BUCKETLIST

64 2 2
                                    

BUCKETlist ng maraming BAKIT HINDI?

All right reserved 2014

@airishujin

Tayo ba sa buhay natin maraming hinihiling at pinaplano pero wala man isa roon ay natupad at nagawa?

Isa na siguro ako sa mga ganoon. Sa dami-rami pa namang gusto kong mangyari sa buhay ko, plano lang ng plano ngunit palpak pa rin at hindi ko natutupad.

Kapag naiisipan kong magpakatino kahit isang araw lang, gabi pa lang pinaplano ko na iyon. Pagkagising sa umaga. Wapak! Sira ang sinet na alarm dahil pagkatapos pa ng isang oras ako gigising sa na-set kong oras.

Kaya naman madalas hindi na ako nagseset ng goal sa isang araw at hinahayaan ko na lang ang panahon kumilos para sa'kin.

Gawaing tamad daw ang ganoong time phrase schedule. Ewan ko ganun na lang kinasanayan ko eh. Minsan pa nga ayoko nang umasa pang magiging maayos pa ang buhay ko.

Ngunit isang araw pakiramdam ko yun na ang tamang panahon sa pagbabago.

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon