ANG PAGTATAGPO

69 10 0
                                    

~ANG PAGTATAGPO~

NAGKITA-KITA at nagkakilala ang apat nating bida sa flyover, sa Zabarte road, Quezon City. May apat na hagdan ang hugis parisukat na overpass. Sa bawat kanto nito ay may mga gusaling magkakatapat na pakrus na kalsada ang namamagitan; 'Puregold', 7/11 (seven-eleven), 'Mertobank' at Zabarte Town Center'.

Sa Zabarte Town Center ay may 'Jollibee' na katapat ng flyover. May bitbit na isang plastik ng tinapay na monay no'n si Chanok. Sa baba pa lang ng flyover naaamoy na niya ang sarap ng fried chicken sa Jollibee. Pero umakyat pa rin siya para mas lalong maamoy ito. Paakyat din ang magkapatid na Aloy at Dudoy ng flyover sa mga oras na 'yon sa ibang hagdan. Gayun din si Kikay, paakyat din siya ng flyover sa ibang hagdan din. Lahat sila isa lang ang hinintuan nang makaakyat na, sa tapat ng Jollibee. Kung saan langhap ang amoy ng fried chicken.

Naabutan na si Chanok nina Dudoy, Aloy at Kikay na nilalanghap ang sarap ng amoy ng fried chicken habang kagat ang monay. Nginitian niya ang tatlo at biglang tumunog ang mga tiyan nito sa gutom. May tatlo pang monay sa plastik na hawak ni Chanok. Inalok niya ito sa tatlo at nakangiting tinanggap ng mga ito ang tinapay na bigay niya. Langhap-kagat silang kumain. Langhap sa amoy ng fried chicken tapos kagat sa monay. Pagkatapos kumain, nagtawanan sila sa langhap-sarap nilang drama.

"Nauuhaw ba kayo?" tanong ni Chanok sa tatlo. Tumango ang mga ito. "Doon tayo!" nakangiting yaya niya sa tatlo at itinuro ang Puregold.

Bumaba sila at nag-abang sa exit sa harap ng Puregold. Inabangan nila ang mga costumer na palabas na may dalang palamig, soft drinks at kahit ano na makakapawi ng uhaw nila – oplan hingi ang naging paraan nila. At maging pagkain hiningi na rin nila. Nag-abang rin sila sa tapat ng 'Mcdonald' na nasa Puregold.

May mga taong hindi sila pinapansin. May mga tao naman na iniiwasan sila dahil nandidiri sa dumi at amoy nila. May ilan naman na nagbibigay dahil naaawa. At may ilan na nagbigay dahil napilitan lang at masama pa ang loob. Lahat silang apat ay sanay na sanay sa panghihingi. May mga dialog pang 'Ilang araw na po kaming 'di kumakain'. Tapos, kunwari pang umiiyak.

Si Kikay ang todo project. Sa pamamagitan no'n nagagamit at nahahasa niya ang talent sa pag-arte. Pangarap niya talaga kasing mag-artista.

Napangiti na lang si Chanok. Akala niya kasi hindi sanay sa gano'ng trabaho ang tatlo niyang bagong kakilala.

Sarado na ang Puregold, magkakatabing nakaupo sa hagdan sa labas ang apat. Hindi man napawi nang tuluyan ang gutom nila sa mga nahingi nilang pagkain, pero sapat na 'yon para sa kanila. At masaya na sila do'n, at mahimbing na silang makakatulog no'n.

"Ako nga pala si Chanok!" masiglang pagpapakilala ni Chanok. "Kayo ano'ng pangalan n'yo?" tanong niya sa tatlo.

"Ako? Kikay na lang itawag n'yo sa 'kin."

"Ako si Aloy!"

"Ako naman si Dudoy. Kuya ako ni Aloy."

"Magkapatid kayo?" inosenting tanong ni Chanok. Sabay na tumango sina Dudoy at Aloy bilang tugon. "Kaya pala parehas ang damit n'yo." natawa siya. "Palaboy din kayo?"

"Hindi ba halata sa hitsura namin?" nakangiting sagot ni Kikay.

"Oo nga 'no? Pare-parehas ang hitsura natin. Para na tayong magkakamukha. Ang dumi natin."

"At mabaho!" proud na komento ni Aloy, at nagtawanan silang apat.

"Pa'no nga pala kayo napadpad dito? Parang ngayon ko lang kasi kayo nakita rito?"

FlyoverWhere stories live. Discover now