Chapter 38.4: You And I

125K 2.5K 623
  • Dedicated kay Barbarians and Cyrusians ♥
                                    

Chapter 38.4: You and I

Save the best (?) for last. HAHAHA! [:D]

BAYRUS/BARAKO na 'tey!

Comment and vote pag nagustuhaaaaan (^.^)

--

#4 CYRUS & BARBS

--

CYRUS' POV

To: Barbara

Nandyan ka na ba? OTW nako.

Nagtext kasi sya sakin kagabi, kung pwede raw ba agahan namin ang pagpunta sa publishing house. Nga naman, medyo masama ata ang panahon ngayon. Tapos nagtext pa si Lean na cancelled ang game. Ayos!

*beep beep*

From: Barbara

Trike pa. Wag atat

Umagang-umaga galit agad. Haaay.. kelan ba magiging chill 'tong babaeng 'to? Yung 'on the way' ko pala, ibig sabihin nun nandito pa ako sa bahay. Katamad kayang umalis! Pero kailangan eh.

"Oh Cy, akala ko aalis ka?"

Ay, ate ko nga pala, si Rei. Himalang umuwi 'tong ate ko from Diliman this weekend. Usually kasi first weekend of the month lang sila umuuwi.

"Paalis na ko Ate. Aalis ka rin ba?"

Umupo si Ate sa sofa at binuksan ang TV. "Wag na lang kaya? Hintayin mo muna yung announcement ng PAGASA, baka kasi may bagyo."

"Okay lang ate. Tsaka sandali lang naman kami sa publishing house. Kailangan na talagang i-rush 'to eh."

Sakto lang ang closeness naming magkakapatid. Wala si Ate Anne, yung panganay namin. Since parehas silang babae at 11 months lang ang pagitan nila, di hamak na mas close sila. 3 years ang tanda ni Ate Rei sakin kaya palagi akong binibaby ng dalawang 'to. Under ba. Tignan nyo nga, napagkamalan pa ako ni Barbs na sakin yung mga DVD dati. (-.-)

"Basta umuwi ka agad ah. Full batt ba yang phone mo? Baka mamaya hindi kita macontact!!"

"Ate chill lang!" sabi ko habang binobotones ang polo ko. "Full charge pa naman ang phone ko, don't worry. Uuwi rin ako agad."

"Baka naman date yan ah? Publishing house ka pa!" tumalim ang tingin nya sakin.

"Sino namang idedate ko? Baliw."

"Tsss.. lahat na wag lang yung Kristina na yun. That b*tch."

Yep, galit ang dalawa kong Ate kay Tatin. Well.. mas asar sila sakin kasi I was the one who took the blame. Wag na nating pag-usapan yon.

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon