Stage 12: Part 2 [Naku po! Dugo!]

4.8K 53 27
                                    

Stage 12: Part 2 #DrumNaMayTubigAngSinisisid #Sirena #BayotNaTalaga Shunganess Level 500%

(;Д;)--------------------------------------------------------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)ゞ

ChieChan: Manong, bayad po! DRIVER: Saan to galing? ChieChan: sa NANAY ko!DRIVER: Mukha ba kong nakikipagbiruan sa’yo? ChieChan: Sori po, sa TATAY ko pala! #CalmYoTits #So Pani! #LApingAwtLawd!

(;Д;)---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)ゞ

[Chiechan's POV]

"I think its about time!"  sigaw ni Lancer habang hawak nia yung mega phone.

Kailangan pa ba talaga ng mega phone para iannounce sa madlang pipol ang sasabihin nia? Anak naman ng tokwa! Kinakabahan ako eh!

Nakatulala lang ang batalyong fan girls ni bakla, pawang nag hihintay lang kung ano yung ibubulgar nia.

"A-ano bang pinag sasabi mo Lancer my loves?" namumutlang tanong nung leader ng fans club ni bakla.

Parang nagsi ngiwian ang pag mumukha nung ibang mga babae habang ako naman nakanganga dito at di ko mawari kung seryoso ba talaga itong si Lancer na aamin na sya.

Kala ko ba ayaw nia aminin??? Baka mapektusan sya ng tatay nia pag inamin nia to! Waaahhh!! Ano nang mang yayari???!!!

Nakita kong medyo nag dagsaan ang mga estudyante sa gym... Infairness, wa pakels ang mga teachers at wala ang presence nila dito, nak nang!

Tumingin ako sa paligid at may mga nag vivideo ng eksena, nakita ko rin na papalapit sa akin sina Tricia, Ruth at Annabelle. Letsugasss!!

"Teh! anong meron?!" bungad sa akin ni Ruth

"Manood na lang kayo" sabi ko sakanila

"Hmmf! may alam ka dito no! " sabi sakin ni Tricia, Hayyss kilala talaga ako ng bff ko!

"Mamaya nalang ako mag kukwento, sa ngayon, baka himatayin ako sa mga mangyayari! baka mapugutan ng ulo tong bakl-- ah este tong lalaking to!" sabi ko sa kanila.

"Oh my gosh! ang gwapo talaga ni fafa Lancer, pero ayokong maniwalang sinabi daw niang bakla sya ngaun ngayon lang!" sabi ni Annabelle.

Napa facepalm lang ako at inilapat na namin ang atensyon namin kay Lancer na may mega phone.

"B-A-K-L-A AKO!" inulit ulit ni Lancer ung sinabi nia kanina

Oh Lord! Anong malelerky na ata ako! Pati sina Tricia hindi makapaniwala sa mga naririnig nila kaya napanganga rin sila at natulala.

Demon Meets Shunga GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon