Chapter 1 (Unedited)

530 18 2
                                    



CHAPTER 1

"Mam Agatha, Mam Agatha!" patakbong lumapit si Bea kay Agatha. "Pinapatawag po kayo ni Mang Simon, luto na daw po ang bagong menu."

"A, ganoon ba? Sige susunod na ako," nakangiting sagot niya dito.

Iniligpit muna ni Agatha ang mga papeles na nakalapag sa kaniyang office table at mabilis siyang nagtungo sa kusina upang tikman ang bagong likhang putahe ng kaniyang Head Chef na si Mang Simon, ikalawang ama kung ituring niya.

It was an ordinary working day para kay Agatha. As usual, abala siya sa kaniyang restaurant. Mas lalo pa siyang naging abala ngayon dahil sa plano niyang business expansion. Gusto niyang mag-offer ng iba pang services tulad ng catering services at magtayo ng additional branch ng kaniyang restaurant.

Siya ang may-ari ng Alimento by Agatha, isang fine dining restaurant that is well-known for its Elysian appeal which is perfect for romantic gatherings and formal events. It is also known for its affordable prices, kaya naman madalas itong dayuhin ng customers kahit hindi magnobyo.

Agatha was a very hands-on restaurant owner. Graduate siya ng kursong Management at hilig niya ang pagluluto. Kumpleto ang kaniyang staff mula sa rank and file hangang sa managerial position, ngunit mas pinili ni Agatha ang personal na pagsubaybay dito.

Simula nang magkaroon ng bagong asawa ang kaniyang Daddy Rene o mas kilala sa kanilang lugar bilang Don Rene, apat na taon makalipas na bawian ng buhay ang kaniyang Mommy Elena, dahil sa isang malubhang sakit ay sa restaurant na lamang ibinuhos ni Agatha ang kaniyang oras at panahon. Nagtatampo siya sa muling pagpapakasal ng kaniyang ama, kaya nagpasiya siya na umalis sa poder nito, tumapak sa sariling mga paa at doon na rin manirahan sa bahay nila sa Baguio kasama ang kaniyang Yaya Sol.

Iniwan ni Agatha ang mala-prinsesang pamumuhay sa probinsiya nila sa Nueva Ecija, na kung tutuusin ay kahit tumunganga lamang siya at huwag na magtrabaho buong buhay niya ay ayos lang dahil lahat ng kayang abutin ng mga mata ay pag-aari ng kaniyang pamilya. Ilang daang ektaryang lupain pang-agrikultura, malalaki at modernong rice mills, cattle ranch, hatcheries at piggeries na matatagpuan sa mabundok na parte ng Nueva Ecija ang pinanggagalingan ng kanilang kayamanan at tanging siya lamang ang magmamana nito dahil siya ay nag-iisang anak.

"Sino ako? Sabihin n'yo nga sa akin kung ano ang pangalan ko.", eksaheradong pag-arte ni Agatha.

"Ay naku naku, ikaw talagang bata ka!", nakatawang sambit ni Mang Simon.

"E kasi naman Mang Simon, sa sobrang sarap nito, nakalimutan ko na ang pangalan ko. Sigurado ako, best seller na naman ito ng Alimento."

Gumawa si Mang Simon ng bagong putahe na maidadagdag sa kanilang menu. Masipag itong gumawa ng bagong putahe, halos linggo-linggo ay gumagawa ito. At bukod sa pagiging masipag ni Mang Simon ay talaga namang napakasarap ng mga luto nito.

"Hay naku! Napakabolera mo talagang bata ka. Talaga bang masarap?" natatawang tanong ng matandang Chef.

"Oo nga po, kung hindi ito masarap Mang Simon hindi ko ito ipalalagay sa menu natin." giit niya.

"Sa bagay, ikalulugi mo nga naman iyon." at sabay silang nagtawanan.

"Hi Marshie!"

"Hello Beshie!"

Masiglang bati ng dalawang bagong dating. Ang kapwa Certified Public Accountant(CPA) na sina Vhon-ang gay bestfriend at Khristine-ang girl bestfriend ni Agatha. At hindi lang basta CPA ang mga ito, si Vhon ay top three at si Khristine naman ay top five sa nakaraang 2010 CPA board examination. Simula pa noong elementarya siya ay kaibigan na niya ang mga ito. Noong una ay mortal silang magkakaaway dahil sa silang tatlo ang nagtatagisan ng talino at naglalaban sa pagka-first honor sa kanilang paaralang pinapasukan, ang General De Jesus Academy sa Nueva Ecija. Ngunit hindi rin nagtagal ay naging matatalik na silang magkakaibigan, na ang turingan ay parang tunay na magkakapatid na hindi mapaghihiwalay ng kahit na sino man. Kung kaya noong magsipagtrabaho na sila ay napagkasunduan nilang sa Baguio City nalang mamuhay. Malapit ang mga puso nila sa Baguio City dahil sa isang retreat na ginanap dito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Sina Vhon at Khristine ay partners sa itinayo nilang Accounting and Auditing Firm at maganda na rin ang practice ng mga ito doon, habang siya naman ay nagtayo ng sarili niyang restaurant.

In My Arms Again (BFF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon