sorry for leaving you alone..."


She smiled faintly at me at humawak din sa kamay ko. "Kayo lang naman talaga nina Lolo ang totoong pamilya ko." A lone tear fell from her eyes na agad naman niyang pinunasan. She looks like she's been suffering a lot and she's been so lonely these past years. 


"Teka nga pala, paano ka pala nagkaroon ng mga anak? I mean, who's the--- OH MY GOSH!!!" Nanlalaki ang mga mata nito at napatakip pa ng bibig.


"Based on your reaction, kilala mo ang ama nila." I sighed at sumandal sa lounger.


"Ahhh uhm no! Actually, hindi na importante yun." She grunted. Napansin ko ang pagkadisgusto sa reaksyon ni Marshan and I don't want to pry further.


"Wala ka bang work ngayon? Ihahatid ko pa mamaya ang mga bata sa Pre-school nila bago ako pumasok sa trabaho..." 


"You can go now, wala akong ganang pumasok ngayon. Ako muna bahala sa kambal." She smiled at me. Tumaas ang kilay ko at ngumisi sa kanya.


"Anong alam mo sa pag-aalaga ng bata?" I asked her. 


"Hmmm, instinct?" She chuckled. "Inalagaan ko rin kaya yung anak ni Kuya Spencer!! Actually, mukhang kasing edad lang nila si Clarence." 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Where stories live. Discover now