Episode 15

193K 6.1K 2.6K
                                    


Episode 15


Jane's POV


"Baka langgamin na kayong dalawa niyan?" sinita kami ni Jamod nang mapansin niya ang maya't maya naming pagtitinginan ni Bathala. "Kung magtitigan 'tong dalawang 'to akala mo magkakalamunan na," usal niya pa. Kandahaba ang kulubot niyang nguso.


Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Nakakapagtakang hindi ako mapakali. Wala na akong ibang ginawa kundi ang sumulyap kay Bathala habang gumagawa kami ng bangka. Hindi ko mapigilan na katagpuin ang kulay dahon niyang mga mata.


Samantalang sa isang tabi ay busangot naman ang mukha ni Diwata habang nililinis nito ang mga prutas na pinitas namin. Para bang masama ang loob niya. Wala na ang mga ngiti sa labi niya di tulad kanina nang kausap ko siya.


"Psst..." sitsit sa akin ni Bathala.


Nang makuha niya ang atensyon ko ay may naglarong ngiti sa mga labi niya. Nagtagpo na naman tuloy ang aming mga mata. Habang itinatali niya ang mga kahoy gamit ang baging ay sa akin siya nakabaling.


"Aba, ser. May balak ka bang gawin akong bangka? Bakit pati ang braso ko iginagapos mo?" sita sa kanya ni Jamod na nakagapos na ang braso kasama ng mga kahoy.


"Sorry." Kinalagan agad ni Bathala ang matanda. "Malay ko bang hindi pala punong-kahoy 'yang braso mo."


Sumimangot si Jamod. Pagkuwan ay pinandilatan niya ako. "At ikaw, Pukangkang. Ano bang ginagawa mo? Wala ka ng ginawa kundi himasin yang kamatis na hawak mo!"


"N-nililinis ko po ito." Ngumuso ako.


"Nililinis? Hindi mo ba alam na kanina mo pa pinipiga yan habang napapahagikhik ka?"


"P-po?" Pinamulahan tuloy ako. Hindi ko namalayan na napapahagikhik pala ako at halos panggigilan ang kamatis na hawak ko sa tuwing sinasalo ang mga titig sa akin ni Bathala.


"Kung betlog yang hawak mo baka nabaog na yan." Inirapan ako ni Jamod.


Nanguha lang kami ni Diwata ng pagkain sa gitna ng kagubatan. Pagbalik namin, matapos akong halikan ni Bathala, ay ganito na siya. Bakit para yatang mas masama pa ang loob niya kaysa kay Diwata?


Maiba ng usapan, paano ko ba mapipigilan ang aking sarili na hindi mapatingin kay Bathala? Hindi ko siya magawang hindi tingnan. Paano'y basa ang hubad niyang katawan.


Basang-basa siya ng pawis dala marahil sa init ng panahon. Hayun at ang ilang butil nito ay umaagos sa kanyang patag na kalamnan, umaarko iyon pababa sa kanyang puson na may kaunting balahibo.


Ano ba ang mali kung mapisil ko itong kamatis? Sa tuwing bubukol ang laman ng kanyang mga braso ay napapasinghap ako. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang lumulukso ang puso ko sa isiping maayos na kami na Bathala.

The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon