Stage 27 : No Strings Attached Part 1

1.7K 71 53
                                    

Stage 27: No Strings Attached Part 1

Mga banat ni Chiechan sa buhay: Si James REID ka ba? Louie: bakit? Chiechan: Kasi REIDy na akong patayin ka dahil ang landi mo. #BOOMPANES #Uwe!!!! 

----------—----------≧﹏≦= ̄ω ̄=o(╯□╰)o(~O~)zZX﹏X^(oo)^(~O~)zZ—------------------------------------

 [Chiechan's POV]

"huy, Chiechan! Ano ba? Gisiiinnggg!"

"hmmmmmm! Mamaya na tsk!"  sabi ko.

"Anu bey?! Lagot tayo nian kay Maam Richelle eh"

"five minutes pa" pageextend ko.

"Pabayaan mo na nga yan friend, baka puyat kagabi sa pagpapatrol "

"Ay sya, warla yan kay maam, bahala ka dyan"

"Bilisan mo ahh! 5 minutes!"

Ugh. Ingaaayyyy -_-''

----------—----------=ω=o()o(~O~)zZXX^(oo)^(~O~)zZ—------------------------------------______________

*Buti nalang tanga!* *Buti nalang tanga*

Arrghhhh!!! Ano ba yunnn?! Iminulat ko yung mga mata ko at kinapa yung kutson.

Pisti! Asan ba yung walanyang cellphone na yun?

Nakapa ko sa ilalim ng pwetan ko ung cellphone. Shemaaayy kasing ring tone na yan bakit ganyan? Mapalitan ngaaa, sarap sarap ng tulog ko ehhh -_-''

Iniangat ko yung kanang kamay ko at tiningnan ko yung cellphone ko.

Sino ba kasi tong natawag na to? Ke aga aga pektos to,

Pinindot ko menu button at umilaw ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Tricia.

Pinindot ko yung call button at humikab.

"Friend anon-" itutuloy ko pa lang yung sasabihin ko nung bigla naman akong nagulat sa sigaw ni Tricia

"Bakla ka! Asan ka na?! Kanina ka pa namin hinahanap dito! 2 hours late kana! Di mo manlang ako replyan! Tadtad kana ng texts ko !"

Sigaw niya.

"Alam mo yung KALMA teh? Kalma lungs!! 2 hours late lang nam-" teka? 2 hours late?

"2 HOURS LATE?!!" Sigaw ko sa phone

"OO TEH! 2 HOURS LATE KA NA! NAMUMUNDOK NA KAMI DITO! ASAN KA BA?!" sigaw ulit ni Tricia

Naitapon ko ang cellphone ko sa timog na bahagi ng kama na hinihigaan ko.

Madali akong napaupo sa kama at kumaripas ng takbo sa C.R. Tumingin ako sa salamin at sabog ang buhok ko, puno ng eyebags ang paligid ng mga mata ko at puro panis na laway naman ang nasa pisngi ko, ewwkks!

Agad agad ako naghilamos, nagtooth brush at saka nagbihis, nako wala nang ligo ligo! Day off muna ako sa tubig late nako eh!!!

Juiceko! 7:30am nga pala ang roll call tokwaaa!!!! Anong oras na!! 10:20 am na

Demon Meets Shunga GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon