Schoolmate kong Gwapo. [Oneshot]

98.3K 1.9K 215
                                    

LOL SABAW LANG HAHA!

-------------------------

“Christine! Mahal mo ako?” Sigaw ni Marc. Schoolmate ko. Ubod ng hangin, palibhasa gwapo eh. =_=

“Ewan ko sayo!” Tumakbo ako papalayo sa kanya. Nagpunta muna ako sa library para magtago. Ugh. Nakakahiya talaga e! 

Bakit ba kasi sa isang lalaking kagaya ni Marc pa ako nainlove? Hindi ko naman kasi yun sinasadya e. I hated him at first, lagi kaming nag-aasaran, pero dun ko nalaman na mahal ko na pala siya. Ewan ko, ang lakas kasi ng tibok ng puso ko kapag andyan siya e. Gwapo siya, pero ubod nga ng yabang! Maraming naging girlfriends, walang sineseryoso. Kaya talagang prinamis ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove sa kanya. Pero, wala e. Bumigay rin ako. :(

Gusto niyo ba malaman kung paano niya nalaman? Ganito kasi yung nangyari last week. 

Tinawagan ko si Mandy, Bestfriend ko, tanda ko nga, 6pm yun. Talagang torete na ako nun at kailangan ko ng makakausap tungkol sa feelings ko. So, ayun, dinial ko yung cellphone number niya. Yung narinig kong pinindot niya na yung answer button, dumakdak na ako ng dumakdak. Sinabi ko na wag muna siya magsasalita dahil kailangan ko muna sabihin sa kanya yung problema ko. Sinabi ko na nafafall na ko kay Marc, na mahal ko na siya. Pero natatakot ako na alam mo na, sabihin kasi hindi rin naman ako papansinin nung gagong yun. Tuloy-tuloy lang ako ng sinasabi ng biglang narinig kong may tumawa sa kabilang linya. BOSES LALAKI.


“Uh. Hello Mandz? Sinong kasama mo?”


“Hindi ako si Mandz, ako si Marc.” Syet. Pagkatingin ko sa screen, si Marc yung nadial ko! Napacareless ko, magkasunod lang naman name nila pero ang bobo ko naman! :|

Hindi ako nagsalita nun at inend-call ko na lang yung conversation namin. Pulang-pula nga ako nun e. Nakakahiya. :| 

Kaya ayun, inaasar pa rin ako ni Marc hanggang ngayon. Di niya alam, gusto kong itago na 'to kaso lalo lang ako naiinlove sa kanya. :(

“Christine? Pwede ba tayong mag-usap?” Medyo nagulat ako kasi si Marc, nasa harapan ko. Sinundan niya ako sa library?!

“Anong ginagawa mo dito? Ano? Aasarin mo na naman ako?” Inirapan ko lang siya pero ayun, pinitik lang ako sa noo.

“Ang engot mo talaga. Sa susunod, kung ayaw mong malaman ko yung feelings mo, tignan mo muna kung sino yung tinatawagan mo.” Tapos tumayo na siya at paalis na, kaso, may sinabi siya bago siya umalis sa library e, na lalong nagpatibok ng puso ko.

“Ganun din naman nararamdaman ko, Christine.” Saka na siya umalis nun. Pero may ngiti sa labi niya. At sa labi ko.


The End.


PS: Sabaw na me. <3

One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon