Love story ni Shomba. [Oneshot]

176K 2.2K 591
                                    


PS: Sa mga hindi nakakakilala kay Shomba. Siya yung sa Coming Soon. Awang-awa ako sa kanya kaya natripan kong gumawa ng LOVE STORY na nagrerevolve sa kanya. MATAWA KAYO. Joke. XD

IBA ANG YENKO DITO SA YENKO SA BESTFRIENDS. PASINTABI PO PALA SA KUMAKAIN... HAHAHA!

----------------------------


“Lumayo ka sakin, Shomba!”
“Shet ampangit mo!”
“Di ka nababagay sa school na 'to!”
“You’re so poor and ugly!”
“Kadiri ka!”
“Eww!”


Yan yung mga narinig ko pagpasok ko ngayon sa school. Nakakasawa na, pero ano bang magagawa ko?

Hello. Ako nga pala si Shomba. Seventeen. Fourth Year Highschool Student. Sanay na sanay na akong tinutukso, tapos dinedegrade yung pagkatao ko. Well, Hindi ako martyr. Tanggap ko lang kasi na pangit ako, hindi ako mayaman, tapos ayun, PANGIT AKO. As in pangit. Nakakatakot nga daw ako e. Pang-horror daw mukha ko.

Sa Mutya High ako nag-aaral. First year, dito na ako. Alam niyo ba, scholar ako. Hindi nga kasi kami mayaman. Kami na lang ng nanay ko yung magkasama. Patay na papa ko dati pa. Kaya ayun.

Wala nga pala akong friend kahit isa. Syempre, sa pangit kong 'to. Kinakatakutan nga ako e. Geez, mga tao talaga. Mas importante yung nasa loob kaysa sa labas diba?


Pero, nagbago yun, nung nakilala ko siya.


Siya, Si Yenko. yung lalaking nagpatibok ng puso ko, di ko alam kung kailan pa nagsimula e. Basta, nalaman kong mahal ko na siya. Pero, ang weird lang, ni hindi nga niya ako kilala e. Di nga niya alam na nag-eexist ako sa mundong ito. Sikat kasi yun. Yung, panghearthrob-type kumbaga. Kaya malabong magkausap kami.

Pero, mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkausap kami.


October nun. Nakita ko siya. SIYA. Sa may rooftop. Gusto ko kasing magpahangin nun. Alam niyo na, naasiwa ako sa mukha ng Teacher namin e. Nakita ko siyang, umiiyak…


“Uhm. Hi. Bakit ka umiiyak?” Umupo ako sa tabi niya nun. Akala ko, magugulat siya, o kaya matatakot. Natural, sa pangit kong 'to e. Pero di ko inaasahan yung sunod na sinabi niya.

“Uy. Ikaw pala yan, Shomba.” Kilala niya ako?! Kinilig naman ako nun. Pero syempre, babae ako, kaya patweetums. Hehe. Nakita kong pinunasan niya yung luha niya. 

“May problema ka ba?” Tanong ko sa kanya. 

“Uh… Hehe. Oo. Gusto ko sanang sabihin sayo. Feeling ko, maiintindihan mo ako e.” Tinignan niya ako. Ay, napangiti ako nun. So, ibig sabihin, pwede niya akong pagkatiwalaan?

“Makikinig naman ako sayo e.” 


“Nag-divorce parents ko. Tangna lang.” Bigla siyang umiyak ulit. Alam niyo, nararamdaman ko yung pag-iyak niya. Nasasaktan talaga siya. As in, nasasaktan. Lalaki 'to e. Bihira umiyak ang lalaki.

Di ko alam, pero, bigla niya akong niyakap. Medyo nagulat ako, pero hindi naman ako pumalag. Syempre, crush ko e. Hehe.

“Five minutes lang. Shomba. Please? I really need a hug.” Habang niyayakap niya ako, damang-dama ko yung tibok ng puso ko. Lakas kaya. Syempre, nakayakap ba naman sayo yung mahal mo diba? Pero lalo akong nagulat yung umiyak siya, habang niyayakap niya ako.

“Tahan na. Alam mo, may reason kung bakit naghiwalay magulang mo. Baka, sa paraang yun, mas lalong hindi ka masasaktan. Kaya, tatagan mo loob mo Okay?” agstay kami ng 5 minutes. Ganun lang, nakayakap siya sa akin.

“Shit. Late na ako.” Tinanggal niya yung yakap niya sa akin. Tapos nagsmile siya sa akin, yung smile na sincere.

“Uh. San ka pupunta? Uuwi ka na?”


“May basketball practice pa kami e. Sige, bye!” Pero bago yun, kiniss niya ako sa… cheeks.


“Thanks ha? Sa pagpapagaan ng loob ko. Hindi ka naman pala nakakatakot e.” Tapos nagbbye na siya. Ang saya-saya ko. Ang saya-saya talaga.

Sabihin niyo nga sa akin, siya na kaya? Yung mamahalin ako kung sino ako? Yung, taong, mamahalin ako, inspite of my imperfections?


Sana nga, Yenko, ikaw na. Ikaw na sana. <3



One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon