EPISODE 58

95.9K 1.1K 178
                                    

Maggie's P.O.V.

Kung bakit sa aming tatlo lang nina Laura at Abby ni Dette sinabi ang katotohanan tungkol sa kanyang Amnesia ay hindi namin alam. Naisip ko lang, na baka dahil ito sa mas close sina Mitch, Helga at Rhea kay Luke, kaya hindi niya pingakatiwalaan ang mga ito ng tunay niyang kalagayan.

Hindi naman nagtagal at bumalik na sina Helga, Mitch, Rhea at Jasper sa silid. At para hindi sila makahalata'y nagkuwentuhan na lang kami ng ibang bagay. Ipinangako naman sa amin ni Dette na sasabihin din niya sa amin ang kanyang mga kadahilanan balang araw. Nangako rin naman kami sa kanyang matiyaga na lang naming hihintayin ang araw na 'yun as we assured her that her secret is be safe with us.

"Daan muna tayo sa mall," pagyaya ni Rhea sa aming lahat on our way home, "minsan lang tayo magkakasama-sama, let's take this opportunity para naman makapag-bonding tayo."

Nagkatinginan kami ni Laura. Ayoko kasing sumama; halatang ayaw rin niya. Pero dahil hindi naman ako killjoy na tao, kinumbinsi ko na rin si Laura na sumama. Tutal, pwede namang kami lang dalawa ang magkasabay habang namamasyal.

"Snack tayo! My treat!" Pagyaya ni Rhea sa aming lahat habang papasok kami sa mall.

"Dapat lang no," sagot ni Mitch sa kanya, "Ang yaman-yaman mo eh, alangan naman kami pa ang manlibre iyo." Humalakhak ito.

"Ipag-shopping mo na rin kami ng tigi-tigisang outfit. 'Yung may brand ha?" pag-segunda naman ni Helga.

Ano ba 'yan? Nag-offer lang na naman 'yung tao na mag-snack kung ano-ano na ang hiningi? Masaydong abusado naman 'tong dalawang 'to!

Ang totoo niyan, bigatin naman talaga si Rhea bilang isang indibiduwal. Isa na siyang kilalang mayamang negosyante bago pa man sila ikasal ni Tristan. Pero dahil inlove siya kay Tristan, she gave-up her career to be his plain housewife. Pero kahit ganun...mayaman pa rin naman siya. Siya naman talaga ang pinaka may kaya sa aming mga asa-asawa ng magkakatropa.

"That's exactly my plan," sagot naman ni Rhea, "snack tayo, pasyal, shopping, manood ng sine, mag-spa...kahit ano. Sky is the limit. Ako ang bahala sa lahat. Sayang nga lang at hindi natin kasama si Dette, pero hindi bale, alam ko naman ang size niya at ang tipo niyang damit. I'll just pick one for her."

Grabe. Ang galante naman ng babaeng 'to. Tila mga kiti-kiting nagsasayaw at naglulundagan naman sina Helga at Mitch sa narinig nila.

"Tita Rhea, will you buy me a new 'PSVita' too?" pagsingit naman ni Jasper.

"No problem, Jazz. We will get your 'PSVita'."

"Yes!" Sumuntok ito sa hangin at naglulundag na daig pa ang tumama sa lotto.

Nagkatinginan kami ni Abby, medyo napapailing naman si Laura.

"O, bakit ang tahimik n'yong tatlo? Hindi niyo ba gusto rito?" tanong ni Rhea sa amin, habang nagmimiryenda na kami sa snack house na pinili nung dalawang bruhang oportunista.

"Naku hindi Rhea." Sagot ko, "huwag mo kaming intindihin. Ok lang kami dito. Hindi naman kami mapili. Medyo NAHIHIYA lang kami dahil ikaw pa ang nanlibre." Talagang diniinan ko yung word na 'nahihiya' para patamaan ang makakapal na mukha nina Helga at Mitch. Tiningnan naman ako nung dalawa na may halong pagtataka. Hindi naman malaman kung naive ba sila, tanga o talagang makapal lang ang mga pagmumukha.

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon