Chapter 56: Twenty Three

105K 2.3K 716
                                    

Chapter 56: Twenty Three

Sorry for waiting! Inuna ko muna ang acads ko, nagpaparamdam na kasi si Hellweek >,<

Anyway.. for this chapter, waley masyadong mangyayari. Oo, promise wala nga. Filler lang to.

Comment and vote pag nagustuhan, pero comments pa rin talaga. Haha! =))

-

3 DAYS LATER

FRIDAY. NOVEMBER 30


Busy ngayon ang 4th year students sa kung anu-anong kaekekan at requirements. Dapat kasi matapos nila ang lahat ng yon bago ang 2nd week ng December para free na sila.


"Okay na ba 'tong lahat?"

Isa si Wes sa pinakabusy ngayon. Ang SC kasi ang head ng Christmas Program na gaganapin sa last day of classes nila kaya ang dami nyang inaayos na papers. May raffle pa kasing nalalaman si Mrs. Yap.

"Yup, ready for printing na 'to," sagot ng isang staff member nya.

Medyo lumuwag ang pakiramdam ni Wes. After kasi ng birthday ni Rocky.. medyo gumulo ang sitwasyon. Heck, he was to blame. Alam nyang malaking gusot 'tong pinasok nya. Pero ganun siguro ang mechanism ng ilan, kahit alam nilang gusot o magulo ang isang bagay, gusto nilang mainvolve dun kasi alam nila sa dulo.. may possibility na worth it ang mga pinagdaanan nya.

"Wes!"

Akala nya si Rocky yung tumawag sa kanya. When he turned around, he saw Tatin by the door. Kelan pa sila naging magkaboses?

"O bakit?"

May inabot itong papel sa kanya. "List of performers yan, not yet final. Sa Monday pa namin masusure ang final list."

"Thanks, Tats. Kamusta yung main perf? Okay na ba?"

She nodded. "Puro Class A naman ang performers dun, don't worry. Hey.. about the final program list.. bakit may blank dun sa may dulo? Yung #19?"

Isa yun sa surprise nya sana kay Rocky for her birthday, ang makapagperform ang Meiko sa Christmas Program. Ever since kasi pangarap na nila yun. Kaso.. mukhang ayaw na ni Rocky yun ngayon.

"Ahh.. baka tanggalin na yun. I'll ask Mrs. Yap kung may ilalagay ba sya dun o wala na."

"'kay. Practice nyo later, right? Malelate ata si Cy," medyo napasimangot si Tatin. "Herald work."

"Ako na bahala mamaya. Sige, may itatype pa ako."

Tahimik na sinarado ni Tatin ang pinto at umalis na. Naiwan dun si Wes na malalim na nag-iisip.

Bwiset. Mukhang ayaw na nya sa Thursday.

-

BARBS' POV

PUCHA. Kinakabahan na talaga ako sa Sunday.

Ewan.. di na kasi sya nagreply sa PM ko last Tuesday. TSAKA PANO NYA NALAMAN YUNG TOWN!?! I know sikat yung place na yun PERO BAKIT DUN KAMI MAGKIKITA?!

Maybe he/she knows me.

PAKEEEER NOOOOO!!! THAT CAN'T BEEEE!! NOOO--


"Hoy Barbs!"

Psh. Panira talaga tong Kris na 'to. Nagpapasukat kami ng jersey para sa game namin next week. Yes, next week na yun and I am excited!!

"Wag mo nga akong sigawan, di ako bingi," sagot ko sa kanya. She shrugged.

Haynako, may mga tao talagang pinanganak para maging epal sa buhay mo noh? Siguro isa nako sa titleholder ng pinakamaraming eps sa life. Ugh.

Kinakabahan akong i-meet si MRSD. Ayoko na nga eh. Feel ko.. kilala nya ako. Pero pano?

T@ngina.. mindfck?

--

JANINE'S POV

Almost 2 weeks na rin since nung narinig ko yung recording. I still don't know what to do with that. A part of me wants to tell Chester the truth.. pero may part din na ganto.. na gustong wag na lang.

Sa totoo lang.. medyo na-eenjoy ko na ang pagiging independent from him. Ilang buwan na lang college na. Hindi ako pwedeng maging clingy sa kanya forever, that's selfish. At hindi ko rin mapepredict ang future. Malay natin.. naaah. Too stressful!


"Oh gosh tapos na!"

Ugh. I hate her quote whiny unquote voice. Bakit ba pag si Jenica (o kung sino man sa S-Girls) ang magsalita, automatic na naiinis ako? Ugh. To think na nasa canteen kami at maraming tao. When did I develop this bionic ears? [:/]

"Ba't ka naman nakasimangot dyan Ja?" napansin pala ni Viv.

"Huh? Wala lang. Sumakit lang bigla ulo."

"Kumain ka kasi!" bakit ang init ng ulo ng bestfriend ko? "Di ka mabubusog ng crackers na yan!"

"Opo bibili na ho." Sheesh. Akala ko okay na sila ni Wes tapos.. ugh. Tumayo na ko para bumili ng food. Nako, bibili ako ng beef teriyaki w/ rice para di na magalit sakin si Wicked Witch.

Ugh. Katapat ng food stall na bibilhan ko ang table ng S-Girls. Di yan Spice Girls ha, Slutty Girls yan. Kunwari ko sila nakikita! Pero eps, nilakasan pa nila mga boses nila pagdaan ko!

"Salamat Kuya Chester ha!" exclaimed the Queen Slut. "Ang laking tulong nito for us!"

"Opo Kuya! Ang hirap pa naman gumawa ng IP but you made it easier for us!" epal ni Tam.

HAH. Nagawa nya yung IP ng S-Girls pero yung IP nila nina Barbs di nya maayos?

At bakit ang tagal ng order ko? Usually naman mabilis ang service nina Ate Mayaman ah!! >,< Gusto ko nang kumain at umalis dito sa pwesto na 'to!

Sinilip ko si Chester. He's.. not showing any emotion at all. Yan ba ang tulong ng 'support group'? Ang bogus talaga nun! I finally got my order!! Paalis na sana ako nang..

May bumunggo saking grade schooler. As in malakas na pagkakabunggo. Ayun.. I fell on the floor.. My food flew off my hands..

"Araaaaay!!!!" ang sakit! My butt!!

Yung nakabangga naman sakin natakot ata. "A-ate.. s-sorr--"

"SH*T ANO BAAAAAA?!?!"

That was definitely NOT me. Si Jenica yun, galit na galit. Ah.. kaya pala.

Sa kanya natapon yung food ko. Sa.. uniform nya.

"Ano bang bata ka!?! Ang t@nga mo naman!!! Canteen to, di playground!!" sigaw nya dun sa bata. Naiiyak na yung bata. "Pati yung IP namin ayan!!! Natapunan!!! Anong klase ka?!"

"Jen.." mahinang sabat ni Chester.

Ouch, I'm here. That stings.

I stood up. "Hoy Jenica bata lang yan! Wag mo syang sigawan!"

Mas tumalim yung tingin nya sakin. "Ah! I knew it! Sinadya mo to noh?!"

SAY WHAT?! "EXCUSE ME! I FELL ON THE FLOOR! Hindi ko sinasadya, okay? Wag ka ngang mamintang!"

"Oh come on, Janine! Alam kong inis ka sakin kasi kasama ko si Kuya Chester! Pero sorry ka na lang, he doesn't want to be with you. Masyado syang nasasakal sayo, alam mo ba yun? Nakakai--"

*paaak*

Di ko na napigilan ang sarili ko. I slapped her.

"Hoy Jenica. Makinig ka saking mabuti ah. Kung anuman ang meron kami ni Chester dati, labas ka na dun. You don't know a thing about us. Wag kang magmarunong! At excuse me," medyo natawa pa ako. "Sige lang, he's all yours. I-maximize mo lang ang utility nya! Di ba kaya nyo sya sinasamahan para gumawa ng projects at assignments nyo? Well fck that, slut. Kung sa tingin mo ganyan ang ginawa ko kay Chester.. you're wrong. Sa inyo na yang si Chester, hindi ko na sya kailangan. I can do everything by myself now."

Umiiyak na yung bata sa tabi ko kaya hinila ko na sya palabas ng canteen. I won't cry. Not for them. They're not worth it.

--

FLASHBACK

THURSDAY. NOVEMBER 29

Thursday is Wesky Day.

Pero ngayon November 29.. eto na ata ang last Wesky Day.

Okay naman ang simula ng araw na yun. The usual "It's-Thursday-and-I-like-you" skit ng Wesky. Nandun pa rin kasi ang kilig factor nung birthday ni Rocky.

Okay talaga ang araw na yun. May konting surprise pa nga si Wes na malaking greeting card na may design na "It's Thursday today" at sa loob, may nakalagay "Don't forget that I like you". Hindi nga alam ni Rocky kung saan nya itatago yun eh. Ayaw nyang iuwi, baka kasi makita nina Brylle at Mama nya yun, lalo pa silang intrigahin ni Wes.

Uwian.

May practice ang Ravens kaya naiwan sa school si Wes. Actually may isa pa syang surprise para kay Rocky sa mismong bahay nito: gumawa sya ng macademia nut chocolate cookies na naka-arrange to form "Thursday" sa may pintuan ng kwarto nito. Pinagpuyatan nyang gawin yun kagabi after nyang magreview sa Math exam nila around 2:30am. Excited syang parang bata.

"Ano? Wala pa rin dyan ate mo?"

Tinawagan nya si Brylle as soon as natapos ang practice ng mga 7:30pm. Nag-aalala sya, kanina pang 4 umalis si Rocky kasama si Vivien pero bakit hindi pa rin ito nakakauwi? He tried to call her pero nakapatay ang phone nito. Pagdating nya sa bahay agad syang nag-abang sa may terrace nya. Bakit ba kasi wala pa ito?

Makakatulog na sana sa upuan nya nang may marinig syang kotse na tumigil sa harap ng bahay nina Rocky. Nang tignan nya ito..

BCX 766.

Kay Podi yun.

Akala nya nagkakamali sya. Pero nang makita nyang lumabas si Rocky sa sasakyan ni Podi.. ayun na. Last year ganyan palagi ang drama nung dalawa. Nung sila pa. They look so happy together. Medyo nainis sya. Akala nya tapos na silang dalawa? Bakit ganun?

Hinintay muna nyang makaalis si Podi at makaakyat si Rocky sa kwarto nito. Nagpanggap syang tulog.

"Psst."

"Hmm.."

"Ba't ka dyan natutulog?"

Di nya napigilang magsungit. "Wala lang."

"Aahhh.." napansin ni Rocky ang pagsusungit nito. "Nga pala, thank you sa cookies. I saw them.. nilagay ko lang sa microwave. They look delicious."

Wes scowled. "Oo na. Sige, goodnight."

"Hoy Wesley saglit nga.. bakit ka ba parang may PMS dyan?"

"Anong oras na?! Malapit na mag-9pm ah! San ka ba galing?"

Di nagustuhan ni Rocky ang tono ng boses nya. "Whoa.. bakit ka galit? I went out w-"

"Podi. Yeah, I saw. Saya nyo nga eh."

"Wes ano bang problema mo? Yeah, I went out with him.. as friends, if that's what you're worried about."

"He's your ex, Rachel. Of a--"

"Bawal na bang makipagkaibigan sa mga ex ha? Wow, excuse pala sakin. Sino nga pala tong kausap ko? 23 exes. Wow. Why am I not surprised. Sorry if I'm friends with my ONLY ex ha. At least what we had is special."

That was a huge blow for him. "Sorry ha. Playboy eh, g@go. Magagawa ko ba dun? Sorry kung di ako kasing perfect ng ex mo. Diyos yun, perfect."

Sa lahat ng pag-aaway nila ni Wes.. eto na ata ang pinakamalala. Akala nilang dalawa yung away dahil kay Janine na yun, mali sila.

"I don't know why you're mad at me o kay Podi. Birthday treat lang nya sakin yun. You're acting as i-"

"As if I'm your boyfriend?" he supplied. Natatawa na nga sya. "God I wish I am your boyfriend. Kaso.. sino nga lang ba ako? Yung epal na kaklase/kapitbahay na walang ginawa kundi manlandi at bwisitin ka. Di ba ako yun? Rachel.. pano mo makikita kung sino talaga ako kung puro kamalian ko na lang ang tinitignan mo? I have flaws. I had a very bad past but can't you see I'm trying to change? Kung.. palagi mo na lang akong kinukumpara sa kany-"

"Hindi kita kinukumpara kay Podi! An-"

"Sa ganon nararamdaman ko eh! Hirap nyang taluning para sayo. Nasa kanya na kasi lahat, wala nakong mabibigay kasi lahat naranasan mo na. Mukha na nga akong.. ewan. Sabihin mo na lang kung.. ayaw mo ng ginagawa ko o ano, titigil ko na. Mas gusto kong diretsahin mo na ako ngayon kesa patagalin mo pa 'to, para.. di masakit masyado."

Di alam ni Rocky ang isasagot nya. Masyado syang nagugulat sa mga sinasabi sa kanya ni Wes ngayon.

"Wes.. hindi ko alam.. I'm sorry."

Wes flashed a bitter smile. "Just what I thought. As expected from you, Rachel. You can never give him up. First love, right?"

"..."

"So.. Thursday nga pala ngayon. Last Thursday na 'to na ipapaalala ko sa'yo na gusto kita. Kasi.. kahit ilang milenyo na Thursday siguro ang dumating.. mas higit pa rin sya sakin."

"Wes wait!"

He gave her one last look before going back inside his room.

Last Thursday na talaga to.


END FLASHBACK
-

HONORS CLASS

Gusto nang umuwi ni Barbs.

Actually buong araw syang nag-iisip kung anong gagawin nyang palusot para hindi sya makaattend ng Honors. Sumakto pang rest day ng Ravens at Ravenettes kaya wala silang practice.

Ngayong araw na kasi ang critiquing ng You're The One That I Want sa klase. Kaninang lunch nga umiwas sya kina Rocky at Vivien na nagkukwentuhan about sa kwento nya. She felt very uneasy, kung alam lang ng dalawa na ginawa silang basis para sa ilang characters nun.

Ang ayaw lang nya ay mapintasan si Leiza. Silang dalawa kasi ni Vicky yon, 30% sya 70% sa pinsan nya. Wala syang pakialam kung laitin ng mga yon si Denn. Hindi naman sya ang masasaktan, si Cyrus naman.

Bago magklase, nilapitan sya ni Cyrus.

"Ready ka na?"

Tumalim ang tingin nya dito. "Wag kang epal mamaya. You don't know what I'm capable of."

"I told you, your secret's safe with me. You must be proud, though. Pinili ni Sir ang kwento mo."

"Ikaw ba ang nagsuggest sa kanya nyan, ha? Pucha umamin ka."

Nagulat si Cyrus sa accusation ni Barbs. "Bakit ko naman isusuggest sa kanya yun? E di sana naasar na ko diba? Hindi naman halata sakin na nagbabasa ako sa Wattpad. Mag-isip ka nga."

May point sya. Well, sino nga bang mag-aakala na ang team captain ng Ravens at EIC ng Charleston Herald ay nagbabasa ng teen fiction/romance stories sa Wattpad? Magiging laughingstock si Cyrus pag kumalat yun.

Nagbago ang aura ni Barbs nang pumasok si Lean sa room na all smiles.

"Ano.. nabasa nyo ba ang reading assignment nyo? Okay ba?" tanong nito sa klase.

May narinig syang murmurs na okay naman ang kwento, kaso mostly from the girls. "How about the guys? Anong reactions nyo? Uuhh.. Chester!"

Napalunok si Barbs dun. Yung (temporary ex) bestfriend pa nya ang unang magcocomment! Ö "Uhh.. Okay naman sakin yung story. That was the first teen fiction story I've read. Plot-wise.. medyo mababaw pero eventually umayos naman. Just like you sir.. I was a bit disappointed after I read it. Yung ending kasi.. parang walang sense. Ewan ko ba kung ako lang yun kasi first time kong magbasa.. Pero I read the comments at di lang pala ako nag-iisa. 'Twas a bit confusing, the ending. Pero word-wise, okay sya. Nice choice of words."

Tango naman nang tango si Lean. "Ayos! Sino pa? Uuhh.. Wes! Ikaw naman."

Kinabahan din si Barbs.

"Binasa ko naman sya, kaso di talaga ako nagbabasa ng romance. Di bagay sakin," natawa pa sya. "So pinakwento ko na lang ulit kay Anais kagabi kahit.. badtrip ako. Ayun.. it's good. Kaso may napansin lang ako ah. Yung kapatid ko lang talaga ang makwento tungkol sa romance stories na ganyan.. at medyo nakakaumay lang yung situations. Babae talaga yung author nun, ganun kasi ang perception agad sa lalaki, dapat gangster-ish. Ang problema kasi sa inyong mga babae, pipili kayo ng lalaki na may sabit. Tapos pipilitin nyong magbago kami para sa inyo. Ano yun, ginawa nyo kaming project? Siguro kaya ganun yung reaction ng author or nung Leiza sa epilogue. Akala nya nagbago yung lalaki pero di pala. Dapat kasi hindi pinipilit ang mga lalaki na magbago. Masyadong half-hearted yun. Yung iba nga.. kusa na ngang nagbabago, pinagdududahan pa." Rocky rolled her eyes at him, nagawa pa kasing magparinig.

"May point si Wes dyan! Tama ka! O, Cyrus. Ikaw naman!"

At this point hindi na makahinga si Barbs. Dun sa dalawang Pugs nya halos nabalian na sya ng buto, etong kay Cyrus pa na alam ang totoo kaya?

"First parts ng story.. medyo mababaw. Walang connection. Pero eventually nakabawi sya sa gitna. Ang natural lang ng writing style, straight to the point.. feel mo isa ka sa characters. Yung ending ang disappointing. Hindi kasi naelaborate nang maayos yung reason bakit ginawa ni Denn yun. Malalim yung author, pero di nya ginamit ang pagiging malalim dun sa most crucial part ng story, ang ending. Pag iniwan ka kasi.. alam mong may dahilan yon, minsan di ka lang aware o ayaw mo lang aminin na alam mo yun sa sarili mo. Eto ang tipong cliffhanger na imbis maexcite ka, e maiinis ka. That's what I felt about it."

Gusto nang manapak ni Barbs ng tao ngayon. Parang ang sakit sa kanya nung criticisms ni Cyrus. Tama naman lahat ng yon except dun sa ending. Kanya-kanyang interpretation lang kasi yan ng binasa. Self-inflicted lang ang disappointment na nararamdaman ng readers nya.

"Barbs!"

"Ha?!"

Nakatingin na pala sa kanya sina Lean. "Binasa mo ba yung kwento?"

"Medyo. Hindi kasi ako nagbabasa ng ganun eh."

"Pero nagbabasa ka ng Pride and Prejudice."

"Magkaiba naman yung dalawa, Sir."

Napangiti tuloy si Lean. "Okay okay.. anong masasabi mo sa konting nabasa mo?"

"Medyo tama sila, mababaw yung premise. Pero umayos naman eh. I skipped few chapters nung pagitna, tinuloy ko lang sa last 5 chapters. Medyo gets ko ang author kung bakit ganun ang ending. Hindi kasi nya naelaborate ang ending. Ang ilang buwan ay kinompress nya sa isang chapter nya, maraming missing links. Ang ibang readers kasi, based sa nabasa kong comments, they ony see what they WANT to see. Di nila makita ang hidden lines sa chapters. Siguro gusto na rin ng author na pag-isipin ang readers, pwede rin ayaw talaga nyang ielaborate. Cut-throat ang style nya for the epilogue. It was good but confusing. I cannot blame him or her pero okay sya."

Narealize nyang hindi sya humihinga habang nagsasalita. Si Cyrus naman napatingin na kay Barbs dahil dun. Nakakagulat kasi ang sinasabi nya.

"Point taken, Barbs. Ang dami mong nasabi kahit konti lang ang nabasa mo," sabi ni Lean na halatang impressed.

"Based lang yun sa comments. They're pretty harsh."

"Oo nga sir," singit ni Rocky. "I feel bad for the author. Tama si Barbs, they saw what they want to saw. Di nila nagets yung message ng writer. Ang sakit lang ng comments and posts dun sa profile nya."

"Baka naman snob yung author," Rocky shot Wes a sharp look. "What? Baka nga lang eh."

"She's nice naman eh," depensa ni Vivien. "Kaso matapang lang talaga sya. Di na nga sya nagcocomment back sa posts, ang sakit kasi eh."

Gusto na talaga umiyak ni Barbs. Gusto nyang isigaw sa klase na sya si notanotherfairytale, na sya ang 30% ni Leiza at si Cyrus si Denn. Gusto nyang isigaw itong lahat.

Kaso wala syang sinabi.

Tahimik lang sya hanggang matapos ang klase.

-
SUNDAY

Kabadong-kabado si Rocky at ang mga kabanda nya. In 3 hours, sasabak na sila sa annual Battle of the Bands sa Town. Last week pa sila nagpapractice sa Volume 11 every after class, 2 hours per practice. Madalang kasi silang sumali sa mga battle, at pag sasali sila, sinisigurado nilang magaling sila.

"Ano.. di mo talaga tatawagan?"

Nakatambay sila ni Vivien sa may Jamba Juice, sa Town. Kanina pa kasi pinipilit ni Vivien na tawagan nito si Chester, baka magbago ang isip nito at sumali sa Meiko mamayang battle.

"Ayoko. Naiinis pa rin ako sa kanya. Ni hindi man lang nya tinulungan si Janine nung Friday! The nerve!!!" muntik na nyang matabig ang inumin ni Viv sa sobrang inis.

"Gusto ko na talaga syang kausapin. Malapit na ang Christmas! Dapat okay na tayong lahat!"

Nakaramdam si Rocky na papunta sila sa topic na WES. "Oh no.. don't start with me."

"What? Nahalata mo agad yun?"

"Obvious kasi."

"Alam mo minsan.. ayaw ko kayong magkatuluyan ni Wes. Kasi.. tignan nyo, hindi pa kayo nyan ah! Di pa nililigawan! Grabe na kayong mag-away!"

"Psh. Sya kasi nagsimula! Wala naman syang karapatang magselos!"

"Psh. Do you really believe that quote? Sa totoo lang.. for me ha.. lahat tayo may karapatan namang magselos, nagmamahal eh. Masakit kasi."

"Eh kasi.."

"Ikaw nga, seryoso to Rachel Anne.. clear na ba sayo ang feelings mo for Wes and Podi? Napag-isipan mo na ba?" tanong ni Vivien.

Rocky slowly shook her head. "Ang dami kong iniisip na ibang bagay, Viv. Love? Tatalino ba ako dahil dun?"

Natawa tuloy si Vivien. "I should be the one saying that, not you. Pero tama ka naman. Ang akin lang.. sort things out before deciding. Wag kang mablindside sa mga bagay-bagay. Isipin mo lang, baka okay na yan."

Tumahimik na lang si Rocky, hindi para mag-isip. Dahil kinakabahan sya.

--

Si Barbs naman, nasa bahay pa rin at nag-online. Ilang oras na lang bago sila magmeet ni MRSD. Gusto na nya sanang magback out kaso.. naaah.

Maya-maya..

Mr_sDarcy sent you a message!


Nahulog sya sa kinauupuan nya. Sht, eto na! She clicked the message.

Mr_sDarcy

B. Okay ka pa ba later?

About sa Town, familiar kasi ako dun. I go there sometimes. Tsaka the way you described the mall sa YTOTIW, parang Town talaga. Kaya dun ko sana gustong magmeet tayo. Are you still up for this?


Agad syang nagreply.

notanotherfairytale

Yup, sa Town nga yun XD Okay pa ako later! Teka, how will I know na ikaw yun?


After 10 minutes, nagreply si MRSD.

Mr_sDarcy

Hmm. I'll bring a book later. One Hundred Years of Solitude by Gabriel Garcia Marquez. Familiar ka ba dun?


notanotherfairytale

Yep! See you! [:)]


Kunwari pa syang enthusiastic pero sa loob nya kinakabahan sya. Sino kaya tong MRSD na to?

-

Sa activity center ng Town gaganapin ang Battle of the Bands. Maagang naghanap ng magandang pwesto si Janine para mavideohan nya sina Rocky. Nang makahanap sya ng magbabantay ng pwesto nya, she decided na pumunta ng Dairy Queen.

Nagulat sya nang makita nya si Chester na nakapila rin don.

Dapat hindi nya papansinsin si Chester kaso nakita sya nito. Tinignan lang then wala na, di na sya napansin. Natapos na itong umorder pero hindi pa rin sya pinapansin nito.

She was surprised nang makita si Chester na hinihintay sya sa may mga upuan ng DQ.

"Okay ka lang ba?" sabi nito sa kanya, referring to the accident last Friday.

"You're 2 days late. But I'm fine."

"Sorry about that.. uuhh.. gumising na pala si Papa. Kagabi lang."

Sa sobrang tuwa, di nya napigilang yakapin si Chester. "Oh my God that's great news! Okay naman ba sya?"

"Y-yeah.. okay na."

Naging awkward bigla ang aura at bumitaw na si Janine. "Sorry about that. Uhh.. I'm happy for you, Chester. Pwede ba syang mabisita bukas?"

"S-sure. Text nyo na lang ako okay?"

"Manonood ka ba?"

"Yup.. Gusto kong makita silang tumugtog."

"Miss mo na tumugtog noh?"

"Yeah," he smiled meekly. "Everyday."

Nagtext na si Rocky kay Janine, a signal na kailangan na sya nito. "Oops, gotta go. May seat ka na ba?"

Medyo nahiya si Chester. "Uuhh ma-"

"Oh right. You're with them. Sorry for asking." She decided to tell him about what they've heard. "Ingat ka lang sa kanila, Chester. Don't let them fool you. You're smarter than this."

Wala nang sinabi pa si Chester kaya umalis na si Janine. May konting saya syang naramdaman, kasi she knows na konti na lang, mababalik na nila si Chester.

-

Jampacked na ang tao sa activity area. Nasa 3rd row ang barkada.

"Nasan si Sir Lean?" tanong ni Cyrus kay Vivien. Kasama pala nito si Tatin.

"May faculty outing sila diba? Teachers' Day outing or something. Nagtext sya kanina."

Umupo na sila sa mga pwesto nila nang dumating si Janine.

"Asan si Barbs?"

Hinanap naman nito si Vivien. "Di ata pupunta, baka natutulog or something." Nakita naman nito si Chester. "Chester's here!!"

"Kasama nya sina Jenica," medyo inis na sabi ni Janine. Di na ito nagsalita pa.

Si Wes naman, nandun sa malayong part ng activity area pumwesto. Ayaw nya sanang manuod pero di nya matiis si Rocky. Sinigurado nya na walang makakakita sa kanya, lalo na si Rocky.

-

"Hinahanap mo noh?"

Tumaas bigla ang kilay ni Rocky nang marinig nya yun at humarap agad sa bestfriend nya. "Sino?"

"Asuuus.. sino pa ba edi si Wes!!"

"Yuck ka naman, I'm not looking for him. Kinakabisado ko yung lyrics."

"Psh. Eh para sa kanya naman yung kanta, nagdedeny ka pa?"

"Coincidence lang. Stop giving meanings!"

"Di ako nagbibigay ng meaning ah.. kasi given na yun!"

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon