Episode 1

367K 10K 8.5K
                                    

Episode 1

ROGUE'S


"When the time comes, your arrogance will bring you to ruin..."


NAPABALIKWAS AKO NG BANGON.


Again? Those words from my grandfather, I dreamed about it again. Maybe I just miss that old man. Hindi lang siya, even my parents, I miss them now. Ilang buwan ko na kasi silang hindi nakikita. I was busy with my business in the city and going out of the country for some exclusive interviews for my band, The Black Omega Society. Yes, BOS is not only an elite brotherhood but also a famous band.


Nagusot ang aking ilong nang maamoy ko ang malansang amoy ng karagatan. Nasisilungan nga ako ng makakapal na mga dahon ngunit butas-butas naman. Nababalutan nga ng pawid ang paligid subalit mukhang mahupa naman.


Bumagsak ang balikat ko nang mapalingap ako sa paligid. Dito ko rin natagpuan ang sarili ko noong una. How I wish that everything was just a dream.


But it was not. Everything was real. I was stranded on some kind of a joke island.


Napatayo agad ako sa pagkakahiga nang maramdaman ko na ang hinihigaan ko ay buhangin.


Gross!


I suddenly realized I was naked – again. Kaya naman nang matanaw ko ang aking pants sa di kalayuan ay dinampot ko iyon at isinuot. Natigilan lang ako nang may mapansin ako sa aking harapan.


Nang maisuot ko ang aking pantalon ay napansin ko rin na nawala wala akong sapin sa paa. I needed my shoes. Hindi ako sanay na maglakad nang nakayapak lang. Nasaan ang sapatos ko?


But I found nothing. Maliban sa pantalon ko ay wala na ako makita iba sa paligid.


Biglang bumukas ang nakakadiring pinto kaya nasilaw ako sa liwanag. Iniluwa ng pinto ang isang tila diwata na umiilaw. It was Pukangkang.


"Gising ka na pala, Bathala." Tiningala niya ako. 


Umiwas ako ng tingin sa kanya. I don't want to look at her. Kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko. I just frowned. "What kind of prank are you playing on me?"


Pumaling ang kanyang ulo. "Hindi kita maunawaan, Bathala."


Crap! Mukhang totoong mga taong isla nga talaga sila. Umasa pa man din ako na baka prank lang talaga lahat ito. Pero totoo nga. Stranded nga talaga ako sa islang ito. Okay lang sana kung isa itong first class resort pero hindi. Isa itong liblib na isla sa gitla ng malayong karagatan. So, how can I survive here? Hindi ako adventurous na tao. 


Sanay ako sa city. Sanay ako na malinis at mabango ang paligid. Sanay ako sa building at hindi sa kubo na pawid. Sanay rin ako sa aircon at hindi sa natural na hangin na dala ng alon. At lalong mas sanay ako na may mga bodyguards, personal assistants at personal chef na nagsisilbi sa akin. Damn it! I am a city billionaire!

The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon