-8-

30.8K 935 17
                                    

"Pwede mo ba kong samahan after bating ihatid sina Paeng?" Monique asked me habang nagliligpit na kami ngayon dito sa coffee shop. 


"Where? Gabi na ah." I said. Bakas sa mukha niya na hindi siya mapakali at kinakabahan siya. 


"Alam mo ba yung mga gang fights?" She asked. Kumunot ang noo ko at tinigil muna ang paglilinis to face her. 


"Kasi may gang fight sina Christian ngayon, and I'm so scared of what may happen to him." My eyes widen. Kasapi pala ng gang yung mga tatlo. 


"Anong gang nila?" I asked.


"They are the Silent Reapers at ang mga Phantoms ang kalaban nila ngayon." 


"How come you know about this?"


" Kasapi ang mga pamilya namin sa isang Underground Organization." She said. I bit my lower lip. Maraming Underground Organization dito sa buong mundo ang magkakaaway. And ours the McNeil's Mafia Organization and pinakamakapangyarihan. 


"Then what are you suppose to do?" 


"I have to stop them. Kundi mamamatay sila! Nakipagjoin forces ang mga Phantoms, Phyton at Sakura gang and there'll be hundreds of them at hindi yun alam nina Christian!" 


I held her shoulders. "Kumalma ka nga!" Naghyhysterical na kasi siya. "Anong magagawa mo kapag pumunta ka?" 


"I'll try to stop them bago mahuli ang lahat! They can die there! Nakablock na kasi yung number ko dun sa tatlong yun, and I don't know how could I contact them anymore!" 


"Kumalma ka muna, I'll go with you. Just calm down." I said. Umiyak na siya, napabuntong hininga na lang ako. She's too fragile. Gaya ng napagkasunduan, hinatid muna namin si Paeng sa apartment. 


"Papatay ka ba?" Paeng asked. Naiwan sa kotse sina Monique, so I could talk to Paeng. 


"You know, I don't kill amateurs." I said. Amateurs ang mga tawag namin sa mga gangsters. Mga grupo ng mga nagmamarunong na ginagawang laro ang pagpatay. Amateurs yung mga lumalaban bilang grupo na wala namang valid reason, just for the sake of pride and entertainment. 


I am licensed to kill. I kill bad people or anyone na threat sa McNeil Organization. I pledged to that. Na habang buhay akong magiging isang tapat na Mafian. 


"Do you want me to track them down?" He asked. 


Paeng is a Cyber Mafian, siya ang pinakamagaling pagdating sa computer works. He's untouchable. 


I clenched my jaw. "You should stop doing that." I told him. He's a multibillionaire hacker. Ilang bangko na ba ang nanakawan niya? And I don't want him to grow up doing that. He shouldn't be stained. 


Napabuntong hininga na lang siya. Kinuha niya yung bag niya mula sakin at pumasok na sa loob ng apartment. Bumalik ako sa kotse, inihatid na rin namin si Queenie. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Where stories live. Discover now