Stage 22: Medyo bati

3.7K 61 28
                                    

Stage 22: Medyo bati

ShungangLevel 33333%

"Chiechan nag panggap na Killer..Chiechan: Father mangungumpisal po ako…Father: ano ba kasalanan mo???Chiechan: pumatay po ako ng 20 katao…Father: BAkit?Chiechan: kasi po naniniwala sila sa Diyos… kayo po ba naniniwala?? Father: Dati, pero ngayon trip-trip lang…"

#waahhaha #LOL #k.

┏((= ̄(エ) ̄=))┛ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Ψ( ̄(エ) ̄)Ψ

"Hey, amazona, why are you crying?" 

iniangat ko ung ulo ko at anak naman ng aso ni san roque! malas din ang araw na to! si rapissstttt!! 

kinusot ko agad ulit ung mga luha ko.

“Ikaw nanaman?! Ano bang ginagawa mo dito sa lugar namen! ?” sigaw ko sa kanya.

Badtrip! Nakita nya pa akong umiiyak. Lanjo! Kakahiya! Doble doble kamalasan ko today! Tong rapist na to, siguro inaabangan lahat ng pwedeng masasalisihan nya dito.

“Take it easy miss, haha, I’m just taking my dog for a walk and also may kakilala ako dito sa lugar nyo, dadalawin ko sana sya kaso tuwing pupuntahan ko sya sa unit nya wala sya” sabi ni rapist.

Oh kamusta naman yon? Close ba tayo para mag paliwanag ka?

“La akong pake, basta, tsupi tsupi ka na shuuuu!” sabi ko habang nakanguso. Takte, nararamdaman kong namamaga ung mga mata ko. Gusto ko pa mag emote! Panira tong isang to!

“hahaha! You’re really different among the girls I’ve known” sabi niya

Oh talaga? Hasler din talaga sya mambola ano?

“Alam ko, sige dyan ka na, ikwento mo sa pagong” sabi ko at saka nag umpisa nang lumakad. Wala akong panahon makipag chikahan sa rapist na to, mamaya ano pang mangyari, wala akong pake kung gwapo sya, basta ung init ng ulo ko pinataas nya pa lalo.

“You know…” narinig kong sabi niya kaya napahinto ako. 

Mag tatakip silim na non at nakikita ko ung anino ko at anino nya sa lupa. Kung sana di lang ako badtrip ngayon, maaapreciate ko ung sunset. Kaso, badtrip na ko, malungkot pa!

Hindi ako sumagot bagkus nag umpisa na ulit akong humakbang palayo.

“You know; if you’re sad, don’t let poignant feelings succumb you.” Sabi niya.

Napahinto at nanlumo ulit ako at napatingin sa mga paa ko.

“Just let yourself free from it and cry it over. You’ll never know how much crying would help to release your sadness.” Sabi nya ulit.

Hindi pa rin ako sumagot at napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Naalala ko ulit ung mga nangyari kanina.

Parang feeling ko maiiyak nanaman ako eh.

“And, after crying, be sure to yourself that the problem that caused you to cry will pay for it. If it’s a person, make him cry a fucking river over you and make him kneel for you to comeback with him” dagdag nya.

SHIT!

Hindi ko na ata mapipigilan to! 

Lalabas na!!

Lumunok ako at naalala ko si demonyo pati si sugpo.

Isa isang nag patakan ang luha ko. 

Alam nyo, may point tong si rapist eh kaso…

Demon Meets Shunga GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon