Special Chapter

110 8 4
                                    

A/N:

Here's the special chapter guys. Hihi salamat sa mga comments niyo about this short story ~ After this special chapter it's the end na talaga.

I wonder nga kung may magbabasa pa nga nito eh haha.

× × × × ×

After 6 years

"Hoy Rafael! Badtrip naman! Hindi kasya 'tong bow sa ulo ko walangya ka! Hindi ko ata size tong binigay mo saakin eh!"

"Huh?" lumingon ako kay Hunter. "Dude, hindi mo yan isisiksik sa ulo mo nang basta basta lang. May lock yan sa likod. Buksan mo muna yun tapos ilagay mo sa leeg mo tapos ilock mo ulit. Gets?"

Pinanood ko si Hunter na gawin ang dinemo ko at nang matapos na siya ay huminga siya ng malalim.

"Haaay. Grabe 'tol! Ikaw na ang ikakasal! I can't believe it! San honeymoon niyo ni Kellie?" tanong niya habang ginalaw niya ng pabiro ang mga kilay niya.

Binatukan ko siya, "Ang dumi talaga ng utak mo Hunter! Kahit kelan talaga."

Tumawa lang siya at inayos niya ang buhok niya.

Kinuha ko yung itim na tuxedo ko at sinuot ko ito sa ibabaw ng simpleng puting polo ko.

Eto ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na ikakasal ako sa isang babaeng mahal ko. Siya si Kellie. Isang simpleng babaeng nakilala ko sa parehong park na nakilala ko si Chin. Ang galing no? Ang parkeng iyon ang naging umpisa't dulo ng lahat lahat. Doon ko nakilala ang bestfriend ko, doon ko rin nakilala ang taong pakakasalan ko ngayon. Ang parke ring iyon ay naging saksi ng kasiyahan at kalungkutang mga pangyayari na dinanas ko sa buhay ko.

Si Chin ay nakilala ko sa parke sa may Santa Mesa. Isang buwan matapos ang kasal noon ni Chin ay nagdesisyon akong bumalik muli sa pinagmulan ng lahat-lahat ng masasama at mabubuting  mga alaala.

Umupo ako noon sa pinakamalapit na bench, tanaw ang gitnang palaruan kung saan naghaharutan at naglalarong mga nakangiti ang mga bata. Tumitig lang ako sakanila, lunod sa mga pag-iisip sa mga masasayang alaala namin noon ni Chin. Ang mga pagtatalo namin noon dahil sa swing na sa huli ay siya naman ang nanalo, ang ngiti sa kanyang mga bibig tuwing may kalansing na tutunog na ibig sabihin ay may sorbetes na paparating, ang mga alaalang yon ang nanatiling buhay saaking isipan.

Ngunit ilang sandali pa ay namulat ako sa katotohanang may lumilipad na bola papunta sa aking direksyon, hindi na ako nakailag, at sa minalas malas, sa aking noo saktong tumama. Napamura ako sa sakit at pagharap ko ay may isang babaeng nakatayo saaking harapan, takip-takip ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay. May halatang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Kuya! Sorry po!" sabi niya at hinawakan niya ang noo ko. "Sobrang sakit po ba? Kailangan po ba kitang dalhin sa ospital?" dagdag pa niya.

Hindi ako umimik, inobserbahan ko lang ang kanyang mukha. Nakaitim siyang salamin at nakatirintas ang kanyang buhok ng lahatan. Para siyang lalaki kung manamit. Napakalaking t-shirt na halos nag mukha nang mini dress para sa kanya, at hapit na hapit sa kanyang payat na katawan.

"Ayos lang ako," tinignan ko siya. Kaunting sakit lang naman 'to eh. Wala pa ito sa sakit na nararamdaman ko sa loob ko.

"Eeeeeh kuya naman eh. Nakakairita ka." sambit niya.

"Aba ako pa nakakairita ah. Sino kaya nambato ng bola?" pagalit kong sinabi.

"Eh aksidente lang kasi yun! Tsaka sino bang pa senti senti diyan sa tabi eh sumigaw naman ako para umilag ka."

"Ayos na ako. Pwede ka nang umalis."

"Sure ka? Kilala mo pa kung sino ka?"

"Oo. Kilalang kilala. Ako si Rafael Anduyan. Isang torpeng tanga. Napagiwanan ng minamahal niya na ngayon ay kasal na. Ang bestfriend ko wala na. . . at dahil isa akong shunga na nakatengga, naunahan ng iba. Oo jusko kilalang kilala ko pa sarili ko." sabi ko.

Storya ni Mr Torpe [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon