Stage 29: No Strings Attached Part 3

2.1K 74 48
                                    

 

Stage 29: No Strings Attached Part 3

 

“Si Chiechan nagbebenta ng Siopao:

Customer: Miss, isang siopao nga! Yung babaeng siopao, ha?

Chiechan: Babaeng siopao?

Customer: Yung may papel sa ilalim kumbaga may napkin! Hehe!

Chiechan: Ah! Ganun ba? Ang available kasi ngayon, BADING lang, eh!

Customer: Bading na siopao?

Chiechan: Opo! May sapin din pero may ITLOG sa loob”

#hahaha #Laptrep #korneh

--------ooo------------------------ooo-------------------------------------ooo--------------

 

“Ok class! Please fall in line and go back to your respective rooms. It’s already 10:15pm, matulog na kayo and tomorrow will be our last day here so gather all of your strengths and marami tayong pupuntahan tomorrow!”

Halos manakit ang lalamunan ni Maam Richelle sa agiinstruct sa amin kung anong gagawin.

“Tara na Chie, antok na ko” pagaaya ni Tricia at saka inalalayan ako sa paglalakad.

Kakatapos lang namin kumain ng sopas at magvideoke session.

Walastek yung mga huling kumante eh! Parang mga lasing.

“Class reps, except from Reyes, maiwan kayo to help the STs and other faculty members to arrange the things here.” Sabi ni maam Richelle

Yehet! Di ako ipapaiwan ngayon dahil sa paa ko kaso *tingin kay demonyo* shet! Walang kota >.< huhuhu

Badterpssss!! >.<

*buti na lang tanga! Buti na lang tanga!*

Tokwang ringtone yan eh! Tintoy talaga!

Dinukot ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko at tiningnan ko kung sinong nagtext at dumagundong nanaman ang mundo ko dahil nakita kong nakarehistro ang pangalang ‘’demonyo’’ sa inbox ko.

Napahinto ako sa paglalakad.

“oh bakit ka huminto teh?” tanong ni Tricia

Hindi ko na pinansin pa ang mga sumunod niyang reaksyon at binasa ko na agad yung text niya.

From: Demonyo

Good night. Sugar Dreams =]

ABA’Y MALANDI! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA! MAY SUGAR DREAMS PANGALAM EH! FUSANG GALA!

Lumingon ako at hinanap kung nasaan si demonyo. Nakita ko siyang nakatayo habang hawak hawak ang cellphone niya. Kasama niya yung ibang class reps at ST’s na nagaayos ng upuan at videokehan.

Kung siguro nakakamatay ang kilig, kanina pa siguro ako pinaglalamayan  dito. Lanya! Nagugulat talaga ako sa mga banat ng lalaking to, matinde talaga >.<

Nagulat naman ako nung biglang tumingin din sa direksyon ko si demonyo at ngumiti.

Nagtaasan ang dalawa kong kilay at malamang sa alamang! Namumula na ako ngayon at juicekooo!!! Kill me Lord!!!!! Ehhhh!!!! Kasheee nemennn!!! Landeeee!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demon Meets Shunga GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon