You're The One That I Want Updated #8

92.1K 1.9K 219
                                    

You're The One That I Want Chapter XX


Ganun lang ang sistema nina Denn at Leiza. Si Leiza ang gagawa ng sulat, at si Denn ang magbibigay kay Luisa. Ganun lang, every Wednesday.

Naiinis na nga sina Bee at Jean sa ginagawa ni Leiza para kay Denn. Masyado raw itong nagpapakamartir para sa lalaki.

"Ba't hindi ka na lang kasi umamin, Lei?!" inis na reklamo ni Bee habang kumakain sila sa McDo.

"Hindi naman kasi ganun kadali yun mga teh. Gusto talaga nya si Luisa."

"Psh. Natalo ka lang nun sa beauty contest!!! Nagandahan lang si Denn dun! Mas trip ka talaga nya sabi ni Christian!!!"

Napayuko na lang si Leiza. "Ano ba.. matagal na yun."

"Nako naman!!!" nainis na rin si Jean. "Ikaw 'tong dinate nya nung birthday nya! Nagcutting pa kayo! Hinatid ka na sa bahay! Tapos.. yan lang?! Taga-gawa ka lang ng love letter? Please lang!"

"Okay na talaga ako dito guys, promise." Tuloy lang sya sa pagkain nya. 


Kaso hindi naman talaga sya okay. Kinagabihan ay nagtext sa kanya si Denn.


From: Denn

Elizabeth! Pagawa ulit ng letter, okay lang? Pakisabi ang ganda ng ngiti nya kanina. Alam mo na yun. Thanks! XD


Pipigain na naman nya ang utak nya sa pag-iisip ng mga salita na pwedeng sabihin ni Denn kay Luisa kaso.. wala eh. 


"ANO BA LEIZA!!! Ba't ba masyado kang mabait?!?" hinagis nya ang notebook nya sa pader. Naiinis sya kay Denn! Nakalimutan na ba nito yung trip nila nung summer? Obvious naman na may gusto sya sa kanya ah! Ba't hindi nya mapansin yon?

Dun lang nya narealize na para silang nasa play na Cyrano de Bergerac. Sya si Cyrano na taga-gawa ng letters ni Christian (na sa lagay na ito ay si Denn) para kay Luisa (na si Roxane). Wala syang magawa kasi hindi naman sya kagandahan. Ganun naman ang mga type ni Denn, mga magaganda. Hindi kagaya nya.

-

Galit nyang binigay kay Denn yung sulat para kay Luisa sa locker area kinabukasan.

"Hoy Elizabeth!" napansin nya ang pagdadabog nito. "Okay ka lang?"

"Oo."

"Ba't ka galit?"

"EH BAKIT KA MANHID?!"

Natigilan silang dalawa dun. Umalis agad si Leiza.


Ang tanga lang nya.


--

Maagang umuwi si Leiza galing sa school. Tinatamad syang gumala kasama nina Jean at Bee. Matutulog na sana sya nang...



"ELIZABEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEETH!!!"


Nagtakip sya ng unan.


"ELIZABETH! LUMABAS KA DYAN KUNDI AAKYATIN KO YANG KWARTO MO!"

Hindi niya ito pinansin. As if aak--


Biglang bumukas ang bintana nya. Nagulat sya nang tumalon si Denn sa may lapag ng kwarto nya, may dalang box.


"ANONG GINAGAWA MO DITO!!!"

"Diba sabi mo manhid ako?"

"Oo. Pero joke lang yon."

"Pwes eto hindi joke." Inabot ni Denn ang box kay Leiza. "Buksan mo."

Nagulat si Leiza nang makita nya ang mga sulat nya para kay Luisa. Lahat ng sulat nya para kay Luisa.

"What's the meaning of this?!"

Nahiya pa si Denn. "Hindi ko binigay yan kay Luisa."

"PUTEK KA! PINAGKAHIRAPAN KO YUN!!!"

".. kasi.. way ko lang yan para mapansin mo ako. Na makausap kita."

"What?" nagulat si Leiza sa confession ni Denn.


"Kasi Elizabeth.. nung nangyari satin nung summer.. hindi ko makalimutan yon. Hindi ko naman sinadya na makick out sa school namin pero.. basta.. sabi ko iiwasan kita pag lumipat ako dito kaso.. hindi. Hindi ko magawa. Palagi ka na lang nandyan.

Wag mo akong sampalin, please? Alam mo bang lahat ng pinapasabi ko kay Luisa.. dapat para sayo yun eh.."

"You're kidding, right?"


Medyo natawa si Denn. "Sana nga nagbibiro ako. Pero eto?" turo sa dibdib nya. "T@ngina ilang beses nagbiro, pero ngayon lang nagseryoso."

"Elizabeth.. I'm falling in love with you." 

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon