Una

694 24 8
                                    

Ako nga pala si Rafael Anduyan. Tawagin mo nalang akong El o kaya Raf basta bahala ka sa buhay mo. 28 years old na ako. Single.

Ano oras na?

*2 pm*

2 pm na, may 2 hours pa para umattend ako sa kasal ng taong mahal ko. Ako groom? Hindi. Yun yun eh, yun yung masaklap. Hindi ako ang groom. Ang pangalan ng mahal ko ay si Chin. Cute siya, basta sa mata ko perpekto siya. Ano nga ba ang storya bat di ako ang groom?

Kasi naging torpe ako sa loob ng 14 years.

Torpe? Ano nga ba ang torpe?

Ito ay isang simpleng salita na pag naging ganun ka. 100% sure mawawala ang taong mahal mo. Grabeng salita yan. Bat pa kasi naimbento yan?

Si Chin, isang childhood bestfriend ko. Cute siya lalo na pag nakasmile. Malaki ang mata in a cute way and... maputi. 14 years na kaming magkakilala hindi lang magkakilala, magbestfriends talaga as in solid. Nagkakilala kami noong 7 years old palang ako. At 6 years old siya. Magbest friend ang nanay naming dalawa.

Ganito kami nagkakilala,

"Yung kite ko huhuhuhuhuhu TT_TT" may nakita akong isang batang babae na naka asul na damit umiiyak dahil sumabit yung kite niya sa poste. Pumunta ako noon sa park na medyo malapit lang saamin para maglaro. Noong araw naiyon, hindi ko pa nun alam anak siya ng bestfriend nang mama ko.

"Bata, okay lang yan gagawan nalang kita ng bago." Napatingin siya saakin at ngumiti. By that time, marunong na akong gumawa ng kite dahil ginagawan ako dati ng tatay ko kaya pinapanuod ko kung paano niya ginagawa.

Ginawang ko siya ng kite at tuwang tuwa siya noon, na halos yung ngiti niya abot batok. Natuwa din ako sa kanya at sa ngiti niya. It's just, her smile brightens up someone's day.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Ay! Ako nga pala si Chin! Salamat nga pala sa kiteha! Ba-bye I love you!" sabi niya sabay takbo habang pinapalipad yung kite. Yes, she said I love you to me. Pero as far as I remember, I felt nothing. As in nothing. Kasi siguro bata pa kami non.

After 1 week, sinama ako ni mama sa birthday ng asawa ng bestfriend niya. At dun ko lang nalaman na... Si Chin ay anak ng bestfriend ng mama ko. Natuwa ako nun as in. Para akong natuwa dahil nakita ko siya ulit? Ewan basta hindi ko maexplain yung feeling ko noon. Parang nangingiyak-ngiyak sa tuwa.

"IKAW?" pareho pa naming sabi.

"Chin?" sabi ko.

"Oh? Magkakilala kayo anak?" tanong ng mama ko.

"Ah opo mama, nakita ko po siya sa park nung nagbike ako ng mag isa." I said.

Simula nun, lagi na kaming magkasama. Sa park man yan, sa church, sa mall at kung saan saan pa. Hanggang sa dumaan ang elementary nagkaroon na ako ng knowledge about "crush", kaya tuwing naglalaro kami ng "my favourite fruit" eh laging initial ng crush ko is letter C. And that stands for Chin!

Pero ang masaklap, ang akala ni Chin, yung isa naming kaklase na si Cheska yung crush ko. Ughh, ang manhid niya no? Bata pa lang kami non.

Nagkaroon siya ng crush nung grade 4 kami. Grade 6 yung crush niya. Pero luckily, as a graduating student yung grade 6 nayon, aalis na siya ng school. Wala kasing highschool yung school nami

Hindi ko sinabi na crush ko siya. Pero nung dumating kaming grade 6..

Nagkaroon na ako ng idea about "love".

Nagkaroon na rin ako ng cellphone noon, kaya lagi kaming magkatext.

*

Gumadruate kaming dalawa at pareho kami ng pinasukang highschool na school.

Storya ni Mr Torpe [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon