SI KIKAY

59 10 0
                                    

~SI KIKAY~

ANG HULI, si 'Kikay'. Sampung taon na si Kikay, siya ang nag-iisang babae sa grupo at tumatayong ate kina Chanok, Dudoy at Aloy. Pitong buwan pa lang siyang palaboy. Hindi siya ulila at hindi rin napagmalupitan – nawala siya sa terminal ng bus sa Cubao. Kararating lang nila ng Manila no'n mula sa Bikol.

First time ni Kikay makarating sa Manila. Lumuwas siya kasama ang ate niya para mag-audition sa isang talent search sa TV. Hindi naman gano'n kahirap ang pamilya nila. Sadyang pangarap lang ni Kikay mag-artista. Madalas niyang gawing humarap sa salamin tapos magdadrama at may walling pa. Minsan kunwaring inaaway niya pa ang sarili niya. Bago sila pumuntang Manila, niregaluhan si Kikay ng pamilya niya ng pink na bag na paborito niyang kulay at pink din na relo na medyo maluwag pa sa kanya, para daw good luck charm niya, pampasuwerte kumbaga.

Nakababa na sina Kikay at ang ate niya ng bus nang mapansin niyang wala na ang suot niyang relo. Nakatulog kasi siya no'n ng mahulog ang relong suot niya. Binalikan ng ate niya ang relo sa bus at naiwan siya para bantayan ang mga bagahe nila.

"'Wag kang aalis dito. At 'wag kang makikipag-usap kahit kanino." bilin ng kanyang ate bago nito binalikan ang kanyang relo sa loob ng bus.

Habang hinahanap ng ate ni Kikay ang kanyang relo sa bus, biglang sumigaw ng 'BOMBA!' ang isa sa mga pasahero nang makita nito ang isang naiwang kahon at biglang tumunog ang nawawalang relo niya. Napagkamalan ng pasahero na bomba ang nasa kahon na ang laman pala ay mga kamote at sa pagtunog pa ng relo ni Kikay. Nagkagulo ang mga taong nasa loob ng bus at nagkatulakan. Hanggang lahat sa terminal ay nagkagulo na rin at nagtakbuhan ang mga tao sa iba't ibang direksyon.

Takot na takot si Kikay no'n. Pero hindi siya umaalis sa puwesto niya dahil iyon ang bilin ng ate niya. Umiiyak siyang tinatawag ang kanyang ate, pero hindi ito dumating. Dahil nahulog ito sa pinto ng bus habang pababa na sana at napilayan ito. Natulak ito ng isang lalaking pasahero at hindi man lang ito sinaklolohan. Kaya hindi siya nito agad nabalikan.

Binalikan si Kikay ng ate niya na pipilay-pilay na. Ngunit wala na siya sa lugar kung saan siya iniwan ng kanyang kapatid. Maging ang ilan nilang gamit ay wala na rin. Akalain mong may nakapag-isip pang magnakaw sa sitwasyong iyon? Pambihira!

May tumulong na ale kay Kikay nang makita siya nitong iyak nang iyak. Nahabag ang babae na pabayaan na lamang siya. Baka kasi masagi siya at matumba sanhi ng nagkakagulong mga tao at kung mapa'no pa siya. Sumakay sila ng ale sa jeep na biyaheng 'Bagong Silang, Caloocan'. Naisip ng ale na dalhin siya sa madadaanang malapit na police station. Ngunit nagpumilit bumaba si Kikay dahil naisip niya ang ate niya. Sinabi kasi nito na babalikan siya. Ngunit nakalayo na ang jeep sa terminal. Hindi na alam ni Kikay kung nasaan siya.

Biglang umulan ng malakas at sinabayan iyon ng malakas na iyak ni Kikay habang tinatawag ang kanyang ate. Nawawala na siya at tanging ang maliit na kulay pink na back pack lang ang meron siya.


FlyoverWhere stories live. Discover now