Ikalawa

215 18 7
                                    

COLLEGE

Panahon na para maghiwalay na kami.

Nakapasa siya sa NU ako hindi kaya sa La Salle ako nag-aral. Lumipat nadin sila ng bahay at hindi na bumibisita sa subdivision namin. Ni-text Ni-tawag? wala.

Nag dorm ako non kase medyo malayo ang La Salle saamin. Naghintay ako ng 4 years. Communication? wala. Nang makatapos ako sa course na Fine Arts, bumalik ako sa subdivision namin. Nakita ko yung lumang kotse nila Chin. So I thought andun na siya!

Excited ako noong kumatok sa kanila.

Pero care taker nalang pala ang nadoon. Nasa Australia na daw sila Chin dahil dun na daw siya magtatrabaho. SAKLAP. 4 years akong naghintay.. pero wala na siya.

Naghintay pa ulit ako...

Keep on waiting Raf.

****

2 years later

Nabalitaan kong uuwi na si Chin galing ng Australia noon. Sumama ako noon sa pagsundo sa airport.

Nang bumaba na ang eroplano nila,

"CHIN!" sigaw ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Pero ang masaklap, nang may marinig akong tumawag sa kanya mula sa likuran ko...

"BABE!" yun ay si Hunter. Sila pa din hanggang ngayon. Sila pa din.

Lumipas ang ilang linggo, nalalapit na ang araw na kasal ni Chin.

Pero nagulat ako nang pauwi ako kagabi nang makita ko ang ate ni Chin sa labas ng office ko. Inaya ako para kausapin lang sandali.

"Oh, ate Eya. Bakit po?" tanong ko.

"Alam mo Raf, sayang ka,"

"Huh? Bakit po?"

"Sinayang mo ang mga panahong nasayo pa si Chin." sabi ni Ate Eya.

"Bakit po?" naupo kami sa bench na malapit saamin.

"Alam mo ba Rafael na highschool palang kayo gusto ka na ni Chin? Kahit nga nung sila na ni Hunter, kamuntikan na silang magbreak dahil may feelings parin si Chin sa'yo eh. Sayang talaga Raf. Nakakapanghinayang kayo. Pero ang cute niyo nga eh, bulag at pipe kayo sa nararamdaman ng isa't-isa. Grabe Raf! Hindi mo nakita yon? Pero kung sakali man, bakit hindi ka nagtapat sa kanya? Jusme Raf, Don't tell me na torpe ka? Sana nilunok mo nalang ang pride mo at nagtapat ka kay Chin. Sayang ka Leaf sayang.."

Natapos ang gabing yon nang hindi ko manlang alam ang gagawin ko.

Kasal na ni Chin mamayang 4:00, hindi ko manlang nasabi sakanya. Mananatili nalang pa tong palihim na pagmamahal habang buhay?

Hindi Rafael.

Kailangan mong magpakatotoo sa sarili mo.

Lumabas ako nang bahay para pumunta na sa simbahan, ngunit laking gulat ko nang walang tao sa simbahan. HINDI TULOY? Tinignan ko ang oras sa relo ko, 3:45 na.

"Oh pare! bat ngayon kalang? sayang di mo naabutan! mali ng invitation na naibigay ata sayo eh! Naging 2:00 yung kasal." sabi nung kaklase namin dati nung highschool na si Luke.

Nanlambot ang dalawa kong tuhod na para bang gusto kong umiyak.

Ako nalang Chin. Ako nalang ulit!

Hindi Rafael, sabihin mo lang sakanya na mahal mo siya period.

Nagdrive ako papuntang reception hall. Nang maabutan ko, message for the new couple na. at nagsasalita yung ate niyang si ate Eya.

"Alam mo Hunter, cute yang si Chin nung bata pa kaya ikaw ahh! magtino tino ka!" - ate Eya.

Crowd: HAHAHAHHAHAHA

"Oh yun lang! Love you Chin! All the best for you two!" huling sinabi ni ate Eya nang mapatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti siya sakin at sinabi ulit sa mic. "Oh si Rafael naman!"

Dahan dahan akong umakyat sa stage at nagstart na magsalita.

"Ummm hello everyone. Childhood bestfriends po kami ni Chin. Una sa lahat gusto kong icongratulate ang bagong couple ng mundong si Chin at Hunter, Oy ikaw hunter ayus ayusin mong alagaan si Chin laking swerte mo dyan," sabi ko. I tried to make myself calm.

Crowd: HAHAHAHAHA

"Once upon a time, noong November 24, 1997 may isang batang babae na umiiyak sa park dahil sumabit yung kite niya sa poste. At dun ko nakilala na Chin ang pangalan niya. Naging magbestfriends kami slash first love ko. Kaya lang, ako'y isang malaking torpe na piniling ipirme ang bibig at mas pinili kong makuntento sa nakikitang masaya ang babaeng ito. Mahilig siyang magsulat ng mga tula, at lagi niya itong dinededicate sa misteryosong lalaki na nagngangalang Leaf.

Nakakatuwa nga eh, kagabi ko lang nalaman na ako si Leaf. Naging mala isang hide and seek ang laro naming dalwa. Hide and seek ng feelings. Eto na Chin, sasabihin ko na sa'yo ang matagal kong tinago. Mahal kita Chin. Mahal na mahal. And I'm in trouble here getting over you," huminto ako at tumingin kay Hunter.

"But since, you're now married to a man named Hunter, I'm willing to let you go. But Hunter, subukan mong saktan si Chin and I'll hunt you."

Natawa ang iba sa sinabi ko. Tumingin ako sa palagid at ang lahat ay magkahalong emosyon ang nasa mga mukha nila.

I wiped my tears from my face. This is it. I finally made it. Yung feeling na nabawasan ako ng 50 pounds sa sobrang gaan sa pakiramdam?

Lumingon ako kay ate Eya at nakita ko siyang nakangiti saakin habang nakasandal sa pintuan.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nang lumingon muli ako kay Chin ay napansin kong may hawak na siyang mic at nagsalita na din siya,

"I am sorry Rafael pero

......Huli na."

A/N:

Salamat guys sa pagvote :''> Or kung hindi pa kayo nakakapagvote, anong pang hinihintay niyo? XD Thank you so much. Comment all your remarks :) I enjoy reading them all.

Salamat talaga guys haha.

SPECIAL CHAPTER ON NOVEMBER TWENTY FOUR :)

Storya ni Mr Torpe [Short Story]Where stories live. Discover now