If I Fall Chapter 22: Tipping Point

144K 2.1K 386
                                    

If I Fall Chapter 22: Tipping Point

(Thursday Morning)

BARBS' POV

Nakakatamad pumasok ngayon. Lechugas, saktong CAT pa ako tinamad! Ako pa naman ang boss pag Thursday, takot sila sakin. Kaso tinatamad talaga akoooo!!

Tapos may problema pa ako.

Wala na akong masulat.

Ni hindi ko nga matignan yung Wattpad account ko e, pati yung isa ko pang Facebook account. Puro "Ate kelan po update?!" naman laman nun eh. Huhuhu anyareh sakin? Di talaga ako makapagsulat!!! Namomroblema talaga ako.

SCHOOL

Saktong umulan pa pagdating ko sa Charleston kaya wala kaming morning assembly. Oh great. Officers na lang ang ipagfoform ko. Kainis. Nyemas, wala pa ako sa mood para magpaform.

"OFFICERS FORM! SA, WA, TLO, PAT, MA, NIM, TO, LO, SIYAM.. SAMPU!!"

Pumila naman silang lahat.

"DAAAAAAAA....RAP! Isahang bilang.. na!"

Dun ko lang napansin na wala pa si Tuko. Aba, lakas ng loob ah! Ngayon lang siya ulit nalate ah!

Nagsabi lang ako ilang reminders nang.. dumating sya. Aba, bagong ligong pa si Tuko! Msama na nga ang gising ko, mas sumama pa dahil sa epal na'to.

Tinignan ko yung oras sa phone ko. 6:26am na. Super late.

"Ma'am permission to join the platoon, Ma'am," seryoso nyang sabi sa'kin. Bigla na lang akong nainis. Gusto ko syang upakan!!! At pinapamukha pa niya na mas matangkad sya sakin ah. Lagpas balikat naman nya ko. Aaaaaggghhhh!!! What's happening to me?

Tarayan ko kaya 'to! "Anong oras ang official time natin pag Thursday, Casabueno?"

"Ma'am 6:15 am po, Ma'am."

"Anong oras na?" nilabas ko yung phone ko at pinakita sa kanya. "Pakibasa nga!"

"6:27 am, Ma'am."

"Sison! Anong rule ko pag late ng Thursday?"

Napakunot ang noo ni Chester. "Ma'am 5 demerits and 3 weeks military count."

"Narinig mo 'yun, Casabueno?"

"Ma'am yes ma'am!"

"3 weeks military count. Move!"

Pumwesto ang loko para magpush-up. Sarap sipain ng mukha!!!

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon