...Daniel and I. [Oneshot]

73.2K 1.4K 228
                                    

... Daniel and I.

(A KathNiel Day special)

- KATH -

"Hoy Kath! Tulala ka na naman dyan!"

"Paanong hindi matutulala yan? Isang linggo pa lang kaya silang break ni DJ! Ikaw kaya Julia, try mong magmove-on sa maikling panahon na yan."

"Heh. Ewan ko sayo Aria. Totoo naman kasi eh! Lagi na lang tulala 'tong friend natin. Nagwoworry rin naman ako."

Ang saya na ni DJ. May kasama siyang ibang babae. Nagtatawanan sila. Nagtama ang mga tingin namin at biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Pero nung tinignan niya ulit yung babaeng kasama niya, nakangiti na naman siya.

"Kath, huy!"

"A-ah???" nagising ako sa katotohanan ng bigla akong yugyugin ni Julia.

"Friend, worried kami sayo. Mukhang masyado kang naattach kay DJ. Oo alam namin na mahirap magmove-on lalo na kung almost 1 year pa kayo ng lalaking yun. Pero you need to focus. Midterms na natin next week at natatakot kami ni Aria na baka maapektuhan pa studies mo."

"I'm fine. Thanks for the concern." tumayo ako at kinuha yung book bag ko, saka tumingin sa dalawang bestfriends ko. "Library lang ako."

Hindi ko na sila pinagsalita at iniwan ko na sila sa students' lounge. Hindi ako makapagconcentrate dahil...

Naaalala ko yung memories namin ni DJ na magkasama.

Kath, move on. Ikaw ang nakipagbreak. Kaya magmove-on ka na.

Papasok na ko ng library ng makita ko yung tropa ni DJ, ang Parking 5. Tatalikod na sana ako dahil ayoko silang makita pero nagulat ako ng tinawag ako ni Kats.

"Uy pare!"

I sighed. Patay na Kath, nakita ka pa.

Tinry ko ang best ko na maging maayos sa harapan nila kaya pagkaharap ko, nakangiti na ko.

"Uy Kats." sabi ko habang papalapit sa kanila. "Anong ginagawa niyong apat dito?"

"Eh eto, si Les kasi, naghahanap ng libro para sa tamang pamplantsa ng buhok. Hanggang ngayon kasi wala pa ring nangyayari eh."

"Manahimik ka nga Kats! Tampalin ko bibig mo dyan." nagtawanan lang si JC, Kats at Sed sa reaksyon ni Les.

"Ano palang ginagawa mo dito Kath? Saan mga kaibigan mo?" tanong ni Sed sakin.

One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon